Hesperian Health Guides
Pagkilos para sa pagbabago
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 14: Pagkabaog > Pagkilos para sa pagbabago
Para tulungan ang ibang may problema sa pertilidad:
- magbigay ng simpatiya at pag-aalala. Ito’y mahirap na panahon, at kailangan nila ng suporta at pang-unawa. Huwag sisihin ang mga magpartner na hindi magkaanak.
- turuan ang magpartner na pahalagahan at igalang ang isa’t isa bilang kasama’t kaagapay.
- tulungan ang magpartner na hindi magkaanak na maghanap ng ibang paraan para makasalamuha ang mga bata, o tanggapin ang kanilang kalagayan at buhay.
Mga puwedeng gawin ng mga health worker:
- magbigay ng impormasyon kung paano umampon ng bata.
Maraming sanhi ng pagkabaog, pero mga impeksyon na naihahawa sa pagtatalik ang pinakamadaling iwasan. |
- turuan ang kabataan tungkol sa mga impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP) at kung paano iwasan ang mga ito.
- tiyaking handa ang inyong lokal na health center sa pagkilala at paggamot ng mga INP, at seryosohin ang reklamo ng mga babae tungkol sa pananakit ng balakang. Madalas mangyari na pinapauwi lang ang babae na walang panggagamot matapos sabihang wala silang problema.
- turuan ang kababaihan ng mga palatandaan ng impeksyon sa balakang o panloob na ari, at sa kahalagahan ng maagap na pagpapagamot.
- turuan ang kalalakihan at kababaihan ng mga palatandaan ng INP, ng kahalagahan ng maagap na panggagamot, at ng kahalagahan na malunasan ang lahat ng sekswal na kapartner.
Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017