Hesperian Health Guides
Payo sa nanay
Mga nilalaman
Pagkain ng nanay habang nagpapasuso
Dagdag na impormasyon
pagkain para sa maayos na kalusuganKumain at uminom nang sapat para masagot ang gutom at uhaw mo. Iwasan ang inuming nakalalasing, sigarilyo, tabako, droga at mga dikailangang gamot. Mas mahusay kaysa sa kape at softdrinks ang malinis na tubig, katas ng prutas at gulay, gatas at herbal na tsaa.
Kailangang kumain nang mahusay ang mga nanay para makabawi mula sa pagbubuntis, para maalagaan nang husto ang sanggol, at para sa iba pa nilang gawain. Kailangan nila ng maraming pagkain na mayaman sa protina at taba, at saganang prutas at gulay. Kailangan din nila ng maraming inumin—malinis na tubig, gatas, herbal na tsaa, at katas ng prutas. Pero kahit paano kumain at uminom ang babae, gagawa pa rin ng mahusay na gatas ang kanyang katawan.
Sa paniniwala ng ilan, may mga pagkain na hindi puwede sa mga bagong nanay. Pero kung hindi balanse ang kinakain, maaaring tumungo ito sa malnutrisyon, anemya, at iba pang sakit ng nanay.
Minsan may ispesyal na pagkain para sa nanay na nagpapasuso. Maganda ang ugaling ito, laluna kung masustansya ang mga pagkain. Makakatulong ang masustansyang pagkain para mas mabilis na lumusog at lumakas ang babae pagkatapos manganak.
Kailangan ng babae ng dagdag na pagkain kapag:
- nagpapasuso siya ng 2 batang anak.
- buntis siya at nagpapasuso ng 1 anak.
- kulang sa 2 taon ang patlang ng kanyang anak.
- may sakit siya o nanghihina.
Pagpapasuso at pag-agwat ng mga anak
Ang pag-agwat ay nangangahulugan na di-bababa sa 2–3 taon ang pagitan ng panganganak. Hinahayaan nito ang katawan ng babae na lumakas bago mabuntis muli. Para sa ilang babae, nakakatulong ang pagpapasuso para makapag-agwat.
Pagbigay ng ibang pagkain
Kung mukhang hindi kontento sa pagsuso ang sanggol, at siya’y nasa edad 4 at 6 na buwan, baka kailangan lang dagdagan ang pagsupsop para gumawa rin ng dagdag na gatas ang babae. Dapat pasusuhin tuwing gusto niya sa loob ng 5 araw. Kung hindi pa rin kontento ang sanggol, subukan na ang ibang pagkain. Handa na ang sanggol sa ibang pagkain kapag:
- siya’y mga edad 6 na buwan o higit.
- nagsisimula na siyang umabot ng pagkain mula sa pamilya o mesa.
- hindi na tinutulak ng kanyang dila palabas ang pagkain.
Huwag magbigay ng ibang pagkain bago mag-4 na buwan. |
Sa pagitan ng 6 na buwan at 1 taon, pasusuhin tuwing gusto niya. Kahit may ibang pagkain na, kailangan pa rin niya ng gatas na kasindami ng dati. Sundan ang pagpapasuso ng ibang pagkain, 2 o 3 beses bawat araw sa simula. Umpisahan sa malambot at di-matapang na pagkain, tulad ng kanin o lugaw. Hinahalo ng iba ang mga ito sa gatas mula sa suso. Hindi kailangan ang mamahaling baby cereal.
Kung mukhang hindi masaya o hindi nabubusog ang sanggol sa pagsuso at nasa pagitan siya ng 4 at 6 na buwan, maaaring kailangan lang niyang mas madalas dumede para gumawa ng mas maraming gatas ang suso ng nanay. Kung hindi pa rin masaya ang sanggol, dapat siyang sumubok ng ibang mga pagkain.
Isa-isa ang pagdagdag ng bagong pagkain. Mula 9 na buwan hanggang 1 taon, kaya na ng sanggol ang karamihan sa pagkain ng pamilya, kung hinati-hati para mas madaling kainin.
Kahit sa ika-2 taon, pinoprotektahan pa rin ng gatas ng ina ang sanggol laban sa impeksyon at ibang problemang pangkalusugan.
Kailangan ng mga sanggol na kumain nang madalas—mga 5 beses araw-araw. Bawat araw, dapat mayroon silang pangunahing pagkain (lugaw, kanin, patatas, kamoteng kahoy, mais, trigo), kahalo ang pagkaing bumubuo sa katawan (beans, mani o nuts na dinurog nang pino, itlog, keso, karne, o isda), makukulay na gulay at prutas, at pagkaing mayaman sa enerhiya (mani o nuts na dinurog nang pino, isang kutsara ng mantika, margarina o taba na panluto). Hindi mo kailangang magluto ng 5 beses bawat araw. Puwedeng ibigay ang ilang pagkain bilang meryendang lumamig na.
Kung kaya mo, ipagpatuloy ang pagpapasuso hanggang sa mag-2 taon ang bata, kahit may iba ka nang sanggol. Karamihan ng bata ay kusa at unti-unting tumitigil sa pagsuso.