Hesperian Health Guides
Gamot: Mga berdeng pahina
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Gamot: Mga berdeng pahina
Nasa mga Berdeng pahina ang impormasyon sa mga gamot na nabanggit sa librong ito. Para sa pangkalahatang impormasyon sa mga gamot, at bago magbigay, tiyaking mabasa muna ang kabanatang "Paggamit ng mga gamot sa kalusugan ng kababaihan". Para sa partikular na impormasyon sa bawat gamot, tingnan dito sa mga Berdeng pahina. Nakalista ang mga gamot ayon sa generic (siyentipiko) na pangalan, pareho sa ginamit sa mga kabanata. Naka-areglo ang mga pangalan ayon sa Inggles na alpabeto:
Halimbawa, kung hinahanap mo ang hydroxyzine, nakalista ito pagkatapos ng doxycycline pero bago ang metronidazole.
Makakahanap ka rin ng medisina sa mga Berdeng pahina sa pamamagitan ng:
- Index ng mga problema. Nililista ng index na ito ang mga problema sa kalusugan na natalakay sa librong ito at ang mga gamot na panlunas. Nasa index ang pahina kung saan makikita ang impormasyon tungkol sa problema. Tiyakin na magbasa muna tungkol sa problema bago ito lunasan ng gamot. Tandaan: hindi lang sa mga gamot nakasalalay ang mabuting kalusugan! Mahusay na impormasyon sa kalusugan ang pinakamahalagang ‘gamot’ para sa mabuting kalusugan.
- Listahan ng mga gamot. Nililista ng index na ito ang mga generic na pangalan ng mga gamot. Kung may gamot na nais gamitin, hanapin dito para makita kung saang pahina may dagdag na impormasyon tungkol sa gamot. Parehong nakaareglo ayon sa Inggles na alpabeto ang index ng mga problema at gamot.
Mga nilalaman
- 1 acetaminophen o paracetamol (napakaraming brand sa Pilipinas)
- 2 Pregnant women need to take special careMAG-INGATacyclovir (Aciherpin, Cyclostad, Herpex, Klozivex, Pharex, Terclovir, Virest, Zealor, Zoteran, Zovirax)
- 3 adrenaline o epinephrine (Adrenin, Phil. Pharmawealth)
- 4 amoxicillin (napakaraming brand)
- 5 ampicillin
- 6 Pregnant women need to take special careBreastfeeding women need to take special careMAG-INGATaspirin, acetylsalicylic acid, ASA
- 7 azithromycin (Azyth, Endure Medical, Geozit, Macromax, Phil Pharmawealth/Cipla, Zithromax, Zmax)
- 8 benzathine penicillin (Penadur L-A, Phil Pharmawealth/Karnataka, Zalpen)
- 9 benzylpenicillin, penicillin G potassium o sodium(Crystacin, Harbipen, Pencarv, Pharmawealth, Rhea, RiteMED, YSS)
- 10 Pregnant women need to take special careBreastfeeding women need to take special careMAG-INGATceftriaxone
- 11 cephalexin (Ceporex, Keflex, Keftab)
- 12 charcoal, activated(Activated Carbon, Liquid Antidote)
- 13 Pregnant women should not take this medicineBreastfeeding women should not take this medicine ciprofloxacin (Ciloxan, Cipro, Ciprobay)
- 14 Breastfeeding women need to take special careMAG-INGATclindamycin
- 15 Pregnant women need to take special careMAG-INGATcodeine(Codipront N)
- 16 Pregnant women need to take special careMAG-INGATcotrimoxazole = trimethoprim + sulfamethoxazole (napakaraming brand sa Pilipinas)
- 17 dexamethasone
- 18 Pregnant women need to take special careBreastfeeding women need to take special careMAG-INGATdiazepam (Anxiol, Nixtensyn, Trankil, Valium, Valzepam)
- 19 dicloxacillin
- 20 Pregnant women need to take special careBreastfeeding women need to take special careMAG-INGATdiphenhydramine hydrochloride (Alerace, Allerin AH, Benadryl, Benaxil, Biogenerics, Dramelin, Tussicon)
- 21 Pregnant women should not take this medicineBreastfeeding women need to take special careMAG-INGATdoxycycline
- 22 epinephrine o adrenaline (Adrenin, Phil Pharmawealth)
- 23 ergometrine maleate, methylergonovine maleateComthergin, Ergomed, Josenta, Medisyl, Mergot, Mergotrex, Methergin, Myometril, Obtrin, Usamema)
- 24 erythromycin
- 25 Pregnant women should not take this medicineBreastfeeding women should not take this medicineestrogen, ethinyl estradiol, mestranol (ethinyl estradiol, mestranol )
- 26 ethambutol (Danbut, Doctor’s, E-tol, Holtresis, Odetol, Pharex, Triambutol))
- 27 Pregnant women should not take this medicineBreastfeeding women should not take this medicinefluconazole (Diflucan)
- 28 Pregnant women need to take special careMAG-INGATgentamicin
- 29 Gentian violet, crystal violet, methylrosanilinium chloride(crystal violet, methylrosanilinium chloride )
- 30 hepatitis B bakuna (Engerix-B, Recombivax HB)
- 31 Pregnant women need to take special careBreastfeeding women need to take special careMAG-INGAThydrocortisone o cortisol(Eczacort, Hycotil, Solu-Cortef, others)
- 32 Pregnant women need to take special careBreastfeeding women need to take special careMAG-INGAThydroxyzine (Iterax)
- 33 Pregnant women need to take special careMAG-INGATibuprofen (Advil, Dolafen, Dolan FP, Faspic, Genselax, Idyl, Medicol Advance, Midol, Rheuxan)
- 34 isoniazid o INHIsonid, Lafayette, Pharex, Rhea, Zidrid)
- 35 Pregnant women should not take this medicineBreastfeeding women should not take this medicineketoconazole (Conatab, Dezor, Donaxene, Ketovid, Konazole, Kozec, Nizoral, Reduf, United Home)
- 36 magnesium sulfate(Elin, Phil Pharmawealth)
- 37 Pregnant women need to take special careMAG-INGATmedroxyprogesterone acetate, DMPA(Depo-Provera, Deporeva, Depotrust, Lyndavel, Provera, Provestin)
- 38 methyl ergonovine (Methergine)
- 39 Pregnant women need to take special careBreastfeeding women need to take special careMAG-INGATmetronidazole
- 40 Pregnant women need to take special careMAG-INGATmiconazole (Daktarin, Defungin, De-ol, Fungtopic, Micoson, Monistat)
- 41 mifepristone at misoprostol (Mifegyne, Mifeprex) at(Cytotec)
- 42 Pregnant women need to take special careMAG-INGATnitrofurantoin (Macrodantin)
- 43 Pregnant women should not take this medicineBreastfeeding women should not take this medicinenorfloxacin
- 44 nystatin (Afunginal, Maicostat, Mycostatin)
- 45 oxytocin
- 46 paracetamol, acetaminophen
- 47 penicillin, phenoxymethylpenicillin(Sumapen)
- 48 Pregnant women should not take this medicineBreastfeeding women should not take this medicinepodophyllin (Condylox, Podofilm, Podowart)
- 49 Pregnant women need to take special careBreastfeeding women need to take special careMAG-INGATprobenecid (Benemid, Probalan)
- 50 procaine penicillin (Benzylpenicillin procaine, Penadur)
- 51 Pregnant women should not take this medicineprogesterone, progestin
- 52 Pregnant women need to take special careBreastfeeding women need to take special careMAG-INGATpromethazine (Metagon, Pharmasan, Phenerzin, Promezin, Zinmet)
- 53 Pregnant women should not take this medicineBreastfeeding women should not take this medicinepyrazinamide Midazen, Pharex, Pyramin, Pyrasol, Pyrazin, PZA-Ciba, RiteMED, Zapedia, Zcure, Zinaplex)
- 54 Pregnant women need to take special careBreastfeeding women need to take special careMAG-INGATrifampicin
- 55 spectinomycin (Kirin, Spectin, Trobicin)
- 56 Pregnant women should not take this medicinestreptomycin(Biolab, Phil Pharmawealth)
- 57 tetanus toxoid
- 58 Pregnant women should not take this medicineBreastfeeding women should not take this medicinetetracycline (Metrocycline, Moncycline, RiteMED Tetracycline, Traxetrine)
- 59 Pregnant women need to take special careMAG-INGATtinidazole (Asiazole-TN, Fasigyn, Idazole, Tindol)
- 60 trichloroacetic acid, bichloroacetic acid
acetaminophen o paracetamol (napakaraming brand sa Pilipinas)
2 pangalan para sa parehong gamot na pampababa ng lagnat at pambawas ng pananakit. Isa ito sa pinakaligtas na pamawi ng pananakit. Hindi nakakairita sa sikmura at puwedeng ipalit sa aspirin ng mga taong may ulser sa sikmura. Magagamit din ng mga buntis na babae. Tingnan ang paracetamol.
Pregnant women need to take special care
MAG-INGATacyclovir (Aciherpin, Cyclostad, Herpex, Klozivex, Pharex, Terclovir, Virest, Zealor, Zoteran, Zovirax)
Pregnant women need to take special care
Gamot na pumapatay ng virus. Panlaban sa herpes, na sanhi ng masakit na paltos sa ari, puwit at bibig; at shingles, impeksyon na madalas sa taong may HIV. Hindi nito napipigil ang pagbalik ng herpes, pero nababawasan ang pananakit at pagkalat.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 200, 400 o 800 mg
Ointment: 5%
- Gaano karami
at kailan? - Impeksyon ng herpes sa ari o mga singaw:
200 mg iinumin ng 5 beses bawat araw, o kaya 400 mg iinumin ng 3 beses bawat araw, sa loob ng 7 araw.
Singaw (cold sores): Pahiran ng ointment sa singaw 6 beses bawat araw sa loob ng 7 araw. Maghugas agad ng kamay.
Shingles: 800 mg iinumin 5 beses bawat araw sa loob ng 7 – 10 araw.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Kapag may sakit o pinsala sa bato (kidneys).
- Impormasyon na
dapat malaman - Para mabawasan ang tagal at tindi ng mga pagsusugat ng herpes, simulan ang acyclovir sa sandaling lumabas ang mga palatandaan
- Side effects
- Puwede minsan magdulot ng pagsakit ng ulo, pagkahilo, pagkaduwal, pagsusuka.
- Palatan-daan ng
sobrang paggamit - Pananakit ang ulo, pagkawala ng memorya, pagkaduwal, hindi makaihi.
adrenaline o epinephrine (Adrenin, Phil. Pharmawealth)
2 pangalan sa parehong gamot. Para sa matinding allergic na reaksyon o allergic shock, halimbawa sa penicillin. Ginagamit din ito para sa matinding atake ng hika. Tingnan ang ephineprine.
amoxicillin (napakaraming brand)
Isa itong antibiotic sa pamilya ng penicillin na ginagamit para lunasan ang impeksyon sa matris, sa sistemang ihian, pulmonya, at iba pang impeksyon. Dahil sa mataas na antas ng resistensya ng mikrobyo sa gamot na ito, nabawasan ang pakinabang kumpara sa dati.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 250 and 500 mg
Likido: 125 o 250 mg bawat 5 ml
- Gaano karami
at kailan? - Chlamydia: 500 mg, iinumin, 3 beses bawat araw sa 7 araw (sa kombinasyon ng gamot na panlunas sa discharge mula sa puwerta, tingnan Gamot para sa yeast na impeksyon)
Impeksyon sa matris pagkatapos manganak: 1 gram, iinumin, 3 beses bawat araw sa 10 araw (gumamit din ng iba pang gamot, tingnan Gamot para sa PID.)
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Huwag gumamit kung allergic sa mga gamot sa pamilya ng penicillin.
- Side effects
- Puwedeng magdulot ng pagtatae, pamamantal, pagkaduwal o pagsusuka. Baka ma-impeksyon ng yeast (babae) o diaper rash (sanggol).
- Impormasyon na
dapat malaman - Kung hindi umige ang lagay sa 3 araw, humanap ng tulong medikal; baka ibang gamot ang dapat. Sabayan ng pagkain.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Impeksyon sa pantog o bato: ceftriaxone, ciprofloxacin, cotrimoxazole, gentamicin, nitrofurantoin.
