Hesperian Health Guides

Pangangalaga sa nanay at sanggol pagkapanganak

Sa kabanatang ito:

Pangangalaga sa nanay pagkapanganak

Hikayatin ang nanay na magpasuso, na makakatulong na mas maagang mapatigil ang kanyang pagdurugo. Dagdag pa:

  • Kapain ang tuktok ng matris. Dapat ay matigas at mabilog ito sa bandang tapat ng pusod. Kung malambot ang matris, sabihan siyang umihi, tapos ay himasin ang matris hanggang sa tumigas ito. Kapain maya’t maya ang matris para malaman kung lalambot uli. Tingnan kung may pagdurugo. Ituro sa nanay ang pagkapa ng matris at paghimas kung lalambot uli.
  • Tingnan ang puwerta ng nanay. Kung may mahaba’t malalim na sugat, o sugat na hindi humihinto sa pagdugo, dapat ipatahi ito sa nakakaalam.
  • Kung nagugutom, bigyan siya ng sapat na makakain at maiinom.

Pangangalaga sa sanggol

Tiyaking alam ng nanay na pagpapasuso ang pinakamahusay na pagkain ng kanyang sanggol. Isama ang sanggol sa nanay para makasuso ito at manatili sa tamang init. Payuhan ang nanay na dapat ay naiinitan at malinis ang sanggol at pinapasuso tuwing gusto.

Madalas may kaunting manilaw-nilaw na muta sa mata ng sanggol sa unang mga linggo nito. Puwedeng hugasan ang mata ng gatas mula sa suso o pinakuluang tubig at malinis na pampunas. Kung pumula, mamaga at magkaroon ng maraming nana sa mata, ipatingin na siya sa isang health worker.

Kung may HIV ang nanay, makakaprotekta sa sanggol na maimpeksyon ang pagbibigay sa kanya ng gamot pang-HIV pagkapanganak.

Pangangalaga sa cord

Panatilihing malinis at tuyo ang pinagputulan ng cord ng sanggol. Kung kaya, linisin ito ng alkohol at malinis na tela tuwing magpapalit ng lampin. Hindi mo ito kailangang takpan ng kahit ano, maliban kung maalikabok o malangaw. Pagkatapos ay puwede kang gumamit ng malinis na malinis na gasa o tela para takpan ito nang maluwag.

Kung may mapansin kang pamumula o nana sa paligid ng cord o pusod, baka may impeksyon ang sanggol. Dapat makita siya ng isang health worker at mabigyan kaagad ng antibiotics.

Tetano sa bagong panganak

Ano ang gagawin:

IHATID!

Dalhin agad sa isang health center o ospital.

Kung lampas sa 2 oras ang pagpunta sa ospital, at alam mong gawin ito, iniksyunan muna ang sanggol ng 100,000 unit ng benzylpenicillin.

Sa unang mga linggo pagkapanganak

Pangangalaga sa bagong ina

Kailangan ng mga nanay ng pangangalaga pagkapanganak katulad din ng mga sanggol. Abala madalas ang mga tao sa pag-aatupag sa sanggol na puwedeng malimutan ang pangangailangan ng nanay.

  • Para makaiwas sa impeksyon, hindi dapat makipagtalik o maglagay ng anumang bagay sa loob ng puwerta hanggang sa huminto ang pagdurugo.
babaeng nakahiga sa kama sa tabi ng sanggol
  • Dapat magpahinga nang husto nang di bababa sa 6 na linggo.
  • Dapat sikapin na manatiling malinis. Mabuti para sa kanya na hugasan at panatilihing malinis ang ari. Habang naliligo, huwag umupo sa tubig hanggang lumipas ang isang linggo pagkapanganak.
  • Kailangang ng bagong ina na kumain nang mas madami kaysa karaniwan. Puwede siyang kumain ng kahit anong klaseng pagkain—isda, karne, beans, butil, gulay, at prutas—lahat ito’y makakatulong sa paghilom mula sa panganganak at pagbigay ng kinakailangang lakas .
  • Kailangan niya ng maraming inumin.
babaeng nagpapasuso ng sanggol habang nakaupo sa wheelchair
  • Kung may punit sa bukana ng puwerta, kailangan panatilihin itong malinis. Puwedeng dampian ng mainit at mamasa-masang tela ang sugat at lagyan ng pulot (honey) para bumuti ang pakiramdam at bumilis ang paghilom. Kung mahapdi ang sugat, puwedeng magbuhos ng tubig sa ari habang umiihi.


