Hesperian Health Guides
Pag-iwas sa di ligtas na pagpapalaglag
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 15: Pagpapalaglag at mga kumplikasyon nito > Pag-iwas sa di ligtas na pagpapalaglag
Ang edukasyon tungkol sa pagpaplano ng pamilya ay makakatulong sa pag-iwas sa pangangailangang magpalaglag.
Hikayatin ang mga babaeng may sakit o kumplikasyon matapos magpalaglag na humingi ng tulong sa halip na magtago.
Eto ang ilang magagawa ng sinumang babae o grupo ng kababaihan sa komunidad para tumulong na maiwasan ang mga sakit at kamatayan mula sa pagpapalaglag:
- Turuan ang kalalakihan, kababaihan, at buong komunidad kung paano mababawasan ng kontrasepsyon ang pangangailangang magpalaglag. Kumuha ng pagsasanay para magkaroon ng serbisyo sa pagpaplano ng pamilya sa inyong lugar.
- Turuan ang lahat ng kababaihan, pati kabataan, tungkol sa mga panganib ng di ligtas na pagpapalaglag.
- Bisitahin ang mga gumagawa na pagpapalaglag sa inyong komunidad para matiyak na ligtas ang ginagawa nila.
- Pag-aralan ang kumplikasyon ng pagpapalaglag at mga panlunas dito. Alamin kung saan madadala ang babae sa inyong lugar sakaling kailangan ng emerhensyang lunas para sa kumplikasyon.
- Alamin kung sino ang puwedeng maghatid ng babaeng kailangan ng emerhensyang lunas. Kung walang pangmedikal na sasakyan, mayroon bang may-ari ng kotse o truck sa inyong lugar? Mag-imbak ng petrolyo para sa emerhensya.
- Magtabi ng ilang gamot na sa inyong botika o klinika para panlunas kung may emerhensya mula sa pagpapalaglag.
Kung isa kang health worker, narito ang dagdag na mungkahi:
- Sikaping makakuha ng pagsasanay sa pag-MVA, para malunasan mo ang mga babaeng may kumplikasyon mula sa pagpapalaglag. Baka may makakapagsanay ng mga health worker sa inyong lokal na ospital. Huwag gumawa ng pagpapalaglag maliban kung may pagsasanay ka at wastong instrumento para gawin ito nang ligtas.
- Organisahin ang mga health worker sa inyong komunidad para kausapin ang mga opisyal pangkalusugan tungkol sa mga panganib ng di ligtas na pagpapalaglag. Kahit sa mga lugar na hindi ligal ang aborsyon, makakapagligtas ng buhay ang paglunas sa nagkakakomplikasyon.
Huling binago ang pahinang ito: 05 Ene 2024