Impeksyon sa suso: cephalexin, dicloxacillin, erythromycin
ampicillin
Isa itong antibiotic, kabilang sa pamilya ng penicillin, na ginagamit na panglunas sa maraming klase ng impeksyon. Dahil sa mataas na antas ng resistensya ng mikrobyo rito, nabawasan ang pakinabang nito kumpara sa dati.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tableta/kapsula: 250 o 500 mg
Likido: 125 o 250 mg bawat 5 ml
Powder na panghalo sa iniksyon: 500 mg
- Gaano karami
at kailan? - Para sa impeksyon matapos magpalaglag (gamot na de-iniksyon) o impeksyon sa matris: Mag-iniksyon ng 2 gramo (2000 mg) sa kalamnan o sa ugat (vein), pagkatapos bawasan para maging 1 gramo 4 na beses bawat araw. Dagdag pa, gumamit ng gentamicin o metronidazole (tingnan ang p. 256 para sa kombinasyon ng mga gamot na panlunas sa impeksyon matapos magpalaglag at p. 97 para sa impeksyon sa matris).
Lagnat habang nagbubuntis: Gumamit ng 2 g (2000 mg) 4 na beses bawat araw hanggang sa makahanap ka ng tulong medikal.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Huwag gumamit kung allergic ka sa gamot sa pamilya ng penicillin.family.
- Side effects
- Maaaring magdulot ng pagkasira ng sikmura at pagtatae, at pamamantal.
- Babala
- Kung hindi bumuti ang lagay mo pagkatapos ng 3 araw, humanap ng tulong medikal; baka kailangan mo ng ibang gamot.
- Impormasyon na
dapat malaman - Inumin ang gamot na ito bago ka kumain.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab -
para sa impekson pagkapanganak: tingnan ang kombinasyon ng iinuming gamot na panlunas sa impeksyon matapos magpalaglag
para sa impeksyon matapos magpalaglag: tingnan ang kombinasyon ng de-iniksyon na gamot na panlunas sa impeksyon sa impeksyon sa matris.
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
MAG-INGATaspirin, acetylsalicylic acid, ASA
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
Gumagana ito laban sa pananakit, pamamaga, at lagnat.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 300, 500 mg at iba pang timbang.
- Gaano karami
at kailan? - Pananakit, pamamaga o lagnat: 300–600 mg, iinumin kung kinakailangan, hindi dapat sumobra sa 6 na beses bawat araw
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Hindi dapat gamitin ng mga babae sa huling 3 buwan ng pagbubuntis. Mga taong may ulser sa sikmura o problema sa pagdurugo. Huwag gumamit bago magpa-opera. Huwag gumamit kung nagpapasuso sa unang linggo ng sanggol. Huwag ibigay sa mga bata.
- Side effects
- Maaaring magdulot ng pagkasira o pananakit ng sikmura o problema sa pag-ampat ng dugo.
- Impormasyon na
dapat malaman - Nilulunasan ng aspirin ang ilang sakit tulad ng arthritis at problema sa puso, pero madalas gamitin para pambawas ng pananakit at lagnat. Mahalagang malaman ang sanhi ng pananakit o lagnat at gamutin iyon. Kung lumampas sa 10 araw ang pananakit o 3 araw ang lagnat, humanap ng tulong medikal.
- Palatan-daan ng
sobrang paggamit - Umuugong o kumukuliling sa tainga, pananakit ng ulo, pagkahilo, pagkalito, mabilis na paghinga.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Pananakit o lagnat: paracetamol
Pananakit, lagnat o pamamaga: ibuprofen
Matinding pananakit: codeine
azithromycin (Azyth, Endure Medical, Geozit, Macromax, Phil Pharmawealth/Cipla, Zithromax, Zmax)
Isa itong antibiotic galing sa pamilya ng macrolide na ginagamit sa paglunas sa maraming impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP). Mahal ito at madalas mahirap makita, pero mabisa laban sa mga INP na nagdudulot ng discharge o pagsusugat sa ari na hindi epektibo ang maraming ibang antibiotic. Maaari itong gamitin habang buntis o nagpapasuso
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Kapsula: 250 mg
- Gaano karami
at kailan? - Chlamydia at chancroid: 1 gram (1000 mg), iinumin, isang beses lang (sabayan ng iba pang gamot; tingnan ang Gamot sa discharge: para sa gonorrhea, chlamydia, trichomonas o Gamot para sa pagsusugat sa ari.
PID: Uminom ng 1 gramo (1000 mg) na isang dose, at pagkalipas ng 1 linggo (7 araw) uminom ng ikalawang dose (tingnan ang Gamot para sa PID)
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Mga taong may allergy sa erythromycin at iba pang antibiotics sa pamilya ng macrolide.
- Side effects
- Pagtatae, pagkaduwal, pagsusuka, pananakit ng tiyan.
- Impormasyon na
dapat malaman - Kung lingguhan na dose ang gagamitin, inumin kasama ng pagkain.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab
Chlamydia: Gamot sa discharge: para sa gonorrhea, chlamydia, trichomonas
Chancroid: Gamot para sa pagsusugat sa ari
Tingnan Gamot para sa PID.
benzathine penicillin (Penadur L-A, Phil Pharmawealth/Karnataka, Zalpen)
Isa itong antibiotic na matagalan ang paggana, kabilang sa pamilya ng mga penicillin, at ginagamit na panlunas sa syphilis, pagsusugat sa ari, at iba pang impeksyon, kasama na ang ibang pamamaga ng lalamunan. Palagi itong binibigay bilang iniksyon sa kalamnan.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Powder para pantimpla ng iniksyon: 1.2 o 2.4 million Units sa loob ng 5 ml na vial o botelya.
- Gaano karami
at kailan? - Syphilis: Kung may pagsusugat (sore), mag-iniksyon ng 2.4 million Units sa kalamnan, isang beses lang. Kung merong pantesting sa dugo o kung nawala na ang pagsusugat, gawing bawat linggo sa loob ng 3 linggo.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Mga taong allergic sa mga gamot mula sa pamilya ng penicillin.
- Babala
- Maghanda ng epinephrine tuwing mag-iiniksyon ng penicillin. Magbantay ng allergic na reaksyon/ shock na puwedeng lumabas sa loob ng 30 minuto.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Syphilis: doxycycline, tetracycline, erythromycin
Maggamot din para sa chancroid, tingnan ang Gamot para sa pagsusugat sa ari
benzylpenicillin, penicillin G potassium o sodium(Crystacin, Harbipen, Pencarv, Pharmawealth, Rhea, RiteMED, YSS)
Isa itong antibiotic mula sa pamilya ng penicillin na ginagamit para lunasan ang maraming seryosong impeksyon.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Powder para pantimpla ng iniksyon: 1 o 5 million Units
- Gaano karami
at kailan? - Tetano sa bagong silang na sanggol: Mag-iniksyon ng 100,000 Units/kg sa kalamnan 4 na beses bawat araw sa 10 araw.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Mga taong allergic sa gamot mula sa pamilya ng penicillin.
- Babala
- Magbantay ng allergic na reaksyon at palatandaan ng allergic shock.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Malubhang impeksyon matapos ang pagpapalaglag: ampicillin, ceftriaxone, clindamycin, doxycycline, gentamicin, metronidazole(tingnan ang para sa mga kombinasyon ng gamot). Mga gamot para sa malubhang impeksyon pagkatapos magpalaglag).
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
MAG-INGATceftriaxone
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
Isa itong napakalakas na antibiotic mula sa pamilya ng cephalosporin na iniiniksyon sa kalamnan o ugat (vein). Ginagamit ito para sa maraming impeksyon kasama na ang tulo (gonorrhea), pelvic inflammatory disease (PID), impeksyon sa bato, at seryosong impeksyon matapos magpalaglag, makunan o manganak.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Sa vials para pang-iniksyon: 250, 500 mg, 1 gram, at 2 grams.
- Gaano karami
at kailan? - Impeksyon matapos magpalaglag: Mag-iniksyon ng 250 mg sa kalamnan, isang beses lang (tingnan sa kombinasyon ng gamot na panlunas sa impeksyon matapos magpalaglag).
PID: Mag-iniksyon ng 250 mg sa kalamnan, isang beses lang.
Tingnan Gamot para sa PID.-iniksyon ng 1 gram sa ugat
Pagsusugat sa ari Mag-iniksyon ng 250 mg sa kalamnan, isang beses lang (tingan Gamot para sa pagsusugat sa ari).
Gonorrhea: Mag-iniksyon ng 250 mg sa kalamnan, isang beses lang (tingnan para sa kombinasyon ng gamot na panlunas sa INP).
Impeksyon sa bato: Magminsan bawat araw.
Chancroid: Mag-iniksyon ng 250 mg sa kalamnan, isang beses lang (tingnan ang Chancroid para sa mga kombinasyon ng gamot)
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Huwag gumamit kung allergic ka sa antibiotic mula sa pamilya ng cephalosporin.
- Babala
- Magbantay para sa allergic na reaksyon. Palaging maging handa sa paglunas ng allergic na reaksyon at shock kapag nag-iiniksyon ng antibiotics.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - PID o impeksyon matapos magpalaglag: ampicillin,
amoxicillin, azithromycin, clindamycin, doxycycline, erythromycin, gentamicin, metronidazole, spectinomycin
Tulo (gonorrhea): spectinomycin
Impeksyon sa bato: ciprofloxacin, cotrimoxazole, gentamicin
cephalexin (Ceporex, Keflex, Keftab)
Isa itong antibiotic mula sa pamilya ng cephalosporin na ginagamit na panlunas sa impeksyon sa suso at pantog, bronchitis at ilang impeksyon sa balat.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 250 o 500 mg
Likido: 125 o 250 mg bawat 5 ml
- Gaano karami
at kailan? - Impeksyon sa suso, balat o pantog: 250 mg, iinumin, 4 na beses bawat araw sa loob ng 7 araw.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Huwag gumamit kung allergic ka sa antibiotics mula sa pamilya ng cephalosporin.
- Side effects
- Pagkaduwal, pagsusuka at pagtatae. Sa mangilan-ngilang kaso, pagsisimula ng madugong pagtatae na may lagnat.
- Babala
- Magbantay para sa allergic na reaksyon.
- Impormasyon na
dapat malaman - Kung magsimula kang magkaroon ng madugong pagtatae na may lagnat, itigil ang paggamit nito at gumamit ng metronidazole.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Impeksyon sa suso o balat: dicloxacillin, erythromycin, penicillin
Impeksyon sa pantog: dicloxacillin, erythromycin
charcoal, activated(Activated Carbon, Liquid Antidote)
Ang activated charcoal o activated carbon ay uling na may ginawang ispesyal na preparasyon na ginagamit na panlunas kung malason sa ilang gamot tulad ng aspirin, acetaminophen, phenobarbitol, o iba pang gamot o kemikal, o nakalalasong kabute (mushroom). Matapos magbigay ng activated charcoal, maghanap kaagad ng tulong medikal.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Likido: 25 g bawat 120 ml
Powder: 15 g
- Gaano karami
at kailan? - 30–100 g, gagamitin lahat ng isang inuman lang, sa pinakamaagang kakayanin.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Huwag gumamit kung naka-inom ka ng lighter fluid, panggatong, gaas o iba pang produktong petrolyo.
- Side effects
- Maitim na dumi, pagkaduwal, pagsusuka.
- Babala
- Kaagad na maghanap ng tulong medikal. Maaaring magkasakit nang malubha ang taong nasobrahan ng gamot, at mangailangan ng tulong na higit pa sa activated charcoal.
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women should not take this medicine
ciprofloxacin (Ciloxan, Cipro, Ciprobay)
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women should not take this medicine
Isa itong malakas na antibiotic sa quinolone na pamilya na gamit sa paglunas ng impeksyon sa balat, bato at ilang impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP) tulad chancroid.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 250, 500, o 750 mg
- Gaano karami
at kailan? - Gonorrhea o PID: 500 mg, iinumin ng isang beses lang (tingnan para sa kombinasyon ng gamot sa INP at PID).
Chancroid: 500 mg, iinumin, 2 beses bawat araw sa 3 araw (tingnan para sa kombinasyon ng gamot sa INP). Ipagamit sa loob ng 7 araw kung may HIV din ang babae.
Impeksyon sa bato: 500 mg, iinumin, 2 beses bawat araw sa 10 araw.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Huwag gumamit kung buntis ka, nagpapasuso o mas bata sa 16 na taon.
- Side effects
- Pagkaduwal, pagtatae, pagsusuka, pananakit ng ulo.
- Babala
- May reaksyon ang gamot na ito sa caf feine (sa kape, tsokolate, cola na softdrinks, atbp.), na nagpapalakas pa sa epekto ng caf feine. Huwag din isabay sa produktong mula sa gatas.
