Hesperian Health Guides
Pagpapasya tungkol sa pagpapalaglag
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 15: Pagpapalaglag at mga kumplikasyon nito > Pagpapasya tungkol sa pagpapalaglag
Kung walang ligtas na aborsyon, maaaring pag-isipan mong ipaampon ang sanggol, kung katanggap-tanggap ito sa iyo at sa komunidad.
Baka makatulong kung pag-isipan mo ang mga tanong na ito:
- Kaya mo bang alagaan ang sanggol? May sapat ka bang pera para magpalaki ng bata?
- Delikado ba sa kalusugan mo ang pagbubuntis?
- May partner o asawa ka ba na tutulong suportahan ang bata? Kaya mo bang kausapin siya tungkol sa desisyong ito?
- Laban ba ang iyong relihiyon o pamilya sa pagpapalaglag? Kung oo, ano ang magiging pakiramdam mo kung magpapalaglag ka?
- Paano gagawin ang pagpapalaglag?
- Gaano katagal ka nang buntis?
- Mayroon ka kayang impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP) o HIV? Puwedeng mas mataas ang panganib mo na magka-INP kung bata ka pa, walang asawa, at may bagong kapartner, o kung may mga palatandaan ka ng INP. Baka kailangan mo munang magamot bago magpalaglag.
- Anong mga kumplikasyon (problema) ang maaaring idulot ng pagpapalaglag? Kung may HIV o AIDS ka, maaaring mas mataas ang panganib ng hindi ligtas na pagpapalaglag.
- Saan ka makakapunta para sa pang-emerhensyang pangangalaga sakaling magkakumplikasyon? Paano mo ito mararating?
Maaring makatulong ang susunod na 4 na pahina sa pagtantya mo kung may ligtas na pagpapalaglag sa inyong komunidad.
Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017