Hesperian Health Guides

Mga risgo at palatandaan ng panganib sa pagbubuntis

Sa kabanatang ito:

Mga babaeng may dagdag na risgo

maliit na gusali na may karatulang “Health Center”
malaking gusali na may karatulang “Ospital”
Dapat magplano na magsilang sa isang health center o ospital ang babaeng malamang magkaroon ng delikadong panganganak.

Puwedeng mas mapanganib ang pagbubuntis at panganganak ng mga babaeng may anuman sa mga problemang ito. Dapat magplano sila na sa health center o ospital manganak, at kailangan nila ng mga prenatal check-up habang buntis.

  • Anemia. Tinataas nito ang tsansa na duguin nang matindi habang nanganganak, magkasakit matapos manganak, o mamatay. May dagdag na impormasyon sa anemia sa susunod na pahina.
  • Diabetes. Madalas maging sanhi ito ng malubhang problema sa nanay at anak. Puwedeng mamatay ang sanggol bago isilang, o lumaki masyado at magbara sa buto ng balakang.
  • Altapresyon. Puwede itong magdulot ng matinding pananakit ng ulo, kombulsyon, at maging kamatayan.
  • Medyo matanda na ang nanay at marami nang naisilang. Madalas mahaba at mahirap ang pag-labor at matindi ang pagdurugo pagkapanganak.
  • Ang mga nanay na mas bata sa 17 ay mas mataas ang tsansang magka-eclampsia (kombulsyon), mahaba’t mahirap na paglabor, premature na anak, at pagbara ng sanggol sa pagsilang, na makakasira sa pantog, puwerta at matris at maaaring makapatay sa ina (tingnan ang "Tumatagas na ihi").
  • Ang mga babaeng nagkaproblema sa nakaraang pagbubuntis—tulad ng kombulsyon, cesarian na panganganak, malubhang pagdurugo, sobrang-aga o sobrang liit na sanggol, o sanggol na patay sa pagsilang—ay mas malamang magkaproblema sa susunod na pagbubuntis o pagsilang.
  • Ang mga babaeng may kapansanan, na nawawalan ng pakiramdam ang katawan o nahihirapang maglakad, ay maaaring magkaproblema kapwa sa pagbubuntis at panganganak.
  • May panganib ang mga babaeng may HIV na maipasa ang HIV sa kanilang mga sanggol, pero puwede silang uminom ng gamot para maiwasan ito.

Sobrang panghihina o pagod (anemia)

Kung may sobrang panghihina o pagod ka, baka anemic ka. Mas malamang duguin nang malubha pagkapanganak ang mga babaeng sobrang anemic.

Ano ang gagawin:
botelya ng pildoras ng iron
  • Tiyaking may pagkaing sagana sa iron —karne, isda, manok, itlog, butong-gulay (beans at peas), at mga gulay na berde’t madahon.
  • Uminom ng 325 mg iron, 2 beses at 1 mg folic acid, 1 beses bawat araw hanggang manganak. Kung isasabay sa prutas tulad ng dalandan, mangga o papaya, mas magagamit ng katawan ang iron.

Pananakit sa puson

ectopic pregnancy
pagbubuntis na lumalaki sa loob ng tubo na nagdudugtong sa matris at obaryo
  1. Ang matindi at tuluy-tuloy na pananakit sa unang 3 buwan ay puwedeng mula sa pagbubuntis na lumalaki sa labas ng matris, sa loob tubo (tubal pregnancy o ectopic pregnancy). Masakit dahil nababanat ang tubo. Kung lumaki pa ang pagbubuntis, puputok ang tubo at dudugo. Napakadelikado nito. Duduguin ka sa loob at maaaring mamatay.
    Palatandaan ng ectopic pregnancy:

    Ang matinding pananakit sa tiyan ay hindi palaging nangangahulugan na may diperensya sa pagbubuntis. Para sa dagdag na impormasyon sa ibang posibleng sanhi, tingnan ang "Pananakit sa puson."

    babaeng namimilipit sa sakit, hawak ang isang gilid ng kanyang tiyan
    • hindi nireregla, at
    • masakit ang puson sa isang panig, at
    • may kaunting pagdurugo sa puwerta
    • nahihilo, nanghihina o hinihimatay
    Ano ang gagawin:

    Pumunta sa pinakamalapit na ospital.

