Hesperian Health Guides

Palatandaan ng panganib sa bagong silang na sanggol

Sa kabanatang ito:

Sanggol na sobrang aga pinanganak o sobrang liit

Sobrang aga (premature) ang sanggol kung lumabas bago mag- 8 buwan. Sobrang liit naman kung mas magaan sa 2,500 grams o 5 pounds (libra). Kailangan nila ng ispesyal na pangangalaga.

sanggol na nakahiga sa dibdib ng nanay sa ilalim ng kumot
Dapat tuyo at naiinitan ang sanggol
Panglunas:
  1. Agad na patuyuin ang sanggol ng malinis at banayad ang init na tela o tuwalya pagkapanganak.
  2. Itabi ang hubad na sanggol sa katawan ng ina. Takpan ng maraming damit o kumot na banayad ang init. Tiyaking natatakpan ang ulo at mainit-init din ang kuwarto.
  3. Dagdag na impormasyon
    pagpapasuso
  4. Ilapit sa suso ng nanay. Kailangang sumuso ang maliliit na sanggol nang di bababa sa minsan bawat 2 oras.
  5. HUWAG paliguan. Kailangan manatili siyang banayad ang init
Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017