Hesperian Health Guides

Ano'ng aasahan habang ginagawa ang ligtas na pagpapalaglag

Sa kabanatang ito:

Ginagawa kapwa sa health center at ospital ang mga ligtas na pagpapalaglag, laluna ang aborsyon sa pamamagitan ng paghigop (MVA). Madalas sa ospital ginagawa ang aborsyon sa pamamagitan ng pagkayod (D & C). Dapat gawin ang aborsyon sa pamamagitan ng medisina sa health center o ospital na may gamit din para gumawa ng MVA at D & C, at mga health worker na may kasanayang gawin ito. Para sa dagdag na impormasyon kung paano ginagawa ang mga pagpapalaglag na ito, tingnan Mga ligtas na paraan ng pagpapalaglag.

manggagawang pangkalusugan o health worker na nakaupo sa may lamesa at nakikipag-usap sa isa pang babae

Uminom ng maraming likido isang araw bago ang pagpapalaglag mo. Makakatulong ito para mas madali kang makabawi ng lakas.

Kapag pupunta ka sa isang health center o ospital para magpalaglag, dapat magalang kang tanggapin at tratuhin. Dapat may tagapayo na makipag-usap sa iyo tungkol sa pasya mo, at magpaliwanag kung paano gagawin ang pagpapalaglag at kung ano ang mga risgo.

Sinasabi ng mga impormasyon sa baba kung ano ang aasahan mong mangyari sa ligtas na pagpapalaglag. Kung ibang-iba dito ang pagpapalaglag, maaaring mapanganib iyon.

babaeng nakahiga sa lamesa habang sinusuri ng manggagawang pangkalusugan o health worker ang kanyang ari
  • Dapat tanungin ka kung kailan ang huli mong regla at kung posibleng may impeksyon (INP) ka.
  • May health worker na dapat gumawa ng medikal na eksaminasyon. Kasama nito ang maingat na pagkapa sa loob ng puwerta at sa tiyan para masukat ang iyong matris.
  • Habang ginagawa ang pagpapalaglag (paghigop man o pagkayod), makakaramdam ka ng matinding sakit sa puson. Pero sandali lang matapos ang aborsyon, mababawasan na ang sakit.
  • Pagkatapos ng pagpapalaglag, dapat linisin ang iyong ari at ipuwesto ka para makapahinga. Dapat may health worker na nakabantay para ma-check ka sa loob ng isang oras.
  • May magsasabi dapat sa iyo kung ano ang gagawin pagkatapos ng pagpapalaglag, ang mga palatandaan ng panganib na dapat matyagan, at kung sino ang kokontakin kung may kumplikasyon.


Dagdag pa, dapat may makipag-usap sa iyo tungkol sa pagpaplano ng pamilya. Puwede mong simulan ang kontraseptibo sa araw mismo ng pagpapalaglag. Dapat pabalikin ka para ma-check-up pagkalipas ng mga 1 o 2 linggo.


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017