- Impormasyon na
dapat malaman - Uminom ng maraming tubig. Puwede kang kumain kasabay ng gamot, iwasan lang ang mga produktong mula sa gatas.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Chancroid: azithromycin, erythromycin, ceftriaxone
Impeksyon sa bato: ceftriaxone, cotrimoxazole, gentamicin
Pagtatae na may dugo at lagnat: cotrimoxazole, norfloxacin
Breastfeeding women need to take special care
MAG-INGATclindamycin
Breastfeeding women need to take special care
Antibiotic ito mula sa lincosamide na pamilya na ginagamit na panlunas sa impeksyon sa puwerta, balakang, tiyan, balat at daluyan ng hininga.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Kapsula: 25 mg, 75 mg, 150 mg, 300 mg
Likido sa iniksyon: 150 mg/ ml
Cream: 2%
- Gaano karami
at kailan? - Bacterial vaginosis, impeksyon sa puwerta: Tabletas: 300 mg, iinumin, 2 beses bawat araw sa 7 araw.
Impeksyon sa matris o matapos magpalaglag:Maginiksyon ng 900 mg sa ugat, 3 beses bawat araw (tingnan para sa kombinasyon ng gamot sa impeksyon sa matris at matapos magpalaglag).
Para sa malaria sa unang 3 buwan ng pagbubuntis: Uminom ng 300 mg 4 na beses bawat araw sa loob ng 7 araw. Uminom din ng 600 mg ng quinine, 3 beses bawat araw sa loob ng 7 araw.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Kung nagpapasuso at magdulot ng pagtatae sa sanggol, ihinto ang paggamit.
- Side effects
- Pagkaduwal, pagsusuka, pagtatae na puwedeng lumabas ilang linggo matapos gumamit. Kung mamantal sa balat, itigil ang gamot at magpatingin sa health worker.
- Babala
- Kung gagamitin nang sobra sa 30 araw, puwedeng magdulot ng thrush at impeksyon ng yeast, at makapinsala sa taong may problema sa bato o atay. Nagpaparupok ng condom ang cream sa puwerta, hanggang 3 araw matapos gamitin.
- Impormasyon na
dapat malaman - Kung isasabay sa erythromycin o chlorampenicol, hihina ang bisa ng 2 gamot. Kung may regla, huwag gumamit ng tampon kasabay ng cream—sisipsipin lang ito.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Bacterial vaginosis: metronidazole
Impeksyon sa matris o pagkatapos magpalaglag: ampicillin, ceftriaxone, doxycycline, erythromycin, gentamicin, metronidazole
Pregnant women need to take special care
MAG-INGATcodeine(Codipront N)
Pregnant women need to take special care
Isa itong panlaban sa pananakit mula sa opiate na pamilya na nagpapakalma rin sa ubo at tumutulong na mag-relaks at matulog. Gamitin lang ito para pakalmahin ang napakalalang ubo, matapos lunasan ang sanhi nito. Gamitin lang sa pananakit kung hindi tumatalab ang mas banayad na mga gamot.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Likido: 15 mg bawat ml
Tabletas: 15, 30, o 60 mg
Cough syrup: iba’t ibang tapang
- Gaano karami
at kailan? - Ubo: 7–15 mg 4 na beses bawat araw, kung kailangan lang.
Matinding pananakit: 30–60 mg, 4–6 na beses bawat araw, kung kinakailangan.
- Side effects
- Puwedeng hindi makadumi at temporaryong hindi maka-ihi. Pagkaduwal, pagsusuka, pangangati, pagsakit ng ulo.
- Impormasyon na
dapat malaman - Nakakadulot ng adiksyon. Kung gagamit nang higit sa ilang araw, parami nang parami ang kailangan para tumalab.
- Palatan-daan ng
sobrang paggamit - Inaantok, groggy, nawawalan ng malay.
- Panlunas kung
na sobrahan ang gami - Puwedeng iniksyunan ng naloxone (Narlox) ang taong nasobrahan ng codeine. Maghanap ng tulong medikal.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Pananakit: acetaminophen, aspirin, ibuprofen
Matinding pananakit: morphine
Ubo: uminom ng maraming tubig, gumamit ng gawang-bahay na syrup para sa ubo (tingnan syrup na ito para sa lahat ng klase ng ubo).
Pregnant women need to take special care
MAG-INGATcotrimoxazole = trimethoprim + sulfamethoxazole (napakaraming brand sa Pilipinas)
Pregnant women need to take special care
Kombinasyon ng 2 antibiotics (isa mula sa pamilyang sulfa) para sa impeksyon sa pantog at bato, discharge sa puwerta na dulot ng tulo, at chancroid. Pampigil sa pagtatae at pulmonya ng mga taong may HIV.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 120 mg (20 mg trimethoprim + 100 mg sulfamethoxazole),
480 mg (80 mg trimethoprim + 400 mg sulfamethoxazole),
960 mg (160 mg trimethoprim + 800 mg sulfamethoxazole)
Oral suspension: 240 mg (40 mg trimethoprim +
200 mg sulfamethoxazole) bawat 5 ml
- Gaano karami
at kailan? - Impeksyon sa pantog: dalawang 480 mg na tableta, iinumin, 2 beses bawat araw sa 3 araw
Impeksyon sa bato: dalawang 480 mg na tableta, iinumin, 2 beses bawat araw sa loob ng 10 araw.
Para maiwasan ang pulmonya at pagtatae ng may HIV: dalawang 480 mg na tableta bawat araw.
Madugong pagtatae ng may AIDS: dalawang 480 mg na tableta, 2 beses bawat araw sa loob ng 10 araw.
Pulmonya ng taong may AIDS: apat na 480 mg na tableta, 3 beses bawat araw sa loob ng 21 araw.
Para sa mga bata na sinilang ng nanay na may HIV: Bigyan ng 120 mg (2.5 ml ng likido, iinumin) sa sanggol na mas bata sa 6 na buwan; bigyan ng 240 mg (5 ml ng likido, iinumin) bawat araw sa bata na 6 na buwan – 6 na taon.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Mga nasa huling 3 buwan ng pagbubuntis. Mga taong may allergy sa sulfa na antibiotics.
- Side effects
- Itigil kung may allergic na reaksyon, hal, pangangati o pamamantal. Maaaring maduwal o magsuka.
- Babala
- Sabayan ng maraming tubig.
- Palatan-daan ng
sobrang paggamit - Pagkaduwal, pagsusuka, pagtatae, pagkalito, pagpapawis.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab -
Impeksyon sa pantog at bato: ceftriaxone,ciprofloxacin, doxycycline, nitrofurantoin
Tulo (gonorrhea): ceftriaxone, ciprofloxacin,doxycycline, spectinomycin
Chancroid: azithromycin,, ciprofloxacin, ceftriaxone, erythromycin.
PID: kombinasyon ng mga droga.
Pagtatae ng mga taong may AIDS: ciprofloxacin, norfloxacin
dexamethasone
Isa itong steroid na gamot na ginagamit para lunasan ang allergic na shock.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 0.25, 0.5, 0.75, 1, 1.5, 2, 4, o 6 mg
Likido: 0.5 mg bawat 5 ml, o 1 mg bawat 1 ml
Pang-iniksyon: 4, 8, 10, 16, o 20 mg bawat ml
- Gaano karami
at kailan? - Para sa allergic shock: Mag-iniksyon ng 20 mg sa kalamnan. Kung bumalik ang mga palatandaan, uminom ng 20 mg at ulitin nang isang beses kung kailangan.
- Side effects
- Kung may diabetes, maaaring mapalala sa loob ng ilang oras. Maaari ding magpataas ng presyon ng dugo.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Allergic shock: hydrocortisone
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
MAG-INGATdiazepam (Anxiol, Nixtensyn, Trankil, Valium, Valzepam)
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
Isa itong tranquilizer na ginagamit para lunasan at pigilan ang mga kombulsyon. Iniibsan din nito ang pagkabalisa at tumutulong na magpatulog.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 5 o 10 mg
Pang-iniksyon: 5 mg bawat 1 ml o 10 mg bawat 2 ml
- Gaano karami
at kailan? - Kombulsyon: 20 mg ng pang-iniksyon na diazepam sa tumbong (puwit) gamit ang heringgilya na walang karayom (tingnan Paano magbigay ng diazepam). Matapos ang 30 minuto, ulitin kung kailangan, gamit ang 10 mg matapos ang kombulsyon.
Matinding gulo ng isip (agitation) o deliryo dahil sa alcohol withdrawal: Uminom ng 10 – 20 mg. Ulitin tapos ng 1 oras kung kailangan. Kung patuloy ang palatandaan, ibigay tuwing 4 – 5 oras habang naghahanap ng tulong medikal.
Pagkabalisa o hindi makatulog: Uminom ng 2.5 – 5 mg.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Dapat sa emerhensya lang gamitin ang diazepam sa buntis o nagpapasuso na babae.
- Side effects
- Nakakapagdulot ng depekto sa pinagbubuntis ang madalas o maraming paggamit ng diazepam.
- Babala
- Nakakapagdulot ng adiksyon ang diazepam. Iwasan na isabay sa ibang gamot na nakakapaantok, laluna sa alkohol (inuming nakakalasing).
- Impormasyon na
dapat malaman - Hindi lunas sa pananakit ang diazepam. Malakas ang kapasidad nitong magdulot ng adiksyon.
- Palatan-daan ng
sobrang paggamit - Inaantok, hindi maka-balanse (mabuway), pagkalito.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Kombulsyon: magnesium sulfate
Pampatulog: diphenhydramine
Pagkabalisa: hydroxyzine
dicloxacillin
Isa itong antibiotic sa pamilya ng penicillin na ginagamit para lunasan ang impeksyon sa suso at balat.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Kapsula: 125, 250, o 500 mg
Likido: 62.5 mg bawat 5 ml
- Gaano karami
at kailan? - Impeksyon sa suso o balat: Uminom ng 500 mg 4 na beses bawat araw sa 7 araw.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Huwag gumamit kung may allergy sa penicillin.
- Side effects
- Pagkaduwal, pagsusuka, pagtatae.
- Babala
- Bantayan ang allergic na reaksyon o shock.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Impeksyon sa suso o balat: cephalexin, erythromycin, penicillin
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
MAG-INGATdiphenhydramine hydrochloride (Alerace, Allerin AH, Benadryl, Benaxil, Biogenerics, Dramelin, Tussicon)
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
Isa itong antihistamine na nagpapatuyo sa sipon sa ilong at nagpapaantok din. Ginagamit ito sa paglunas ng pangangati at problema sa pagtulog. Panlunas din ito sa allergic na reaksyon at allergic shock.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tableta o kapsula: 25 o 50 mg
Syrup: 12.5 mg bawat 5 ml
Ampules na pang-iniksyon: 10, 30, o 50 mg in 1 ml
- Gaano karami
at kailan? - Allergy, mahina hanggang katamtamang allergic na reaksyon, o pangangati: Uminom ng 25 mg 3 – 4 beses bawat araw kung kailangan.
Pampatulog: Uminom ng 25 – 50 mg sa panahon ng pagtulog.
Allergic na shock: Mag-iniksyon ng 50 mg sa kalamnan, ulitin tapos ng 8 oras o mas maaga pa kung kailangan.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Hindi dapat gamitin nang matagalan ng buntis o nagpapasusong babae para panlunas sa mga allergy. Hindi dapat gamitin ng taong may hika.
- Side effects
- Inaantok, tuyo ang bibig. Minsan nagdudulot ng pagkaduwal at pagsusuka. Sa iilang kaso, baliktad ang epekto— nakakapukaw sa halip na magpakalma.
- Babala
- Huwag gamitin kung kailangang maging alerto. Nagiging mapanganib dahil pinapalakas nang husto ang epekto ng tranquilizer at alkohol (inuming nakakalasing).
- Impormasyon na
dapat malaman - Mag-iniksyon lang ng diphenhydramine para sa matinding allergic na reaksyon o shock.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Mga allergy: hydroxyzine, promethazine
Pampatulog: diazepam
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women need to take special care
MAG-INGATdoxycycline
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women need to take special care
Isa itong antibiotic mula sa pamilya ng tetracycline na ginagamit para lunasan ang maraming iba’t ibang impeksyon kasama na ang mga impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP), PID, impeksyon matapos magpalaglag, at iba pa. Ginagamit ito sa halip na tetracycline.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 50 mg at 100 mg
- Gaano karami
at kailan? - Lumalabas sa puwerta sanhi ng INP: Uminom ng 100 mg 2 beses isang araw sa 7 araw (sabayan ng iba pang gamot).
