Hesperian Health Guides
Pagpaplano ng pamilya pagkatapos magpalaglag
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 15: Pagpapalaglag at mga kumplikasyon nito > Pagpaplano ng pamilya pagkatapos magpalaglag
|
|
Malamang hindi gusto ng babaeng nagpalaglag na nabuntis siya. Magandang pagkakataon ito para alukin siya ng impormasyon hinggil sa kontrasepsyon at kung paano makakakuha nito.
|
- Implant: Puwedeng ilagay ang mga implant bago o pagkatapos lang ng pagpapalaglag, o hanggang isang linggo pagkatapos.
- Isterilisasyon ng babae o tubal ligation: Kung mababa sa 3 buwan ang pagbubuntis, puwedeng i-ligate habang nagpapalaglag o pagkatapos na pagkatapos nito. Mahalagang gawin nang maingat ang desisyong ito. Permanente ang ligation.
- Isterilisayon ng lalaki o vasectomy: Puwedeng gawin kahit kailan ang vasectomy. Permanente rin ito. Gawin nang maingat ang desisyon.
- Condom: Puwedeng gumamit ng condom kapag nagsimulang magtalik muli. Nagpoprotekta rin ang condom laban sa mga impeksyon (INP), kasama na ang HIV.
- Spermicide: Puwedeng gumamit ng spermicide kapag nagsimulang magtalik muli. Huwag gumamit ng spermicide kung merong HIV o maraming kapartner.
- Diaphragm: Kung walang impeksyon o pinsala, puwedeng sukatan ng diaphragm bago o pagkatapos ng pagpapalaglag.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa lahat ng mga paraang ito, tingnan ang kabanata tungkol sa "Pagpaplano ng Pamilya".
|
Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017