Hesperian Health Guides
Para sa tatay
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 6: Pagbubuntis at panganganak > Para sa tatay
Mga nilalaman
Pagbubntis
Makakatulong sa katawan at isip ng iyong kapartner kung ipapakita mong may pagpapahalaga ka sa kanya. Siguraduhing may katuwang siya sa trabaho. Kung hindi mo kaya na ikaw ang gagawa ng trabaho, sikaping maghanap ng iba na tutulong. Tiyaking masustansya ang pagkain niya at nagpapa-prenatal check-up. Magpa-test at magpagamot para sa impeksyon na naihahawa sa pagtatalik, kasama na ang HIV. Kung may HIV ka, mag-condom habang nakikipagtalik.
Panganganak
Puwede mong matulungan ang iyong kapartner na maging matatag at ligtas sa pag-labor at panganganak sa:
Sa buong panahon ng pagbubuntis, panganganak at pagkatapos, maging alerto ka sa mga palatandaan ng panganib sa nanay at sanggol. Humingi ka ng tulong kung sa tingin mo ay may problema.
- pagtiyak na may sapat na tubig at pagkain sa inyong bahay.
- pagsundo sa kanyang komadrona o health worker na magpapaanak.
- pag-asikaso sa ibang mga anak.
- at pagtiyak na may sasakyan sakali mang may emerhensya.
Pagkapanganak
Ang unang 6 na linggo pagkapanganak ang pinakamahalagang panahon para makabawi ng lakas at kalusugan ang babae. Sa panahong ito, kailangan niya ng maraming masustansyang pagkain at pahinga. Matutulungan mo siyang makapahinga nang husto kung aakuin mo ang ilan sa kanyang trabaho—tulad ng pag-iigib ng tubig, pagtitipon ng panggatong, pag-aalaga sa iba ninyong anak, o paghahanda ng pagkain. Kung hindi ka makatulong, sikaping maghanap ng iba na puwede.
Kung maglalaan ka ng panahon para kargahin at alagaan ang sanggol, magkakaroon ng pagkakataon ang partner mo na makatulog, at mapapalapit ka sa iyong bagong anak.
Huwag kang makipagtalik hangga’t hindi humihinto ang pagdurugo niya para maiwasan ang impeksyon sa go niya para maiwasan ang impeksyon sa matris.
Pagaplano ng pamilya
Para maging malusog ang nanay at mga sanggol, pinakamainam na patlangan ng 2 taon o higit pa ang pagbubuntis. Paggamit ng paraan sa pagpaplano ng pamilya ang isa sa pinakaimportanteng maitutulong mo para bumuti ang kalusugan ng iyong pamilya. Bumisita sa klinika kasama ang iyong kapartner para magkasama kayong magdesisyon kung anong paraan ang pinakamainam. Pagkatapos ay umako ka ng responsibilidad sa paggamit nito.