Hesperian Health Guides
Pagkilos para sa pagbabago
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 7: Pagpapasuso > Pagkilos para sa pagbabago
Suportahan ang mga babae sa pagpapasuso bago magsimula ang mga problema. Buuin ang kumpiyansa ng mga babae na may sapat na gatas sila. Ang nanay-sa-nanay na tulungan ang pinakamainam na suporta sa karaniwang mga problema. Subukang magbuo ng isang grupo ng mga nagpapasuso sa inyong komunidad na pinamumunuan ng mga babaeng pagpapasuso lang ang ginamit at maayos ang paglaki ng mga anak.
Pag-aralan kung paano gagawin ang health center ninyo na mas kaaya-aya sa mga nagpapasuso. Tulungan ang mga nanay na magpasuso sa unang oras pagkapanganak. Hayaan ang mga sanggol na matulog kasama o malapit sa kanilang nanay. Kung may sakit ang nanay, hayaang sumama sa kanya ang sanggol.
Kung nanay ka rin, pasusuhin mo ang iyong sanggol para ipakita sa ibang nagtatrabahong ina na puwede silang magtrabaho at patuloy na magpasuso.
Tanggalin ang anumang poster o mga materyal na nagpapalaganap ng mga artipisyal na gatas. Huwag magpasa ng sample o regalo mula sa mga kompanya ng gatas at huwag payagang pumunta sa klinika ang mga representatibo ng kompanyang ito.
Turuan ang mga employer tungkol sa kahalagahan ng pagpapasuso. Himukin sila na magtalaga ng lugar na puwedeng magpasuso o magpalabas ng gatas ang kababaihan.