Hesperian Health Guides
Paano bubuti ang pakiramdam
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 16: Impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP) at iba pang impeksyon sa ari > Paano bubuti ang pakiramdam
- Kung may pagsusugat o pangangati sa ari, umupo sa batya na may malinis at maligamgam na tubig sa loob ng 15 minuto, 2 beses sa isang araw. Gawin ito hanggang umige ang pakiramdam. Kung sa tingin mo ay may impeksyon ka mula sa yeast, puwedeng dagdagan ng katas ng kalamansi, suka, yogurt (na walang asukal) o maasim na gatas ang maligamgam na tubig.
- Huwag makipagtalik hangga’t hindi bumubuti ang pakiramdam.
- Sikaping magsuot ng panloob na damit na yari sa cotton. Hinahayaan nitong mahanginan ang ari na nakakatulong sa paghilom.
- Labhan ang mga panloob na damit minsan isang araw at ibilad sa araw. Pinapatay nito ang mga mikrobyo na sanhi ng impeksyon.
- Gumamit ng banayad na gamot para sa pananakit.
- Kung may sugat o ulser sa ari at masakit kung umihi, magbuhos ng malinis na tubig sa ari habang umiihi. O umupo sa batya ng malamig-lamig na tubig habang umiihi.
Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017