Bago o maagang syphilis: Uminom ng 100 mg 2 beses bawat araw sa 14 na araw.
PID: Uminom ng 100 mg 2 beses isang araw sa 14 na araw (sabayan ng iba pang gamot para sa PID)
Para maiwasan ang impeksyon matapos magpalaglag o deinfibulation: Uminom ng 100 mg, 2 beses, sa 1 araw lang.
Impeksyon matapos magpalaglag (iinumin): Uminon ng 100 mg 2 beses bawat araw sa 10 days (sabayan ng iba pang gamot.)
Impeksyon matapos manganak: Uminom ng 100 mg 2 beses bawat araw hanggang mawala na ang lagnat sa loob ng 48 oras (sabayan ng iba pang gamot).
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Buntis at nagpapasusong babae at bata na wala pang 8 taon. Nakakapinsala ng ngipin at buto ng sanggol o bata ang doxycycline.
- Side effects
- Pagtatae o masama ang sikmura. Nagkakabutlig-butlig (rashes) ang ilang tao matapos mabilad sa araw.
- Babala
- Huwag gamitin kung buntis o nagpapasuso. Huwag gumamit ng doxycycline na luma o paso na. Huwag isabay sa gatas o antacid.
- Impormasyon na
dapat malaman - Huwag inumin bago humiga. Umupo habang iniinom at sabayan ng maraming tubig para maiwasan ang iritasyon na dala ng gamot.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Syphilis: benzathine, erythromycin, penicillin, tetracycline
Gonorrhea: ceftriaxone, spectinomycin
Chlamydia: amoxicillin, azithromycin, erythromycin, tetracycline
Para maiwasan ang impeksyon matapos magpalaglag: erythromycin
Impeksyon matapos magpalaglag: Mga gamot para sa malubhang impeksyon pagkatapos magpalaglag
Impeksyon matapos ang pagputol sa ari: erythromycin
epinephrine o adrenaline (Adrenin, Phil Pharmawealth)
Dalawang pangalan ang mga ito para sa iisang gamot. Ginagamit ito para sa allergic na reaksyon o allergic shock, halimbawa, ang allergic shock na dulot ng penicillin. Ginagamit din ito para sa matinding atake ng hika.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Ampule na pang-iniksyon: 1 mg in 1 ml
- Gaano karami
at kailan? - Asthma, katamtamang allergic na reaksyon o allergic shock: Mag-iniksyon ng ½ mg (½ ml) sa ilalim ng balat (hindi sa kalamnan) ng braso. Kung kailangan, magbigay ng ikalawang dose tapos ng 20 – 30 minuto, at ikatlong dose tapos ng 20 – 30 minuto ulit (sabayan din ng iba pang gamot, tingnan "Maghanda na lunasan ang allergic na reaksyon at allergic shock")
- Side effects
- Takot, hindi mapakali, nerbiyos, kaba, tensyon, sakit ng ulo, hilo, mabilis na tibok ng puso.
- Babala
- Ingatan na hindi magbigay ng lampas sa nirerekomendang dami. Iwasan na mag-iniksyon sa pigi; sa halip, gamitin ang likod na bahagi ng braso.
- Impormasyon na
dapat malaman - Sukatin ang pulso bago mag-iniksyon. Huwag magbigay ng lampas sa 3 dose. Kung madagdagan ang bilis ng pulso ng sobra sa 30 pintig bawat minuto matapos ang unang iniksyon, huwag magbigay ng dagdag na dose
- Palatan-daan ng
sobrang paggamit - Mataas na presyon ng dugo, mabilis na tibok ng puso, stroke
ergometrine maleate, methylergonovine maleateComthergin, Ergomed, Josenta, Medisyl, Mergot, Mergotrex, Methergin, Myometril, Obtrin, Usamema)
Nagpapakipot ito ng matris at mga ugat ng dugo nito, at ginagamit para makontrol ang matinding pagdurugo matapos ang panganganak o pagpapalaglag. Magkapareho ang ergometrine at methylergonovine. Matapos ibigay ang gamot na ito, humanap ng tulong medikal.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 0.2 mg
Pang-iniksyon: 0.2, 0.25 at 0.5 mg sa 1 ml vial.
- Gaano karami
at kailan? - Matinding pagdurugo matapos manganak: Matapos lumabas ang inunan, mag-iniksyon ng 0.02 mg sa kalamnan, o magpainom ng 1 tableta (0.2 mg) ng hanggang 4 na beses bawat araw, kung kailangan.
Matinding pagdurugo dahil sa komplikasyon matapos magpalaglag: Mag-iniksyon ng 0.2 mg sa kalamnan, tapos magpainom ng 0.2 mg na pildoras o mag-iniksyon tuwing 6 na oras sa loob ng 24 oras.
- Side effects
- Pagkaduwal, pagsusuka, pagkahilo, pagpapawis.
- Babala
- Huwag gamitin ang mga gamot na ito para pasimulan o palakasin ang paglabor. Huwag na huwag ibigay bago lumabas ang sanggol at inunan.
- Impormasyon na
dapat malaman - Huwag gamitin ito para magpalaglag dahil puwedeng mapatay ng gamot ang babae bago pa magdulot ng aborsyon. (Tingnan ang Kabanata 15 para sa usapin ng aborsyon.)
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - oxytocin, misoprostol
erythromycin
Isa itong antibiotic mula sa macrolide na pamilya. Ginagamit itong panlunas sa maraming impeksyon, kasama ang ilang impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP), impeksyon sa hingahan at balat. Ligtas ito para sa mga buntis, at laganap sa maraming lugar.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tableta o kapsula: 200, 250 o 500 mg
Ointment: 1%
Powder sa solution: 125 mg bawat 5 ml
- Gaano karami
at kailan? - Chlamydia: 500 mg, iinumin, 4 na beses bawat araw sa 7 araw (tingnan kombinasyon ng gamot para sa lumalabas sa puwerta dahil sa mga INP).
Impeksyon sa suso o mula sa pagputol sa ari o deinfibulation: uminom ng 500 mg 4 na beses bawat araw sa 7 araw.
Chancroid o impeksyon sa balat: uminom ng 500 mg 4 na beses bawat araw sa 7 araw (sabayan din ng iba pang gamot, tingnan Gamot para sa pagsusugat sa ari).
Syphilis: 500 mg 4 na beses bawat araw sa 15 araw, iinumin
Pangangalaga sa mata ng bagong silang na sanggol: Gumamit ng 1% ointment isang beses lang.
Impeksyon sa balat: uminon ng 250 mg, 4 na beses bawat araw sa 7 – 10 araw.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Huwag gumamit kung may allergy sa antibiotics mula sa macrolide na pamilya.
- Side effects
- Puwedeng magdulot ng masamang sikmura o pagkaduwal, pagsusuka, pagtatae.
- Impormasyon na
dapat malaman - Pinakamabisa ito kung iinumin 1 oras bago o 2 oras matapos kumain. Kung masyadong sasama ang sikmura, sabayan ng kaunting pagkain. Huwag durugin ang tabletas. Maraming tabletas ang may balot (coated) para hindi agad matunaw ng sikmura bago pa magsimulang tumalab ang gamot.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Impeksyon sa suso: cephalexin, dicloxacillin
Impeksyon matapos ang pagputol sa ari: cephalexin, doxycycline
Mga INP: tingnan sa kombinasyon ng gamot na panlunas sa mga INP
Mata ng bagong silang na sanggol: tetracycline ointment
Impeksyon sa balat: dicloxacillin
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women should not take this medicine
estrogen, ethinyl estradiol, mestranol (ethinyl estradiol, mestranol )
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women should not take this medicine
Ang iba’t ibang kemikal na anyo ng estrogen ay ginagamit sa mga kontraseptibong pildoras at iniksyon. Katulad ang mga ito ng hormone na estrogen na ginagawa sa katawan ng babae. Maaari ring gamitin ang estrogen para lunasan ang hindi normal na pagdurugo. Hindi na ito dapat gamitin sa problema sa menopause (tingnan ang Kabanata 8). Para sa dagdag na impormasyon, tingnan ang seksyon sa kontraseptibong pildoras, iniksyon at pang-emerhensyang kontrasepsyon at Kabanata 13).
ethambutol (Danbut, Doctor’s, E-tol, Holtresis, Odetol, Pharex, Triambutol))
Ginagamit ito para panlunas sa tuberkulosis (TB) laluna kung hindi na sapat ang lakas ng ibang gamot. Ginagamit ito na kakombinasyon ng iba pang gamot. Tingnan ang Kabanata 25. Puwedeng gumamit ng isoniazid ang taong may HIV para maiwasan na ang latent TB (TB na walang mga palatandaan) ay maging aktibong TB.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 100 o 400 mg
- Gaano karami
at kailan? - Magkakaiba at naayon sa bansa ang dosis ng gamot para sa tuberkulosis. Magpatingin sa isang health worker. (Gamitin ang ethambutol kasabay ng iba pang gamot.)
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Hindi dapat sa mga taong may malalang problema sa paningin, kasama ang katarata. Gayundin sa mga taong may malalang problema sa bato.
- Side effects
- Madalas nagdudulot ng pagbabago sa paningin sa 1 o 2 mata. Maaaring pakitirin ang sakop ng nakikita, o magkaroon ng madilim na mga tuldok-tuldok o “butas” sa paningin. Madalas nawawala lang ito kapag tinigil na ang gamot.
- Impormasyon na
dapat malaman - Napakahalaga na tapusin ang buong takdang gamutan ng TB, kahit na tumagal ng 1 taon. Kung hindi, maaaring mahawa mo ang ibang tao, o magkasakit ka muli ng klase ng TB na napakahirap pagalingin.
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women should not take this medicine
fluconazole (Diflucan)
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women should not take this medicine
Ang fluconazole ay matapang na gamot na panlaban sa fungus na ginagamit para lunasan ang thrush at iba pang impeksyon mula sa yeast at fungus. Gamitin lamang kung may HIV ka at hindi tumatalab ang ibang panlunas.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Kapsula: 50 mg
Likido: 50 mg bawat 5 ml
Solusyon para sa IV na iniksyon: 2 mg/ 5 ml sa vial
- Gaano karami
at kailan? - Para sa impeksyon ng yeast sa bibig o lalamunan (thrush):
Uminom ng 400 mg isang beses lang. Pagkatapos uminom ng 200 mg bawat araw sa loob ng 14 na araw. Kung hindi bubuti sa 3–5 araw, itaas sa 400 mg bawat araw ang iniinom.
Para sa impeksyon ng yeast sa balat: Uminom ng 100–200 mg isang beses bawat araw sa loob ng 7–14 na araw.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Huwag gamitin habang nagbubuntis o nagpapasuso. Dagdag pa, dapat hindi ito gamitin ng sinumang may hepatitis, sakit sa atay, o problema sa bato.
- Side effects
- Maaaring magdulot ng pagkaduwal, pagsusuka.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - ketoconazole, nystatin
Pregnant women need to take special care
MAG-INGATgentamicin
Pregnant women need to take special care
Isa itong malakas na antibiotic mula sa aminoglycoside na pamilya na ginagamit na panlunas sa gonorrhea, impeksyon sa bato at iba pang seryosong impeksyon, at para sa PID kakombinasyon ng iba pang mga gamot. Gamitin lang ito kung nagsusuka ang babae at hindi mapatagal ang gamot, o wala nang ibang antibiotic na mabili o makuha.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Vial/ampule na pang-iniksyon: 10 o 40 mg bawat ml
- Gaano karami
at kailan? - Para sa impeksyon sa bato, matris, o matapos magpalaglag:
bigay ayon sa timbang ng babae: iiniksyon sa kalamnan ang 1.5 mg para sa bawat kilo ng timbang, minsan bawat 8 hours, sa 5 – 10 araw; o puwedeng gamitin ang average dose na ito: Mag-iniksyon ng 80 mg sa kalamnan; bawat 8 oras sa 5 – 10 araw (sabayan din ng iba pang gamot at "Mga gamot para sa malubhang impeksyon pagkatapos magpalaglag").
Para sa lagnat habang nanganganak: Bigyan ng 80 mg sa kalamnan o ugat (vein), tuwing 8 oras. Bigyan din ng ampicillin.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Dapat maingat na maingat ang paggamit ng mga buntis na babae o yung may problema sa bato. Bawal ito sa may allergy sa antibiotics mula sa aminoglycoside na pamilya.
