Hesperian Health Guides

Kabanata 23: Mga problema sa sistemang ihian

HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 23: Mga problema sa sistemang ihian

Sa kabanatang ito:

mga bahagi ng sistemang ihian ng babae

May 2 mga bato (kidneys). Gumagawa ito ng ihi sa pamamagitan ng paglinis ng dumi mula sa dugo.
Ang pantog (bladder) ay isang bag. Nauunat ito at lumalaki habang napupuno ng ihi, at lumiliit kapag umihi ka.
Kapag umihi ka, bumababa ang ihi sa pang-ibabang tubong ihian at lumalabas sa isang maliit na butas sa harap ng iyong puwerta.
May 2 pang-itaas na tubong ihian. Dinadala nito ang ihi mula sa mga bato papunta sa pantog.

Nilalarawan sa kabanatang ito ang pinakamadalas na mga problemang umaapekto sa sistemang ihian. Mahirap minsan pag-ibaibahin ang mga problemang ito. Kaya kung mukhang hindi pareho ang problema mo sa mga nailarawan dito, humingi ng tulong medikal. Baka kailangan mo ng ispesyal na mga test para malaman kung ano nga ang problema.

Kung matutukoy mo ang problema, maaaring malunasan ito sa bahay—laluna kung maagang sisimulan. Pero tandaan na nagsisimula ang ilang seryosong problema sa mga palatandaan na mukhang hindi gaanong masama. Maaaring biglaan na maging masakit at mapanganib ang mga problemang ito. Kaya kung hindi bumubuti ang pakiramdam mo sa loob ng 2–3 araw, humingi ng tulong medikal.


Huling binago ang pahinang ito: 05 Ene 2024