Dapat linisin (pinakamabuti na pakuluan) ang anumang halamanggamot na gagamitin para pampahilom ng ari. Huwag maglagay ng anumang halamang gamot sa loob ng puwerta.

  • Kailangan gumamit ng paraan sa pagpaplano ng pamilya sa pinakamaagang kakayanin, laluna kung may kinakain na iba ang sanggol maliban sa gatas sa suso. Para sa mabuting kalusugan, kailangang magsimulang gumamit ng paraan ng kontrasepsyon bago makipagtalik muli, kung hindi ay baka mabuntis nang masyadong maaga.

Kung magsabi ang nanay na hindi mabuti ang pakiramdam niya, bantayan siyang maige para sa mga palatandaan ng impeksyon.

Palatandaan ng panganib sa unang mga araw pagkapanganak

Pagdurugo

Kung duduguin matapos ang isang araw pagkapanganak, madalas ay mga piraso ng inunan na naiwan sa matris ang sanhi.

Mga palatandaan ng panganib ng sobrang pagdurugo

  • sa isang oras, basang-basa ng dugo ang 2 pad o makapal na basahan sa unang araw pagkapanganak
  • sa isang oras, basang-basa ng dugo ang 1 pad o makapal na basahan matapos ang unang araw pagkapanganak

Ano ang gagawin:
Himasin nang medyo madiin ang tuktok ng matris hanggang tumigas ito nang husto at huminto ang pagdurugo. Padedehin ang sanggol sa suso, o utusan ang ibang tao na paikut-ikutin ang utong ng nanganak sa pagitan ng mga daliri.

Ano ang gagawin:
  1. Himasin ang tuktok ng matris hanggang tumigas nang husto at tumigil ang pagdurugo. Pasusuhin ang sanggol, o paikut-ikutin sa pagitan ng daliri ang mga utong ng nanay.
  2. IHATID!

  3. Magbigay ng gamot na pampatigil ng pagdurugo.
  4. Kung hindi titigil ang pagdurugo, isugod sa tulong medikal. Ituloy ang paghimas sa kanyang matris habang dinadala sa ospital.
  5. Kung may palatandaan ng impeksyon, bigyan siya antibiotics para sa impeksyon sa matris na nakasulat sa ibaba.

Impeksyon sa matris

Napakadelikado ng impeksyon sa matris. Dapat itong magamot. Kung hindi, maaaring mabaog o mamatay ang babae.

Panlunas:
1. Magbigay ng isa sa mga sumusunod na kombinasyon ng gamot:
ampicillin 2 g (2000 mg) IV (suwero) o IM (iniksyon) sa unang pagbigay lang,
pagkatapos 1 g (1000 mg) IV o IM tuwing magbibigay
4 beses bawat araw
AT gentamicin 80 mg sa unang pagbigay lang, IV o IM 3 beses bawat araw
AT metronidazole 500 mg iinumin o IV3 beses bawat araw
O KAYA
ceftriaxone 250 mg IM 1 bese
AT doxycycline
(iwasang gamitin ang doxycycline kung nagpapasuso)
100 mg iinumin 2 beses bawat araw
AT metronidazole500 mg iinumin o IV 3 beses bawat araw
Alinman sa dalawang kombinasyon ang gamitin, dapat ituloy-tuloy ang lahat ng gamot nang 2 araw (48 oras) matapos mawala ang lagnat. Kung may allergy sa mga penicillin ang babae, painumin siya ng 500 mg erythromycin 4 na beses bawat araw, sa halip na ampicillin.
2. Kung hindi bumuti ang pakiramdam niya sa loob ng 24 oras, dalhin na siya sa pinakamalapit na ospital. Hikayatin siyang uminom ng maraming tubig o inumin kung sa bibig pinapadaan ang gamot.



Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017