- Side effects
- Puwedeng makasira sa bato o magdulot ng pagkabingi ang gamot na ito.
- Babala
- Gumamit ng ibang gamot kung magkaroon ng problema sa pandinig o kumukuliling sa tainga. Sabayan ng maraming inumin.
- Impormasyon na
dapat malaman - Dahil sa seryosong side ef fects at kahirapan sa pagkalkula ng dosis, dapat gamitin lang ito kung wala nang makuhang mas ligtas na antibiotic.
- Palatan-daan ng
sobrang paggamit - Kumukuliling sa tainga o paghina ng pandinig. Mga problema sa bato.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Impeksyon sa matris:
amoxicillin,
ampicillin,
azithromycin,
ceftriaxone, doxycycline,
erythromycin, metronidazole,
spectinomycin
Impeksyon matapos magpalaglag: ampicillin, ceftriaxone, clindamycin, doxycycline, metronidazole
Impeksyon sa bato: ceftriaxone, ciprofloxacin, cotrimoxazole
Gentian violet, crystal violet, methylrosanilinium chloride(crystal violet, methylrosanilinium chloride )
Isa itong disinfectant (pamatay mikrobyo) na pantulong sa paglaban sa impeksyon sa balat, bibig at puwerta.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Likido: 0.5%, 1%, 2%
Tincture: 0.5%
Crystals: 1 kutsarita sa ½ litro ng tubig para gumawa ng 2% na likido.
- Gaano karami
at kailan? - Yeast ng impeksyon sa puwerta: magbabad ng malinis na bulak sa 1% na likido at ipasok nang malalim sa puwerta, buong gabi sa loob ng 3 gabi. Tiyakin na tanggalin ang bulak tuwing umaga.
Yeast ng impeksyon sa puwerta sa bibig (thrush): ang iritasyon. Ilayo sa mata. Magmumog ng 1% na likido sa loob ng 1 minuto, 2 beses bawat araw, pero huwag lululunin.
Impeksyon sa balat: Hugasan muna ng sabon at tubig, at patuyuin. Pagkatapos, ipinta (ipahid) sa balat, bibig, o panlabas na ari (vulva) 3 beses bawat araw sa 5 araw.
Impeksyon sa balat ng taong may AIDS: Hugasan muna ng sabon at tubig, at patuyuin. Pagkatapos, ipinta (ipahid) sa balat, bibig, o panlabas na ari (vulva) 2 beses bawat araw hanggang mawala ang butlig-butlig (rashes).
- Side effects
- Nagdudulot ng iritasyon ang matagalang paggamit. Maaaring magkulay lila (purple) kapag naghilom na ang balat na ginamitan dahil sa pagsusugat o punit.
- Babala
- Huwag makipagtalik habang gumagamit ng Gentian Violet para sa impeksyon sa puwerta, para maiwasan na mapasahan ng impeksyon ang iyong partner. Tumigil sa paggamit nito kung magsimula ang iritasyon. Ilayo sa mata.
- Impormasyon na
dapat malaman - Matapos lagyan sa bibig ang sanggol, ipuwesto siya na nakaharap pababa para kaunti lang ang malulon. Malalagyan ng mantsa na kulay lila ang balat at damit dahil sa Gentian Violet.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Impeksyon sa balat:
antibiotic ointments, iodine
Thrush sa bibig: dayap o lemon (huwag sa mga sanggol), nystatin
Yeast na impeksyon sa puwerta: nystatin, miconazole,clotrimazole
hepatitis B bakuna (Engerix-B, Recombivax HB)
Bakuna na nagbibigay ng immunity mula sa Hepatitis B (hindi na magkakasakit nito). Binibigay ito sa 3 magkakahiwalay na dose: ang ikalawang dose ay binibigay 1–2 buwan matapos ang unang dose; at ang ikatlong dose ay binibigay 4–12 buwan matapos ang ikalawa. Kailangang itago sa temperaturang 2–3° C, kung hindi ay mawawalan ng bisa. Magkakaiba ang dose ng 2 brand ng bakuna:
Engerix-B: sa batang edad 0–11 taon, 10 ucg; batang 12–19 taon at nakatatanda, 20 ucg;
Recombivax HB: sa batang edad 0–11 taon, 2.5 ucg; batang 12–19 years, 5 ucg, nakatatanda, 10 ucg.
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
MAG-INGAThydrocortisone o cortisol(Eczacort, Hycotil, Solu-Cortef, others)
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
Isa itong panlaban sa pamamaga at pangangati na panlunas sa mga butlig-butlig (rashes) at sa almoranas. Ang pang-iniksyon at tabletas na preparasyon nito ay mahalagang gamot na panlunas sa allergic shock.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Cream o ointment: iba’t ibang konsentrasyon, madalas 1%
Tabletas: 5, 10, at 20 mg
Likido na pang-iniksyon at powder na panghalo para pang-iniksyon: iba’t ibang konsentrasyon
- Gaano karami
at kailan? - Butlig-butlig (rashes), pangangati o almoranas: Ipahid ang cream sa balat 3 – 4 beses bawat araw.
Allergic shock: Mag-iniksyon ng 500 mg sa kalamnan, ulitin matapos ang 4 na oras kung kailangan (sabayan din ng iba pang gamot). Kung bumalik pa pagkatapos ang mga palatandaan, uminom ng 500 – 1,000 mg at ulitin nang 1 beses kung kailangan.
- Side effects
- Maaaring magdulot ng pagnipis at pagpeklat ng balat ang cream kung gagamitin ng lampas sa 10 araw.
- Babala
- Huwag gumamit ng cream na may nakatakip na bendahe. Dapat magingat sa paggamit ng tabletas ang buntis at nagpapasusong babae; pero ligtas na magagamit nila ang cream.
- Palatan-daan ng
sobrang paggamit - Mataas na presyon ng dugo, mas malakas kaysa karaniwan na pag-ihi.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Allergic shock: dexamethasone,
diphenhydramine
Allergy o pangangati: diphenhydramine
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
MAG-INGAThydroxyzine (Iterax)
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
Isa itong antihistamine na ginagamit para sa mga allergic na reaksyon, para makontrol ang pangangati, at minsan para malunasan ang pagduduwal, pagsusuka at pagkabalisa.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 25, 50, or 100 mg
Iniksyon: 25 o 50 mg bawat 5 ml
Syrup: 10 o 25 mg bawat 5 ml
- Gaano karami
at kailan? - Pangangati: Uminom ng 25 – 50 mg, 3 – 4 na beses bawat araw.
Para mabawasan ang pagkabalisa: Uminom ng 25 – 50 mg, 4 na beses bawat araw.
Katamtamang allergic na reaksyon o allergic shock: Maginiksyon sa kalamnan: 25 mg para sa bata, 50 mg para sa nakatatanda (sabayan din ng iba pang gamot).
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Huwag gamitin sa unang 3 buwan ng pagbubuntis. Sa nalalabing panahon ng pagbubuntis o kung nagpapasuso, gamitin lang kung wala nang ibang mapagpilian. Huwag gamitin ang gamot na ito kung kailangan mong manatiling alerto.
- Side effects
- Nagdudulot ng panunuyo ng bibig, pagkaantok, at maaaring mawalan ng gana sa pagkain.
- Palatan-daan ng
sobrang paggamit - Pagkaantok
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Pangangati, allergy o allergic shock:
diphenhydramine, promethazine
Pagkabalisa: diazepam
Pregnant women need to take special care
MAG-INGATibuprofen (Advil, Dolafen, Dolan FP, Faspic, Genselax, Idyl, Medicol Advance, Midol, Rheuxan)
Pregnant women need to take special care
Gumagana ito laban sa pananakit, pamamaga, at lagnat. Kapaki-pakinabang ito na gamot para maibsan ang masamang pakiramdam habang nireregla at pananakit mula sa rayuma at AIDS.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 200 mg at mas malaki.
Likido: 100 mg bawat 5 ml
- Gaano karami
at kailan? - Uminom ng 200 – 400 mg, 4 – 6 times bawat araw. Huwag lumampas ng 2,400 mg sa isang araw.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Mga taong may ulser sa sikmura. Buntis na babae sa huling 3 buwan ng pagbubuntis.
- Side effects
- Maaaring magdulot ng iritasyon o pananakit ng sikmura. Isabay sa pagkain.
- Babala
- Iwasan gamitin hanggang isang linggo matapos maoperahan.
- Impormasyon na
dapat malaman - Mas kaunti ang dulot na iritasyon kung isasabay sa pagkain, laluna mga produktong gatas, sa panahon nang regular na pagkain.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Pananakit, pamamaga, lagnat: aspirin
Pananakit at lagnat: acetaminophen
Matinding pananakit: codeine, morphine
isoniazid o INHIsonid, Lafayette, Pharex, Rhea, Zidrid)
Ginagamit ito na panlunas sa tuberkulosis (TB) kakombinasyon ng iba pang gamot. Tingnan ang Kabanata 25.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tablet: 100 o 300 mg
Syrup: 50 mg bawat 5ml
- Gaano karami
at kailan? - Magkakaiba at naayon sa bansa ang dosis ng gamot para sa tuberkulosis. Magpatingin sa isang health worker. (Gamitin ang isoniazid kasabay ng iba pang mga gamot).
Para mapigilang ang TB sa nakatatanda na may HIV: uminom ng 300 mg bawat araw sa loob ng 6 na buwang hanggang 3 taon.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Dapat hindi gamitin ang gamot na ito ng sinumang may hepatitis, sakit sa atay, o gumamit na ng isoniazid dati at nagkaproblema sa atay.
- Side effects
- Maaring magdulot ng pananakit o pamamanhid sa kamay, braso, paa at binti. Minsan nagdudulot ang isoniazid ng matinding hepatitis na may palatandaan tulad ng pagkapagod, kawalan ng ganang kumain, pagkaduwal, pagsusuka, madilim na kulay ng ihi o paninilaw ng mata. Kung mangyari ito, ihinto kaagad ang gamot.
- Impormasyon na
dapat malaman - Huwag na huwag lumampas sa 300 mg sa isang araw. Napakahalaga na tapusin ang buong takdang gamutan ng TB. Kung hindi, maaaring mahawa mo ang ibang tao, o magkasakit ka muli ng klase ng TB na napakahirap pagalingin.
- Palatan-daan ng
sobrang paggamit - Pagkaduwal, pagsusuka, pagkahilo, bulol o hindi maintindihan na pagsasalita, malabong paningin. Kung masobrahan ang paggamit, uminom ng 1 g o higit pa ng pyridoxine (bitamina B6).
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women should not take this medicine
ketoconazole (Conatab, Dezor, Donaxene, Ketovid, Konazole, Kozec, Nizoral, Reduf, United Home)
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women should not take this medicine
Isa itong malakas na panlaban sa fungus na ginagamit na panlunas sa thrush at iba pang yeast na impeksyon. Gamitin lang ito kung mayroong HIV at hindi tumatalab ang iba pang panlunas.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 200 mg
Cream para sa balat: 2%
Shampoo: 1%
- Gaano karami
at kailan? - Fungal na impeksyon: Uminom ng 200 minsan bawat araw sa 10 araw.
Yeast na impeksyon sa loob ng bibig (thrush): Uminom ng 200 mg, 2 beses bawat araw sa 14 na araw.
- Side effects
- Maaaring magdulot ng pagkaduwal at pagsusuka.
- Babala
- Mag-ingat sa paggamit kung buntis o nagpapasuso. Huwag magpasok ng cream o shampoo sa puwerta. Isabay ang gamot sa pagkain. Kung iinumin ang gamot, maaring magkaroon ka ng hot flashes kung iinom ka rin ng alkohol (inuming nakalalasing).
- Impormasyon na
dapat malaman - Pinakamabisa ang gamot na ito kung isasabay sa katas ng kahel o iba pang maasim (citrus) na prutas.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Yeast na impeksyon na walang INP (impeksyon na naihahawa sa pagtatalik): clotrimazole, fluconazole, gentian violet, miconazole, nystatin, suka
magnesium sulfate(Elin, Phil Pharmawealth)
Ito ang pinakamainam na gamot para mapigilan ang kombulsyon sa mga babaeng may eclampsia.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Iniksyon: 10%, 12.5%, 25%, o 50% na timpla (solution).
- Gaano karami
at kailan? - Kombulsyon: mag-iniksyon ng 10 g sa kalamnan.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Hindi dapat bigyan ng gamot na ito ang mga babaeng may problema sa bato.
