Hesperian Health Guides

Kabanata 19: Panggagahasa at sekswal na pag-atake

HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 19: Panggagahasa at sekswal na pag-atake

Sa kabanatang ito:

babaeng nagtatago sa pader ng kanyang mukha

Sekswal na karahasan ang panggagahasa. Hindi ito kasalanan ng kababaihan.

Katulad ng ibang uri ng karahasan, layunin ng nanggagahasa ang makaangkin ng kapangyarihan at kontrol sa kanyang biktima. Para sa dagdag na impormasyon, tingnan ang Bakit nananakit ng babae ang lalaki?

Ang panggagahasa at sekswal na pag-atake ay parehong nangangahulugan ng sekswal na kontak na hindi gusto ng babae. May panggagahasa kailanman ipasok ng lalaki ang kanyang titi, daliri o anumang bagay sa puwerta, puwit, o bibig ng babae na wala siyang pahintulot.

Minsan tinatawag ang panggagahasa na sekswal na ‘pag-atake’ (assault) dahil ito’y karahasan na ginagamit ang pagtatalik bilang sandata. Kasama sa sekswal na pag-atake ang panggagahasa at iba pang klase ng hindi gustong sekswal na atensyon.

Akala ng iba, nagiging panggagahasa lamang ang puwersahang pagtatalik kapag sinaktan ng lalaki ang babae, o iniwan siyang walang malay. Sa tingin nila, kailangang magtangkang tumakas ang babae at manganib na mapatay kaysa sa magahasa. Pero kahit na hindi manlaban ang babae, panggagahasa pa rin ito. Anuman ang mapagpasyahan niyang gawin, kung hindi niya ito pinili o ginusto, panggagahasa ito, at hindi kailanman kasalanan ng babae.


Huling binago ang pahinang ito: 05 Ene 2024