  2. Matinding sakit (pamumulikat) na padating-dating sa unang 6 na buwan — baka nakukunan ka.
  3. IHATID!

  4. Matindi at tuluy-tuloy na pagsakit sa huling bahagi ng pagbubuntis. This could mean the afterbirth (placenta) Posibleng nakakalas ang inunan o placenta mula sa matris. Napakadelikado nito. Puwede kang mamatay kung hindi ka matulungan. Pumunta sa pinakamalapit na ospital.
  5. Kung may sakit na padating-dating sa ika-7 o 8 buwan baka nagle-labor ka nang masyadong maaga.

Pagdurugo mula sa puwerta

  1. Pagdurugo sa maagang bahagi ng pagbubuntis. Puwedeng normal ang ilang araw na mahinang pagdurugo mula sa puwerta sa unang 3 buwan. Pero kung may kasabay na pananakit, baka may pagbubuntis na lumalaki sa labas ng matris, na napakadelikado. Kung lumakas ang pagdurugo nang sobra sa normal na pagregla, malamang nakukunan ka.
  2. Pagdurugo sa huling bahagi ng pagbubuntis. Posibleng problema sa inunan (placenta) ang sanhi ng pagdurugo matapos ang unang 3 buwan. Delikado ka at ang iyong dinadala.

IHATID!

Ano ang gagawin:
  • Pumunta sa pinakamalapit na ospital.
  • Habang papunta sa ospital, mahiga na mas mataas ang paa
  • Huwag maglagay ng kahit ano sa puwerta.

Lagnat

Ang mataas na lagnat, laluna kung may kasamang panginginig, pananakit ng katawan at matinding sakit ng ulo, ay puwedeng mula sa malaria. Ang paggamot ay naka-akma dapat sa lugar mo. Tingnan ang librong Where There Is No Doctor. Ang mataas na lagnat, laluna kung may kasamang panginginig, pananakit ng katawan at matinding sakit ng ulo, ay puwedeng mula sa malaria. Ang paggamot ay naka-akma dapat sa lugar mo. Tingnan ang librong.

Pamamanas ng kamay at mukha o matinding sakit ng ulo at panlalabo ng paningin (eclampsia)

Normal sa buntis ang kaunting pamamanas sa paa. Pero posibleng may eclampsia ka kung manas na ang kamay at mukha, laluna kung kasabay na masakit ang ulo, nanlalabo ang paningin, o nananakit ang tiyan. Puwedeng magkombulsyon ka dahil sa eclampsia, at mamatay kasama ang iyong dinadala.

Ano ang gagawin:

IHATID!

MAHALAGA! Kung mataas ang presyon ng dugo ng babae at may anumang ibang palatandaan ng pre-eclampsia, kailangan niya mabilis na tulong medikal. Kung nagkokombulsyon na siya, tingnan ang "Kombulsyon, o sobrang manas na kamay at mukha (eclampsia)".

Kung nasa baba ang ulo ng sanggol, mas malamang na maging maayos ang panganganak

Mali ang posisyon ng sanggol sa simula ng labor

Kung nauuna sa paglabas ang puwit ng sanggol (suhi o breech) sa simula ng paglabor, puwedeng mas mahirap ang pagsilang. Kung pahalang ang puwesto ng sanggol sa simula ng labor, hindi ito maisisilang nang walang operasyon. Tingnan ang "Pag-alam sa posisyon ng sanggol".

Mahiga na may unan sa ilalim ng balakang, para mas mataas ang balakang kaysa ulo.
WWHND Ch6 Page 075-3.png

Sa huling buwan ng pagbubuntis, posibleng mabago ang posisyon ng sanggol. Humiga sa ganitong posisyon sa loob ng 10 minuto, 2 beses bawat araw:

Gawin ang exercise na ito na walang laman ang tiyan. Araw-arawin hanggang mabago ang posisyon ng sanggol na una ang ulo. Huminto pagkatapos. Dapat alamin ang posisyon ng sanggol bawat linggo.

IHATID!

  • Kung mag-labor na at pahalang pa rin ang sanggol, dapat pumunta

sa health center o ospital para mabago ang posisyon nito, o manganak sa pamamagitan ng operasyon. Kung walang tulong medikal, halos tiyak na mamamatay ang nanay at sanggol.

MAHALAGA! HUWAG subukan na manu-manong baguhin ang posisyon ng sanggol maliban kung sinanay kang gawin ito at matagumpay mo nang nagawa dati. Puwede mong mapunit ang matris at mapinsala ang nanay at sanggol.


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017