Hesperian Health Guides
Mga problema sa obaryo
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 24: Kanser at mga tumutubo > Mga problema sa obaryo
Cyst sa obaryo
Ang cyst na ito’y supot na puno ng likido na tumutubo sa obaryo. Nangyayari lang ito sa panahon na kayang magbuntis ng babae, sa pagitan ng pagdadalaga at menopause. Maaaring magdulot ang cyst ng pananakit sa isang panig ng puson, at hindi regular na pagregla. Pero sa karamihan ng babae, nalalaman lang nilang may cyst kapag nakapa ng health worker sa pag-pelvic exam.
Ilang buwan lang tumatagal ang karamihan ng cyst, tapos ay kusang nawawala. Pero lumalaki nang husto ang ilan at kailangang operahan at tanggalin. Kung mayroon kang matinding pananakit, magpatingin agad sa isang health worker.
Kanser sa obaryo
Hindi karaniwan ang kanser sa obaryo. Madalas walang babalang palatandaan, pero maaaring makapa ng health worker ang napakalaking obaryo habang gumagawa ng pelvic exam. Ginagamit ang operasyon, gamot at radiation para lunasan, pero napakahirap ang ganap na pagpapagaling.