- Babala
- Gamitin lang ang gamot na ito kung lampas sa 160/110 ang presyon ng dugo ng babae. Matapos ibigay, patuloy na sukatin ang presyon ng dugo. Kung masobrahan ng gamot, maaaring mapabagal o mapahinto ang kanyang paghinga!
- Impormasyon na
dapat malaman - Kailangan ng malaking karayom para mag-iniksyon ng maraming kantidad ng gamot, at maaaring hindi ito komportable. Baka mas gustuhin mo na hatiin ang dosis at 2 beses mag-iniksyon nang mas maliit, isa sa bawat pigi.
- Palatan-daan ng
sobrang paggamit - Pagpapawis, mababang presyon ng dugo, panghihina, problema sa paghinga.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Kombulsyon: diazepam
Pregnant women need to take special care
MAG-INGATmedroxyprogesterone acetate, DMPA(Depo-Provera, Deporeva, Depotrust, Lyndavel, Provera, Provestin)
Pregnant women need to take special care
Isa itong kemikal na anyo ng progesterone, isang hormone na natural na ginagawa sa katawan ng babae. Maaari itong gamitin para lunasan ang hindi regular na pagdurugo na dulot ng pagbabago ng mga hormone, laluna sa bandang panahon ng menopause. Para sa dagdag na impormasyon, tingnan ang Kabanata 8 “Pagtanda”. Para sa pagpaplano ng pamilya, tingnan ang Kabanata 13.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 2.5, 5, o 10 mg
Likido na pang-iniksyon: 150 o 400 mg bawat ml
- Gaano karami
at kailan? - Matinding pagdurugo: Gumamit ng 10 mg minsan sa 1 araw sa 10 araw. Kung magpatuloy ang pagdurugo, dagdagan ng 10 pang araw.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Hindi dapat gumamit nito ang mga babaeng may hepatitis, o kanser sa suso o cervix.
- Babala
- Kung magpatuloy ang pagdurugo matapos ang 20 araw ng paggamot, magpatingin sa isang health worker. Maaaring seryoso ang problema.
methyl ergonovine (Methergine)
Nagpapakipot ito ng matris at mga ugat ng dugo nito, at ginagamit para makontrol ang matinding pagdurugo matapos ang panganganak o pagpapalaglag. Parehong gamot ito sa ergometrine at ergonovine.
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
MAG-INGATmetronidazole
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
Ginagamit ito para sa impeksyon sa puwerta na dulot ng yeast at trichomonas. Epektibo rin ito laban sa ilang bacteria at sa disenterya mula sa amoeba (tingnan ang Where There Is No Doctor).
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 200, 250, 400, o 500 mg
Inserts: 375, 500 mg
Pang-iniksyon sa ugat (veins): 500 mg sa 100 ml
- Gaano karami
at kailan? - PID: Uminom ng 500 mg 2 beses bawat araw sa 14 araw (isabay sa iba pang mga gamot; tingnan Gamot para sa PID.
Katamtamang impeksyon sa puwerta: Magpasok ng isang 500 mg insert sa puwerta 2 beses bawat araw sa 5 araw.
Trichomonas o bacterial vaginosis: Uminom ng 2 gramo, isang beses lang, pero tiyakin na hindi buntis.
Kung buntis: Uminom ng 400 – 500 mg 2 beses bawat araw sa 7 araw (para lunasan ang lumalabas mula sa ari, mayroon man o walang INP, tingnan ang kombinasyon ng mga gamot kung sa tingin mo ay MAY PANGANIB KA na magka-INP at kombinasyon ng mga gamot kung WALA KA SA PANGANIB na magka-INP).
Seryosong impeksyon matapos magpalaglag o manganak: Uminom ng 500 mg, 3 beses bawat araw o mag-iniksyon ng 400 – 500 mg sa ugat (vein) 2 beses bawat araw (tingnan ang rekomendadong kombinasyon ng mga gamot para sa pagpapalaglag at para sa panganganak).
Madugong pagtatae, mayroon man lagnat: 500 mg 3 beses bawat araw sa 7 araw.
Tetano: 7.5 mg/kg 4 na beses bawat araw sa 10 araw.
Para sa lagnat habang nanganganak: Uminom ng 400–500 mg 3 beses bawat araw. Uminom din ng ampicillin.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Mga taong may problema sa atay tulad ng jaundice (paninilaw ng mata).
- Side effects
- May lasang bakal sa bibig, madilim na kulay ng ihi, masama ang sikmura o naduduwal, masakit ang ulo.
- Babala
- Itigil ang paggamit kung makaramdam ng pamamanhid. Kung nasa unang 3 buwan ng pagbubuntis, sikapin na huwag gumamit nito. Kung kinakailangan, huwag gamitin ang isahang malaking dosis (kapag buntis). Pero kung nagpapasuso, ang isahang malaking dosis ang pinakaligtas na paraan ng paggamit nito.
- Impormasyon na
dapat malaman - Dapat gamutin din ang iyong sekswal na partner. Huwag uminom ng alkohol, kahit na 1 beer, habang gumagamit ng metronidazole. Magdudulot ito ng sobrang pagkaduwal.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Bacterial vaginosis at trichomonas:
clindamycin,
tinidazole
Pregnant women need to take special care
MAG-INGATmiconazole (Daktarin, Defungin, De-ol, Fungtopic, Micoson, Monistat)
Pregnant women need to take special care
Isa itong gamot na pamatay ng fungus na ginagamit para lunasan ang yeast at iba pang impeksyon ng fungus sa puwerta.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Cream: 2%, 4%
Inserts: 100 mg, 200 mg, at 1200 mg
- Gaano karami
at kailan? - Yeast na impeksyon:
Cream: maglagay ng 5 g sa puwerta gabi-gabi sa 7 araw.
100 mg inserts: magpasok ng 1 sa puwerta gabi-gabi sa 7 araw.
200 mg inserts: magpasok ng 1 sa puwerta gabi-gabi sa 3 araw.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Mga babae na nasa unang 3 buwan ng pagbubuntis.
- Side effects
- Iritasyon
- Babala
- Kung magka-iritasyon ka sa miconazole, ihinto ang paggamit. Iwasan ang pagtatalik sa 3 – 4 na araw para hindi mo maipasa sa kapartner. Huwag idikit sa mata ang gamot.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Yeast na impeksyon: nystatin, clotrimazole, fluconazole, gentian violet or ketoconazole
mifepristone at misoprostol (Mifegyne, Mifeprex) at(Cytotec)
Ginagamit ang mifepristone para sa medikal na pagpapalaglag. Binabarahan nito ang epekto ng hormone na nagpapanatili sa pagbubuntis. Kapag ginamit kasama ang misoprostol bago ang ika-9 na linggo ng pagbubuntis, napakaepektibo ng mifepristone na magdulot ng kumpletong pagpapalaglag. Pinapa-impis at hilab ng misoprostol ang matris para mailabas ang pinagbubuntis. Napakaepektibo pa rin ng misoprostol lang, pero mas epektibo kung magkasamang gagamitin ang dalawang gamot. Magagamit din ang misoprostol para pahintuin ang pagdurugo matapos ang panganganak at hindi nakumpletong pagpapalaglag, o kung lumampas sa 1 oras bago lumabas ang inunan. Ginagamit din ang misoprostol para sa ulser sa sikmura. Bago gamitin ang mga gamot na ito, basahin muna ang kabanatang “Pagpapalaglag at mga Kumplikasyon Nito.”
- Anu-anong
anyo ang gamot? - mifepristone: Tabletas, 200 mg
misoprostol: Tabletas, 100 or 200 mcg
- Paano gamitin ang mifepristone kasama ng misoprostol:
- Para sa medikal na pagpapalaglag hanggang sa ika-9 na linggo (63 araw) ng pagbubuntis: Uminom ng 200 mg ng mifepristone. Pagkalipas ng 2 araw (48 oras), magpasok ng 800 microgram (mcg) ng misoprostol sa loob ng puwerta, o lusawin ang 800 mcg sa loob ng bibig sa may pisngi o sa ilalim ng dila sa loob ng 30 minuto. Inumin ang anumang matitira. Pagkatapos ay maglusaw ng 400 mcg misoprostol sa bibig o kaya ipasok ang 400 mcg misoprostol nang malalim sa loob ng puwerta tuwing 3 oras, nang hanggang 5 beses.
- Paano gamitin ang misoprostol lang
- Para sa medikal na pagpapalaglag hanggang sa ika-9 na linggo (63 araw) ng pagbubuntis: Lusawin ang 800 mcg sa loob ng bibig, sa may pisngi o sa ilalim ng dila, sa loob ng 30 minuto. Inumin ang anumang matitira. Pagkalipas ng 3 oras, lusawin at inumin ang isa pang 800 mcg sa parehong paraan, o kaya ipasok ang 800 mcg nang malalim sa loob ng puwerta. Kung hindi magsimula ng pagdugo matapos ang 3 pang oras, magpasok ng isa pang 800 mcg sa loob ng puwerta, o kaya lusawin at inumin ang isa pang 800 mcg, para maging 2400 mcg sa kabuuan.
Para sa matinding pagdurugo matapos manganak: Lusawin ang 800 mcg sa loob ng bibig, sa may pisngi o sa ilalim ng dila, sa loob ng 30 minuto. Inumin ang anumang matitira. Kung hindi makainom ang babae, magpasok ng tableta sa loob ng kanyang tumbong (idadaan sa puwit) kung saan matutunaw at masisipsip ang gamot. Gumamit ng guwantes.
Para sa hindi nakumpletong pagpapalaglag, o kung lampas 1 oras na hindi lumalabas ang inunan: maglusaw ng 400 mcg misoprostol sa loob ng bibig, sa may pisngi o sa ilalim ng dila, sa loob ng 30 minuto, 1 beses lang. O kaya, uminom ng 600 mcg misoprostol, 1 beses lang.
- Side effects
- Normal ang masakit na paghilab at matinding pagdurugo na may mga buo-buong dugo sa loob ng 3–6 oras matapos mag-misoprostol. Maaari ka ring makaranas ng pagkaduwal, pagsusuka, pagtatae, masakit na ulo, at mababang lagnat sa unang ilang oras. Kusang mawawala ang mga ito. Tatagal ang pagdurugo ng 2–4 na linggo pero magiging mas kaunti pagkalipas ng 1–2 linggo. Babala
- Babala
- Huwag gamitin ang mga gamot na ito kung hindi ka makakapunta sa klinika o ospital sa loob ng 1 oras, laluna kung lampas 9 na linggong buntis, o kung sa palagay mo ectopic o nasa tubo ang pagbubuntis.
Kung magkaroon ka ng tuloy-tuloy na matinding pagdurugo (basang-basa ng dugo sa loob ng 1 oras ang 2 tela o malaking pad, sa 2 magkasunod na oras) laluna kung may kasabay na pagkahilo o parang inaantok o wala sa sarili, kaagad na kumuha o pumunta sa tulong medikal. Maaaring hindi nakumpleto ang pagpapalaglag at kailangan mo ng MVA o raspa.
- Impormasyon na
dapat malaman - Mas maaga pa ang pagbubuntis, mas epektibo ang misoprostol, mag-isa man o may kasamang mifepristone. Kung lampas sa 9 na linggo ang pagbubuntis, mas mababa ang bisa nito at mas maraming side effects, laluna ang matinding pagdurugo mula sa puwerta.
Pregnant women need to take special care
MAG-INGATnitrofurantoin (Macrodantin)
Pregnant women need to take special care
Isa itong antibiotic na ginagamit para lunasan ang mga impeksyon sa bato at pantog.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 25, 50 or 100 mg
Suspension: 25 mg bawat 5 ml
- Gaano karami
at kailan? - Impeksyon sa pantog: 100 mg 2 beses bawat araw sa 3 araw.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Mga taong hindi maayos ang paggana ng bato bago nagkaimpeksyon. Mga babae na nasa huling buwan ng pagbubuntis.
- Side effects
- Pagkaduwal o pagsusuka, pananakit ng ulo, pag-utot. Para malimitahan ang mga ito, isabay sa gatas o pagkain.
- Impormasyon na
dapat malaman - Kung hindi bumuti ang pakiramdam mo pagkalipas ng 2 araw (48 oras), maaaring hindi na gaanong tumatalab ang gamot na ito sa inyong lugar. Kung kakayanin, kumonsulta sa isang health worker o gumamit ng ibang mga gamot.
