Hesperian Health Guides

Paghahanda sa pag-labor at panganganak

Sa kabanatang ito:

Mga dapat ihanda bago manganak

Dapat naihanda na ng isang buntis na babae ang mga sumusunod na bagay sa ika-pitong buwan ng pagbubuntis:

Fil WWHND10 Ch6 Page 078-1.png Fil WWHND10 Ch6 Page 078-2.png
sabon at alkohol malinis na tali
WWHND10 Ch6 Page 078-3.png Fil WWHND10 Ch6 Page 078-4.png
malinis na tela new bagong blade
WWHND10 Ch6 Page 078-5.png
dalawang mangkok o palanggana, isang hugasan at isang lagayan ng inunan
Kung wala kang bagong blade, puwede kang gumamit ng gunting o kutsilyo na walang kalawang kung pakukuluan ito nang 20 minuto bago ipamputol sa cord ng pusod.
Panahon din ito para:
  • maghanda ng sasakyan kung sakaling kailangang pumunta sa ospital
lampaso at balde
  • linisin ang lugar na paaanakan
maliit na trak

Pag-alalay sa babae na manganak

Kung buntis ka, basahin mo ito para malaman kung ano ang aasahan sa pag-labor at pagkatapos manganak. Mas matutulungan mo rin ang ibang babae sa panganganak.

Kung umaalalay ka sa ibang babae na manganak, ipanatag ang loob niya para hindi matakot. Alalahaning naisisilang nang walang problema ang karamihan ng sanggol. Manatiling kalmado at maaliwalas, at ipaalam sa kanya na may tiwala ka sa kakayahan niyang manganak.

Para sa ligtas na panganganak, gawin ang tatlong paglilinis:
1. Malinis na kamay 2. Malinis na panganganakan 3. Malinis na pamputol ng cord ng pusod
tabo na nagbubuhos ng tubig sa dalawang kamay
kuwarto na may kama sa tabi ng lamesa na may mga gamit
panghiwa o blade sa loob ng pakete
Tingnan ang Pagpigil sa impeksyon.


GAWIN

  • Dapat malinis at maikli ang kuko mo.
  • Maghugas ka ng kamay sa sabon at malinis na tubig. Patuyuin sa hangin.
  • Intindihing may mga babaeng may dagdag na risgo, at aralin ang ‘Mga Palatandaan ng Panganib sa Pagbubuntis’. Kung may alinman sa mga nakalistang risgo o palatandaan ng panganib, tiyaking sa health center o ospital manganak ang babae.
  • Aralin ang ‘Mga Palatandaan ng Panganib sa Pag-labor’. Dalhin siya sa ospital kung may alinman sa mga palatandaan.
  • Maging mabait at magalang.


WWHND10 Ch6 Page 079-1.png
MAHALAGA! Protektahan mo ang sarili sa HIV at hepatitis. Gumamit ng malinis na guwantes sa pagpapaanak. Kung wala kang guwantes, gumamit ng supot na plastik na hinugasan.


HUWAG GAWIN

  • Huwag ipasok ang daliri o anumang bagay sa puwerta. Ang pagsukat sa pagbuka ng cervix ay hindi nakakatulong na maisilang ang sanggol, at puwedeng pagmulan ng mapanganib na impeksyon.
  • Huwag magbigay ng anumang gamot para pabilisin o palakasin ang pag-labor. Puwedeng makapatay sa nanay at sanggol ang mga ito. (Ang mga gamot na pampaimpis ng matris ay ginagamit lang para pahintuin ang pagdurugo matapos manganak.)
  • Huwag siyang pairihin kung hindi pa siya handa. Kapag napapanahon na ang paglabas ng sanggol, mararamdaman niya na para siyang napapadumi at magsisimula siyang umiri nang kusa.
  • Huwag diinan o itulak sa labas ang matris para pabilisin ang paglabas ng sanggol. Puwedeng mapunit ang matris o maagang humiwalay ang inunan. Makakapatay ito sa nanay at sanggol.
Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017