Hesperian Health Guides
Kabanata 7: Pagpapasuso
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 7: Pagpapasuso
Bakit pinakamahusay ang pagpapasuso
Pinakamahusay na walang ibang ipakain sa sanggol kundi gatas ng ina sa unang 6 na buwan.
Isa sa pinakaluma at pinakamalusog na gawi sa buong mundo ang pagpapasuso. Pero habang nagbabago ang mundo, kailangan minsan ng kababaihan ng impormasyon at suporta para patuloy na magpasuso ng sanggol.
Mahalaga ang pagpapasuso dahil:
- Gatas mula sa suso ang tanging kumpletong pagkain para tulungan ang sanggol na lumaking malusog at malakas.
- Tumutulong ang pagpapasuso para huminto ang pagdurugo sa matris pagkapanganak.
- Nagpoprotekta sa sanggol ang gatas mula sa suso laban sa mga sakit at impeksyon tulad ng diabetes, kanser, pagtatae at pulmonya. Naipapasa sa sanggol ang mga pandepensa sa sakit ng nanay sa pamamagitan ng gatas.
- Nakakatulong para protektahan ang nanay laban sa mga sakit tulad ng kanser at mahina o marupok na buto (osteoporosis).
- Palaging malinis, nakahanda, at nasa tamang init ang gatas.
- Nakakatulong na madama ng nanay at sanggol ang pagiging malapit at ligtas.
- Para sa ibang babae, nakakatulong na hindi mabuntis kaagad kung gatas ng ina lang ang pinapakain sa sanggol.
- Wala itong bayad.
Huling binago ang pahinang ito: 05 Ene 2024