- Palatan-daan ng
sobrang paggamit - Pagsusuka, pananakit ng dibdib. Maaaring maging kulay madilim na dilaw o tsokolate ang ihi.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Impeksyon sa pantog: cotrimoxazole, norfloxacin
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women should not take this medicine
norfloxacin
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women should not take this medicine
Isa itong antibiotic mula sa quinolone na pamilya na ginagamit para lunasan ang tulo (gonorrhea), impeksyon sa pantog at bato, at mga seryosong kaso ng pagtatae.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 400 mg
- Gaano karami
at kailan? - Impeksyon sa pantog: Gumamit ng 1 tableta 2 beses bawat araw sa 3 araw.
Impeksyon sa bato: Uminom ng 1 tableta 2 beses bawat araw, 1 oras bago kumain o 2 oras pagkatapos, sa 10 araw
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Hindi dapat gumamit ng norfloxacin ang mga babaeng buntis, nagpapasuso, o sinumang mas bata sa 16 na taon. Hindi rin dapat gumamit nito ang mga taong may allergy sa mga quinolone na antibiotics.
- Side effects
- Maaaring magdulot ng pagkahilo at mapalakas ang epekto ng caffeine. Para malimitahan ito, inumin 1 oras bago kumain o 2 oras pagkatapos.
- Babala
- Isabay sa maraming tubig. Huwag gamitin na kasabay ng antacid o bitamina’t mineral na may iron o zinc. Kung magkakaroon ka ng allergic na reaksyon, itigil ang paggamit.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Impeksyon sa pantog o bato: ceftriaxone, ciprofloxacin, cotrimoxazole, gentamicin
nystatin (Afunginal, Maicostat, Mycostatin)
Isa itong gamot na pamatay ng fungus na ginagamit na panlunas sa yeast na impeksyon sa bibig (thrush), puwerta o balat.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Inserts: 100,000 U
Lozenges para sa bibig: 200,000 U
Cream: 100,000 U bawat gram
Likido: 100,000 U bawat ml
- Gaano karami
at kailan? - Impeksyon sa bibig o lalamunan: Sa loob ng 3 o 4 na beses bawat araw, maglagay ng 1 ml ng likido sa bibig at imumog sa magkabilang panig ng bibig nang 1 minuto, at lulunin. Gawin sa loob ng 5 araw.
Impeksyon sa balat: Panatilihing tuyo at lagyan ng cream 3 beses bawat araw hanggang sa mawala ang butlig-butlig.
Impeksyon sa puwerta: Maglagay ng cream sa loob ng puwerta 2 beses bawat araw sa 10 – 14 na araw; o magpasok ng 100,000 U insert sa puwerta bago matulog sa 14 na gabi.
Para sa lumalabas sa ari na hindi galing sa INP (impeksyon na naihahawa sa pagtatalik): magpasok ng 100,000 U insert sa puwerta bago matulog sa 7 na gabi.
- Babala
- Kung magkaroon ng iritasyon dahil sa nystatin, ihinto ang paggamit. Iwasan ang pagtatalik sa 3 – 4 na araw para hindi maipasa ang impeksyon sa partner.
- Impormasyon na
dapat malaman - Tumatalab lang ang nystatin sa candida na yeast na impeksyon, samantalang ang miconazole ay tumatalab dito at sa iba pang fungal na impeksyon. Maaaring mas mura at madaling gamitin ang clotrimazole.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Yeast na impeksyon: miconazole, ketoconazole, clotrimazole, suka o gentian violet
oxytocin
Ginagamit ito para umimpis ang matris at mga ugat nito para makontrol ang matinding pagdurugo matapos manganak o kung lumampas sa 1 oras na hindi lumalabas ang inunan (placenta).
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Pang-iniksyon: 10 Units sa 1 ml
- Gaano karami
at kailan? - Mag-iniksyon ng 10 Units sa nanay sa malaking kalamnan matapos mailabas ang sanggol. Ulitin matapos ang 10 minuto kung kailangan.
- Side effects
- Puwedeng pahilabin ng oxytocin ang matris nang napakalakas na hindi na ito makarelaks pagkatapos at maaari pang mapunit. Puwede ring magdulot ng mataas na presyon ng dugo ang oxytocin.
- Babala
- Huwag gamitin ang gamot na ito para magpalaglag dahil maaaring mapatay muna nito ang babae bago pa magdulot ng aborsyon. (Tingnan ang Kabanata 15, “Pagpapalaglag”).
Ang paggamit ng oxytocin para pabilisin ang labor o palakasin ang nanay na naglalabor ay maaaring delikado sa nanay at sa sanggol. Huwag ibigay bago makalabas ang sanggol.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Matinding pagdurugo matapos manganak: ergometrine, misoprostol
paracetamol, acetaminophen
Ang acetaminophen at paracetamol ay 2 pangalan para sa parehong gamot na pambawas ng pananakit at lagnat. Isa ito sa pinakaligtas na pamawi ng pananakit. Hindi ito nagdudulot ng iritasyon sa sikmura kaya maaaring gamitin kapalit ng aspirin o ibuprofen ng mga taong may ulser sa sikmura. Magagamit din ito ng mga buntis na babae, at ligtas sa mababang dose para sa mga bata.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 100, 325 at 500 mg
Likido: 120 o 160 mg bawat 5 ml
Inserts: 80, 120, 300, 325, o 650 mg
Drops: 80 mg bawat 0.8 ml
- Gaano karami
at kailan? - 500 – 1,000 mg, iinumin nang 4 – 6 na beses bawat araw batay sa pangangailangan.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Huwag gamitin kung may pinsala sa atay o bato.
- Babala
- Humingi ng tulong medikal kung lalampas sa 3 araw ang lagnat o pananakit. Puwedeng makasira ng atay ang paracetamol kung sobrang dami ang gagamitin o kung regular na sinasabay bago o matapos uminom ng alkohol (inuming nakalalasing). Maaring napakadelikado ang pagoverdose.
- Impormasyon na
dapat malaman - Hindi pinapagaling ng paracetamol ang sakit; pinapahupa lang nito ang pananakit o lagnat. Mahalagang matuklasan ang sanhi ng pananakit o lagnat at iyon ang pagalingin.
- Palatan-daan ng
sobrang paggamit - Pagkaduwal
Pagsusuka
Pananakit sa tiyan
penicillin, phenoxymethylpenicillin(Sumapen)
Ito ay antibiotic na ginagamit na panlunas sa impeksyon sa bibig, ngipin, balat, matris at maraming iba pa. Kaya lang, laganap na ang nabuong resistensya sa penicillin at bawas na ang pakinabang nito kumpara noon.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 250, 500 mg
Likido: 125 o 250 mg bawat 5 ml
- Gaano karami
at kailan? - Impkesyon sa matris matapos manganak: 250 mg (na katumbas ng 400,000 U), iinumin 4 na beses bawat araw sa 7 araw (sabayan din ng iba pang gamot para sa impeksyon sa matris, tingnan Impeksyon sa matris).
Impeksyon sa balat o sa mga pagsusugat (sores): 250 mg, iinumin 4 na beses bawat araw sa 10 araw.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Huwag gumamit kung may allergy sa anumang antibiotic mula sa pamilya ng penicillin.
- Side effects
- Pamamantal o pagbubutlig
- Babala
- Bantayan ang allergic na reaksyon at allergic na shock.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - impeksyon sa balat: dicloxacillin, erythromycin
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women should not take this medicine
podophyllin (Condylox, Podofilm, Podowart)
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women should not take this medicine
Isa itong likido na nilalagay direkta sa kulugo sa ari para paliitin o paimpisin.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Likido: 10% - 25%
- Gaano karami
at kailan? - Ipahid ang likido sa kulugo gamit ang bulak o malinis na tela na binilot para may maliit na dulo. Pagkalipas ng 4 na oras, maingat na hugasan ng sabon at tubig para maalis. Gamitin minsan bawat linggo sa loob ng 4 na linggo.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Huwag gumamit kung buntis o nagpapasuso.
- Side effects
- Maaaring magdulot ng matinding iritasyon sa balat.
- Babala
- Huwag gamitin sa dumudugong kulugo, birthmark, nunal, kulugo na may buhok, o sa bibig. Kung mairita nang matindi ang balat, huwag na gamitin ulit.
- Impormasyon na
dapat malaman - Malakas maka-irita ng normal na balat ang podophyllin. Kaunti lang ang ipahid (0.5 ml o mas kaunti pa) sa bawat paggamit. Protektahan ang balat sa palibot ng kulugo ng petroleum gel bago magpahid.
- Palatan-daan ng
sobrang paggamit - Pagkaduwal, pagsusuka, masakit na tiyan, pagtatae. Kung masobrahan, puwedeng magdulot ng pagnipis, pagkapunit at pagdugo sa balat.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Kulugo sa ari: trichloracetic acid, bichloracetic acid
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
MAG-INGATprobenecid (Benemid, Probalan)
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
Ginagamit katambal ng ilang antibiotic mula sa pamilya ng penicillin, dinadagdagan ng probenecid ang kantidad ng penicillin sa dugo at pinapahaba ang pagtagal, kaya nadadagdagan ang bisa ng panlunas.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 500 mg
- Gaano karami
at kailan? - Uminom ng 500 mg hanggang 1 gram tuwing gagamit ng antibiotic mula sa pamilya ng penicillin.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Huwag ibigay sa bata na kulang sa 2 taon ang edad.
- Side effects
- Minsan nagdudulot ng sakit ng ulo, pagkaduwal o pagsusuka.
- Babala
- Mag-ingat kung buntis o nagpapasuso, o kung may ulser sa sikmura.
- Palatan-daan ng
sobrang paggamit - Pagsusuka
procaine penicillin (Benzylpenicillin procaine, Penadur)
Isa itong antibiotic na ginagamit para lunasan ang impeksyon sa matris at iba pang mga impeksyon.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Iniksyon: vial ng 300,000, 400,00 o 600,000 Units
Powder na tinitimpla para sa iniksyon: 1 gram = 1 million Units
- Gaano karami
at kailan? - Lagnat habang nagbubuntis: Maginiksyon ng 1.2 million Units sa kalamnan tuwing 12 oras habang dinadala ang babae para makakuha ng tulong medikal. Para mabawasan ang sakit, huwag ulitin ang paginiksyon sa parehong lugar.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Huwag gumamit kung may allergy sa anumang antibiotic mula sa pamilya ng penicillin.
- Babala
- Ingatan ang paggamit kung may hika. Huwag isabay sa tetracycline. Huwag na huwag iiniksyon sa ugat (vein).
- Impormasyon na
dapat malaman - Kung isasabay sa probenecid, tataas ang dami ng penicillin sa dugo at mas matagal na mananatili, kaya mas mabisa ang panlunas.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Lagnat habang nagbubuntis: ampicillin
Pregnant women should not take this medicine
progesterone, progestin
Pregnant women should not take this medicine
Ang progestin ay kemikal na nasa kontraseptibong pildoras at iniksyon. Kahawig nito ang hormone na progesterone na ginagawa ng katawan ng babae. Ginagamit din itong panlunas sa hindi regular na regla o pagdurugo na dulot ng paiba-ibang lebel ng mga hormone. Para sa impormasyon tungol sa kontraseptibong pildoras, iniksyon at pang-emerhensyang pildoras, tingnan ang Kabanata 13.
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
MAG-INGATpromethazine (Metagon, Pharmasan, Phenerzin, Promezin, Zinmet)
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
Isa itong antihistamine na nagpapatuyo ng mucus o sipon at nagpapaantok. Ginagamit ito para sa mga allergic na reaksyon, para pampatulog sa gabi, at para mapahinto ang hindi makontrol na pagsusuka.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 10, 12.5, 25, o 50 mg
Syrup: 5 mg bawat 5 ml
Iniksyon: ampules na 25 o 50 mg sa 1 ml
Inserts sa puwit: 12.5, 25, o 50 mg
- Gaano karami
at kailan? - Katamtamang allergic na reaksyon: Magbigay ng 25 mg, iinumin o iiniksyon sa kalamnan. Ulitin matapos ang 8 oras o mas maaga pa kung kailangan.
Allergic shock: Mag-inikyson ng 50 mg sa kalamnan. Ulitin matapos ang 8 oras o mas maaga pa kung kailangan. (Tingnan impormasyon sa paglunas sa allergic na reaksyon at shock.)
Pagsusuka: Mag-iniksyon ng 25 – 50 mg tuwing 6 na oras ayon sa pangangailangan.
Pampatulog: Uminom ng 25 – 50 mg sa oras ng pagtulog.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Hindi dapat gumamit para sa matagalang paglunas ang mga buntis at nagpapasusong babae. Huwag gamitin kung kailangan na manatiling alerto.
