Hesperian Health Guides
Karaniwang mga problema habang buntis
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 6: Pagbubuntis at panganganak > Karaniwang mga problema habang buntis
Mga nilalaman
Masama ang sikmura (nadudwal)
Madalas tawagin itong âmorning sicknessâ, pero puwedeng madama mo ito anumang oras o kung minsan ay buong araw. Nawawala ito madalas sa katapusan ng ika-3 o 4 na buwan.
Ano ang gagawin:
- Uminom ng isang tasa ng tsaa mula sa luya o cinnamon, 3-4 beses bawat araw, bago kumain.
- Kumain nang kaunti pero mas madalas, at iwasan yung malangis o mahirap tunawin.
- Dilaan ang isang piraso ng limon o dayap.
- Tanungin ang mga komadrona kung may alam silang mahusay na halamang gamot o remedyo.
Heartburn o hindi natunawan
Kung may heartburn, pakiramdam mo ay parang nasusunog ang lalamunan at dibdib. Pinakamadalas ito sa huling bahagi ng pagbubuntis, pagkatapos kumain o kapag nahihiga.
Ano ang gagawin:
- Sa halip na isang kainan na marami, gawing kaunti pero madalas.
- Iwasan ang pagkaing maanghang o malangis.
- Damihan ang tubig at iba pang malinaw na sabaw o likido.
- Iwasang humiga pagkatapos kumain.
- Matulog na mas mataas ang uluhan kaysa sa sikmura.
- Uminom ng isang tasang gatas o yogurt, isang tasang tubig na may bicarbonate of soda o kayaây calcium carbonate (antacid, panlaban sa asido ng sikmura).
Discharge mula sa puwerta
Habang nagbubuntis, normal na may maputing discharge o lumalabas mula sa iyong puwerta. Pero kung makati, mahapdi, o may masamang amoy baka may impeksyon ka sa ari na dapat gamutin. Kung madugo ang discharge o may mucus (mala-sipon) na kahalo, o kung marami at mukhang tubig, magpatingin sa health worker. Baka nagsisimula kang mag-labor nang napakaaga.
Varicose veins
Itoây mga kulay asul at namamagang ugat sa paaât binti at sa paligid ng ari. Dulot ito ng bigat ng nabubuong sanggol. Puwedeng lumaki at sumakit ito nang husto.
Ano ang gagawin:
- Iwasang tumayo nang matagal. Kung kailangan mong tumayo, lumakad-lakad o galaw-galawin ang paaât binti. Kung nakaupo, itaas mo ang paa tuwing may pagkakataon. *Tiyaking nakakalakad ka araw-araw. Kung may kapansanan ka at hindi makapaglakad, pakiusapan ang isang kapamilya na tulungan kang galaw-galawin at i-exercise ang iyong mga paa.
- Kung matindi ang problema, ibalot ang paa mo ng tela. Simulan sa bukung-bukong (ankle) at pataasin hanggang sa ilalim ng tuhod. Dapat mas mahigpit sa may bukung-bukong at papaluwag habang papaakyat. Tanggalin ang balot sa gabi.
Constipation (hirap dumumi)
Pinapabagal ng pagbubuntis ang paggana ng daanan ng dumi, kaya nagiging mas matigas ang dumi at mas mahirap ilabas.
Ano ang gagawin:
(tulong din ito para makaiwas)
- Uminom ng di-bababa sa 8 basong tubig o inumin bawat araw.
- Mag-exercise nang regular.
- Kung gumagamit ka ng iron, subukang uminom ng isa lang bawat araw kasabay ng katas ng prutas o gulay, o tumigil ng ilang araw.
- Kumain ng maraming prutas, gulay at pagkaing may fiber (hilatsa)âtulad ng kamoteng kahoy.
- Huwag uminom ng laxative. Panandalian lang ang lunas nito, tapos ay kailangan mo nang uminom nang mas madami
Almoranas
Itoây mga namamagang ugat sa palibot ng butas ng puwit. Madalas ay makati, mahapdi o dumudugo. Pinapalala ito ng constipation.
Ano ang gagawin:
- Umupo sa palanggana na may bahagyang malamig na tubig para mabawasan ang sakit.
- Sundin ang payo sa taas sa pagiwas sa constipation.
- Tumuwad na nakataas ang puwit. Makakabawas ito ng sakit.
Pulikat sa paa
Madalas magpulikat sa paa ang mga buntisâlaluna sa gabi, o kapag nag-inat o naituro pababa ang paa. Posibleng dulot ito ng kakulangan ng calcium sa kinakain.
Ano ang gagawin:
- Kumain ng maraming pagkaing may calcium, tulad ng gatas, keso at mga gulay na berde at madahon.
- Kung mamulikat ang paa mo:
...Itulak pababa ang sakong ng paa... |
|
...at ituro pataas ang mga daliri ng paa... |
|
...tapos ay himasin nang banayad ang kalamnan na namumulikat para mag-relaks. |
|
HUWAG ituro pababa ang paa. Mapapalala nito ang pulikat. |
Pananakit sa ibabang bahagi ng likod
Ang ganitong pananakit ay mula sa bigat ng nabubuong sanggol.
Ano ang gagawin:
Dagdag na impormasyon
pagbubuhat at pagdadala ng mabibigat na bagay- Hilingin sa iba na himasin o imasahe ang iyong likod.
- Magpatulong sa iyong pamilya sa ibang mabibigat na trabaho.
- Huwag kaligtaan na ituwid ang likod habang nakatayo o nakaupo.
- Matulog nang nakatagilid na may unan o nakabalunbon na tela sa pagitan ng tuhod.
- Gawin ang exercise ng âgalit na pusaâ sa loob ng ilang minuto, 2 beses bawat araw, at tuwing nananakit ang likod mo.
Pamamanas ng mga paa at binti
Normal sa pagbubuntis ang kaunting pamamanas ng paaâlaluna para sa mga babaeng kailangang nakatayo nang buong araw.
Ano ang gagawin:
Itaas ang paa mo tuwing may pagkakataon.
- Kung nagpapahinga, mahiga sa iyong kaliwang bahagi.
- Palatandaan na ng panganib kung sobrang manas na ang paa mo, o manas na ito paggising pa lang sa umaga, o kung manas na rin ang kamay at mukha mo. Tingnan ang Mga risgo at palatandaan ng panganib sa pagbubuntis.