Hesperian Health Guides

Ano ang pagkabaog?

Sa kabanatang ito:

Kinakabig na hindi mabunga (infertile) ang magpartner kung hindi mabuntis matapos magtalik nang ilang beses bawat buwan sa loob ng 1 taon na walang kontrasepsyon. Baka may problema rin sa pertilidad kung makunan (kusang malaglag) nang 3 sunod-sunod o higit pa.

Puwedeng mabaog ang lalaki o babaeng nagkaanak na. Maaaring may problemang tumubo matapos lumabas ang huling sanggol. Minsan hindi solo ng babae o lalaki ang problema kundi kumbinasyon ng dalawa. Minsan din, mukhang malusog pareho ang magpartner, at walang doktor o pagsusuri na makaalam kung ano ang sanhi ng problema.

mga bahaging reproduktibo ng lalaki
tubo
titi
bayag
scrotum
Sa lalaking may normal na pertilidad, ang malusog na semilya ay nasa bayag at naipapasok sa puwerta kapag nilabasan sa pakikipagtalik
mga bahaging reproduktibo ng babae
malusog
na itlog
matris
tubo
obaryo
puwerta
malusog
na semilya
Sa babaeng may normal na pertilidad, lumalangoy ang semilya sa loob ng matris mara makasanib sa malusog na itlog.

Ang mga gawi gaya ng pag-inom ng alak, paninigarilyo o pagnguya ng tabako at paggamit ng droga ay may epekto sa pertilidad ng lalaki at babae.


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017