- Side effects
- Madalas nagdudulot ng panunuyo ng bibig at malabong paningin. Minsan nagdudulot ng pagkislot (twitching) ng katawan, mukha at laluna ng mata at leeg.
- Babala
- Dapat maingat ang paggamit nito ng mga buntis at nagpapasusong babae. Huwag magmaneho o magpatakbo ng makinarya kung gumagamit nito.
- Palatan-daan ng
sobrang paggamit - Pagkawala ng malay, kombulsyon (seizure).
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Allergy o allergic na reaksyon: diphenhydramine, hydroxyzine
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women should not take this medicine
pyrazinamide Midazen, Pharex, Pyramin, Pyrasol, Pyrazin, PZA-Ciba, RiteMED, Zapedia, Zcure, Zinaplex)
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women should not take this medicine
Gamot ito na panlunas sa tuberkulosis (TB). Tingnan ang Kabanata 25.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 400 mg
Likido: 30 mg/ml
- Gaano karami
at kailan? - Magkakaiba at naayon sa bansa ang dosis ng gamot para sa tuberkulosis. Magpatingin sa isang health worker. (Dapat gamitin ang pyrazinamide na kakombinasyon ng iba pang mga gamot).
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Hindi dapat gumamit ang taong may pinsala sa atay o hepatitis.
- Side effects
- Madilaw na balat o mata, lagnat, kawalan ng gana, pagod, pamamaga ng atay, gout o rayuma. Kung may alinman sa mga problemang ito, humingi ng tulong medikal.
- Babala
- Dapat iwasan ang gamot na ito ng buntis at nagpapasusong babae dahil hindi pa alam ang epekto nito sa sanggol. Napakahalaga na tapusin ang buong takdang gamutan ng TB. Kung hindi, maaaring mahawa mo ang ibang tao, o magkasakit ka muli ng klase ng TB na napakahirap pagalingin.
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
MAG-INGATrifampicin
Pregnant women need to take special care
Breastfeeding women need to take special care
Isa itong antibiotic na panlunas sa TB (tingnan ang Kabanata 25) at iba pang klase ng impeksyon, kasama na ang ketong (leprosy).
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 150 o 300 mg
Likido: 20 mg/ml at 50 mg bawat 5 ml
Ampules na pang-iniksyon: 600 mg
- Gaano karami
at kailan? - Magkakaiba at naayon sa bansa ang dosis ng gamot para sa tuberkulosis. Magpatingin sa isang health worker. (Dapat gamitin ang rifampicin na kakombinasyon ng iba pang mga gamot). Huwag gumamit ng lampas sa 600 mg sa isang araw.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Hindi dapat gumamit nito ang mga taong may pinsala o sakit sa atay.
- Side effects
-
- Pagkaduwal, pagsusuka, kawalan ng gana, pagtatae, pulikat
- Pag-init ng mukha, pangangati, pamamantal o pagbubutlig
- Masakit ang ulo, lagnat, pangangatog, masakit ang buto
- Madilaw ang balat o mata
Maliban sa paninilaw ng balat o mata, madalas lumalabas ang mga side ef fects na ito 2 – 3 oras matapos maggamot at minsan naiiwasan kung isasabay sa pagkain ang gamot.
- Impormasyon na
dapat malaman - Maaring gawing kulay red-orange ang ihi, tae, luha, pawis o laway. Magmamantsa din sa mga contact lens. Binabawasan ang bisa ng mga kontraseptibong may hormone. Napakahalaga na tapusin ang buong takdang gamutan ng TB. Kung hindi, maaaring mahawa mo ang ibang tao, o magkasakit ka muli ng klase ng TB na napakahirap pagalingin.
spectinomycin (Kirin, Spectin, Trobicin)
Isa itong malakas na aminocyclitol antibiotic na pinanlulunas sa karamihan ng klase ng gonorrhea, pero hindi ito tumatalab sa gonorrhea sa lalamunan. Kapakipakinabang ito laluna sa mga taong may allergy sa penicillin at cephalosporin na antibiotics.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Vials na pang-iniksyon: 2 grams
- Gaano karami
at kailan? - Gonorrhea o PID: Mag-iniksyon ng 2 g (2,000 mg) sa kalamnan, isang beses lang. (Tingnan sa kombinasyon ng gamot na panlunas sa gonorrhea o PID.)
- Side effects
- Pangangatog, masakit o namumula ang lugar na tinusok ng iniksyon, pagkahilo, pagkaduwal.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Gonorrhea: ceftriaxone
PID: amoxicillin, azithromycin, ceftriaxone, doxycycline, metronidazole
Pregnant women should not take this medicine
streptomycin(Biolab, Phil Pharmawealth)
Pregnant women should not take this medicine
Isa itong antibiotic mula sa pamilyang aminoglycoside na panlunas sa tuberkulosis (TB), na iniiniksyon sa kalamnan. Ginagamit ito para sa TB na kakombinasyon ng iba pang mga gamot. Tingnan ang Kabanata 25.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Likido na pang-iniksyon: 500 mg bawat ml
- Gaano karami
at kailan? - Magkakaiba at naayon sa bansa ang dosis ng gamot para sa tuberkulosis. Magpatingin sa isang health worker. (Dapat gamitin ang streptomycin na kakombinasyon ng iba pang mga gamot).
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Hindi ito dapat gamitin ng buntis na babae dahil puwedeng magdulot ng pagkabingi ng sanggol. Hindi rin dapat gumamit ang mga taong may allergy sa antibiotics mula sa aminoglycoside na pamilya tulad ng gentamicin. Dapat mag-ingat sa paggamit ang mga taong may problema sa bato (kidneys).
- Side effects
- Puwedeng puminsala sa pandinig o pagbalanse ng katawan, at magdulot ng mga pamamantal.
- Impormasyon na
dapat malaman - Magguwantes kung madalas na hahawak sa gamot na ito dahil nakakapagdulot ito ng matinding pagbubutlig o pamamantal. Napakahalaga na tapusin ang buong takdang gamutan ng TB. Kung hindi, maaaring mahawa mo ang ibang tao, o magkasakit ka muli ng klase ng TB na napakahirap pagalingin.
tetanus toxoid
Isa itong bakuna na ibinibigay para mapigilan ang tetanus na impeksyon. Maaari itong ibigay habang o pagkatapos magbuntis, o pagkatapos magpalaglag. Kung mabibigyan ang babae ng 2 iniksyon (o mas mahusay pa, 3 iniksyon) habang buntis, mapipigilan ding kapitan ng mabagsik na impeksyong ito ang bagong silang na sanggol.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Likido na pang-iniksyon: 4, 5, o 10 U bawat 0.5 ml
- Gaano karami
at kailan? - Para habangbuhay na maging ligtas sa tetano, kailangan ng 5 iniksyon ng bakuna, at pagkatapos ay 1 iniksyon tuwing 10 taon. Sa bawat pagbakuna: Magbigay ng 1 iniksyon ng 0.5 ml sa kalamnan ng braso.
- Side effects
- Pananakit, pamumula, mainit-init, bahagyang pamamaga.
- Impormasyon na
dapat malaman
Dapat bakunahan ang lahat laban sa tetano, simula sa pagkabata. Sa mga bata, madalas binibigay ang bakuna sa tetano kasama sa isang kombinasyong bakuna na tinatawag na DPT. Ang tatlong DPT na bakuna ay katumbas ng unang 2 tetanus toxoid na bakuna.
Para sa mga teenager at nakatatanda, puwedeng ang kombinasyong Td (tetanus-diphtheria) na bakuna ang gamitin. Eto ang gabay sa pinakamaikling panahon sa pagitan ng pagbakuna para sa mga nakatatanda (adults):
Una ---------------- Pinakamaagang kakayanin Ikalawa ---------------- 4 na linggo matapos ang una Ikatlo ---------------- 6 na buwan matapos ang ikalawa Ika-apat ---------------- 1 taon matapos ang ikatlo Ikalima ---------------- 1 taon matapos ang ika-apat Booster ---------------- Tuwing 10 taon tapos ng huling iniksyon
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women should not take this medicine
tetracycline (Metrocycline, Moncycline, RiteMED Tetracycline, Traxetrine)
Pregnant women should not take this medicine
Breastfeeding women should not take this medicine
Isa itong antibiotic mula sa tetracycline na pamilya. Pinanlulunas ito sa maraming impeksyon, kasama na ang chlamydia, syphilis, PID, impeksyon sa hingahan, pagtatae at iba pa. Tumatalab din ang doxycycline e sa parehong mga impeksyon, mas mura at mas madaling gamitin.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Kapsula: 100, 250, o 500 mg
Ointment: 1%
- Gaano karami
at kailan? - Chlamydia: 500 mg 4 na beses bawat araw sa 7 araw (sabayan din ng iba pang mga gamot).
Syphilis: 500 mg 4 na beses bawat araw sa 14 na araw.
Pangangalaga sa mata ng sanggol: maglagay ng kaunting ointment sa bawat mata pagkapanganak, isang beses lang.
- Sino ang hindi
dapat gumamit? - Huwag gamitin kung buntis o nagpapasuso. Huwag ibigay sa bata na kulang sa 9 na taon, maliban sa pangangalaga sa mata ng sanggol. Huwag gamitin kung may allergy sa antibiotics mula sa tetracycline na pamilya.
- Babala
- Huwag gamitin kung hanggang 1 oras pa lang nakakain ng produktong mula sa gatas o nakagamit ng antacid. Huwag gamitin kung paso (expired).
- Impormasyon na
dapat malaman - Hindi tumatalab ang tetracycline sa sipon o sa pagpigil sa INP (impeksyon na naihahawa sa pagtatalik).
- Side effects
- Kung madalas na nakabilad sa araw, puwedeng magdulot ito ng pagbubutlig ng balat. Maaari ding magdulot ng pagtatae o pagkasira ng sikmura.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Chlamydia: amoxicillin, azithromycin, doxycycline, erythromycin
PID: ceftriaxone, doxycycline, metronidazole, spectinomycin
Pangangalaga sa mata ng sanggol: erythromycin ointment
Syphilis: benzathine penicillin, doxycycline, erythromycin
Pregnant women need to take special care
MAG-INGATtinidazole (Asiazole-TN, Fasigyn, Idazole, Tindol)
Pregnant women need to take special care
Ginagamit ito para sa impeksyon sa puwerta na dulot ng trichomonas. Mabisa rin ito laban sa ilang ameba, parasitiko at giardia. Kahawig ito ng metronidazole pero hindi kasingtagal ang paggamit.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Tabletas: 250 mg, 500 mg
- Gaano karami
at kailan? - Trichimonas: Uminom ng 2 grams, isang beses lang, kung hindi buntis. Kung buntis, uminom ng 500 mg, 2 beses bawat araw sa 5 araw.
- Side effects
- May lasang bakal sa bibig, pagkasira ng sikmura o pagkaduwal, masakit ang ulo.
- Babala
- Dapat magamot din ang sekswal na kapartner. Huwag uminom ng alkohol, kahit isang beer lang, habang gumagamit ng tinidazole at hanggang 3 araw pagkatapos gumamit. Makakaramdam ka ng sobrang pagkaduwal. Iwasan ito sa unang 3 buwan ng pagbubuntis.
- Impormasyon na
dapat malaman - Uminom ng isang basong tubig matapos gumamit.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Trichimonas: metronidazole
trichloroacetic acid, bichloroacetic acid
Maaaring gamitin ang trichloroacetic acid o bichloroacetic acid para lunasan ang kulugo sa ari.
- Anu-anong
anyo ang gamot? - Likido sa timpla na 10% hanggang 35%
- Gaano karami
at kailan? - Ipahid sa kulugo lang minsan bawat linggo sa loob ng 1 – 3 linggo, hangga’t kailangan.
- Side effects
- Makakasakit o makakapinsala ang trichloroacetic acid sa normal na balat kung matatapunan.
- Babala
- Ingatan nang husto. Puwede nitong masunog nang malubha ang normal na balat at magdulot ng peklat.
- Impormasyon na
dapat malaman - Protektahan muna ang paligid ng kulugo ng petroleum gel. Tapos pahiran ng trichloroacetic acid ang kulugo. Sasakit ng 15 – 30 minuto. Kung matatapunan ang normal na balat, hugasan ng sabon at tubig, at puwede ring lagyan ng pulbos o baking soda.
- Iba pang gamot
na maaaring tumalab - Kulugo sa ari: podophyllin