Hesperian Health Guides
Kapag nagtatrabaho sa labas ang nanay
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 7: Pagpapasuso > Kapag nagtatrabaho sa labas ang nanay
Hindi dapat papiliin ang nanay sa pagitan ng kanyang trabaho at kalusugan ng kanyang anak.
Maraming nanay ang nagtatrabaho na ngayon sa labas ng bahay. Pinapahirapan nito ang nanay na puro gatas mula sa suso ang ibigay sa sanggol sa unang 6 na buwan.
Kailangan ng tulong ng mga nagtatrabahong ina. Sa ilang trabaho, naisasama ng nanay ang sanggol sa loob ng ilang buwan. Pinakamadali ito para sa pagpapasuso. Puwede ring dalhin ng taga-alaga ang sanggol sa nanay kapag panahon na ng pagpapakain. Kung may malapit na arugaan ng bata (child day care), baka puwede siyang magpasuso kapag break sa trabaho. May mga kompanya na nagtatayo ng sentrong arugaan ng bata para malapit lang sa mga magulang ang anak nila.
Narito ang ilang paraan para matiyak na puro gatas ng ina ang pagkain ng sanggol habang nasa trabaho ka:
loob ng 6 na buwan.
Kung kasama mo ang sanggol, mula sa suso mo lang siya pakainin. Kung kasama mo siyang matulog sa gabi, baka mas madami ang susuhin niya, na makakatulong sa iyo na gumawa ng sapat na gatas.
Ipinapakiusap ng ilang babae na pasusuhin ang kanilang sanggol ng isang kaibigan o kamag-anak, tulad ng lola ng bata. Kung gusto mong pasusuhin ng iba ang iyong sanggol, dapat alam mong malusog ang taong iyon at walang panganib na magka-HIV/AIDS.