Hesperian Health Guides
Kabanata 15: Pagpapalaglag at mga Kumplikasyon Nito
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 15: Pagpapalaglag at mga kumplikasyon nito
Tumutungo sa di gustong pagbubuntis at pagpapalaglag ang kawalan ng serbisyo sa pagpaplano ng pamilya at impormasyon tungkol sa pagtatalik.
Kung may ginawa ang babae para mahinto ang pagbubuntis niya, 'pagpapalaglag' o 'aborsyon' ang tawag dito. Ginagamit lang namin ang salitang 'pagpapalaglag' o 'aborsyon' sa librong ito para sa aksyon na planado. Sa hindi planado at natural na pagkawala ng pagbubuntis, ginamit namin ang terminong 'kusang nalaglag' o 'nakunan'.