Hesperian Health Guides

Iba pang klase ng problema sa pagdurugo

Sa kabanatang ito:

PAGDURUGO HABANG NAGBUBUNTIS O PAGKATAPOS MANGANAK
Problema sa pagdurugo Maaaring dulot ng Ano’ng gagawin
Pagdurugo sa unang 3 buwan ng pagbubuntis; may pananakit na sigesige o dumadating at nawawala
WWHND10 Ch22 Page 362-1.png

pagbubuntis sa tubo (ectopic pregnancy)
AGAPAN! Pumunta agad sa ospital.
Pagdurugo sa huling 3 buwan ng pagbubuntis
WWHND10 Ch22 Page 362-2.png
nakakalas ang inunan mula sa dingding


tinatakpan ng inunan ang cervix o bukana ng matris
AGAPAN! Pumunta agad sa ospital.
Pagdurugo sa unang 6 na buwan ng pagbubuntis
WWHND10 Ch22 Page 362-3.png
maaaring nakunan (laluna kung may mala-pulikat na pananakit, tulad ng sakit sa panganganak)
Magbantay at maghintay. Kung lumakas ang pagdurugo, pumunta sa ospital.
Malakas na pagdurugo habang o pagkatapos lang manganak
WWHND10 Ch22 Page 362-4.png
may mga piraso ng inunan na naiwan sa matris



masyadong pagod na ang matris para umipit o umimpis
AGAPAN! Magpatingin sa komadrona o pumunta sa ospital kung malakas ang pagdurugo
Mahina at kulay rosas na pagdurugo sa unang 3 buwan ng pagbubuntis na walang pananakit maaaring normal ito, o puwede ring palatandaan ng maagang nakukunan Tingnan ang ‘pagdurugo sa maagang bahagi ng pagbubuntis’.
Spotting o mahinang pagdurugo sa halip na normal na buwanang pagregla
WWHND10 Ch22 Page 362-5.png
Kumakapit sa dingding ng matris (implantation) ang dinadala (fetus). Normal ito.
Tingnan ang kabanata sa ‘Pagbubuntis at Panganganak”.


PAGDURUGO MATAPOS MAGPALAGLAG O MAKUNAN
Problema sa pagdurugo Maaaring dulot ng Ano’ng gagawin
Malakas na pagdurugo; o pagdurugo na lampas na sa 15 araw; o pagdurugo na may pananakit o lagnat
WWHND10 Ch22 Page 363-1.png
maaaring nasa loob pa ng matris ang mga piraso ng binubuntis

impeksyon sa loob ng matris
Pumunta agad sa ospital o klinika.
Pagdurugo na parang normal na pagregla, pero tumatagal nang 5–15 araw, na papakaunti nang papakaunti
WWHND10 Ch22 Page 363-2.png
   normal ito
Tingnan ang ‘Ano’ng aasahan matapos magpalaglag’.


PAGDURUGO MATAPOS MAKIPAGTALIK
Problema sa pagdurugo Maaaring dulot ng Ano’ng gagawin
Pagdurugo habang o matapos makipagtalik
impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP)

pelvic inflammatory disease (PID)

puwersahang pagtatalik

tumutubo o kanser sa cervix o matris
Tingnan ang ‘tulo (gonorrhea) at chlamydia’.

Tingnan ang ‘PID’

Tingnan ang “Panggagahasa”.

Tingnan ang ‘kanser sa cervix’ at ‘mga problema sa matris’.


PAGDURUGO PAGKATAPOS MAG-MENOPAUSE
Problema sa pagdurugo Maaaring dulot ng Ano’ng gagawin
Pagdurugo na nagsimula 12 buwan o higit pa pagkaraan ng menopause
WWHND10 Ch22 Page 363-3.png


mga tumutubo o kanser sa cervix
Magpatingin sa isang health worker na marunong magpelvic exam.
Maaaring kailangan mong mag Pap smear test o D&C.
Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017