Hesperian Health Guides
Problemang pang kalusugan dulot ng panggagahasa
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 19: Panggagahasa at sekswal na pag-atake > Problemang pang kalusugan dulot ng panggagahasa
Mga nilalaman
Pagkabuntis
Puwedeng mapigilan ang pagbubuntis kung gagamit agad ng pangemerhensyang kontrasepsyon. Dapat gamitin ito sa pinakamaagang kakayanin, bago lumampas sa 5 araw pagkatapos magahasa.
Mga impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP)
Mas madaling naipapasa ang mga INP mula sa marahas na pagtatalik dahil madalas napupunit ang balat sa puwerta. Kung may INP ang nanggahasa, maaaring naipasa ito sa iyo. Dahil hindi malalaman kung may impeksyon siya, dapat gamutin ka para makaiwas sa pagkalat pa nito. Gumamit ng gamot para sa gonorrhea, syphilis at chlamydia, at magbantay ng palatandaan ng iba pang mga INP. Inumin ang gamot, anuman ang palagay mo sa pagkakahawa ng INP.
It is now possible in some places to get medicines to lower the risk of HIV infection after rape, but this has to be done within 72 hours.
Dapat mo ring sikapin na magpa-HIV test. Sa mga lugar na laganap ang HIV, mas maiging uminom ng gamot para maiwasan ang HIV sa loob ng 24–72 oras matapos magahasa. Kumonsulta sa isang health worker na may kasanayan sa ART para malaman kung anong mga gamot ang rekomendado sa inyong lugar. Kailangan inumin sa loob ng 28 araw ang mga ito.
Mga punit at hiwa
Minsan nagkakapunit at hiwa ang ari dahil sa panggagahasa. Madalas ay masakit ito, pero nawawala rin paglipas ng panahon. Kung maraming pagdurugo, baka kailangan pumunta sa isang health worker na marunong magtahi ng punit. Para sa maliliit na hiwa at punit:
Dagdag na impormasyon
mga sugat- Ibabad ang iyong ari 3 beses bawat araw sa maligamgam na tubig na galing sa pagpapakulo. Makakatulong ang dahon ng mansanilya sa tubig para guminhawa at maghilom ang punit. O lagyan ang punit ng dagta o katas mula sa isang aloe na halaman o sabila.
- Para mawala ang hapdi sa pag-ihi, magbuhos ng tubig sa ari habang umiihi. Kung iinom ng maraming likido, lalabnaw ang ihi at mababawasan ang hapdi.
- Magbantay ng mga palatandaan ng impeksyon: mainit, madilaw na nana mula sa punit, masamang amoy, at sakit na lumalala.
- Pagkatapos ng marahas na pagtatalik, karaniwan din sa babae na magkaroon ng impeksyon sa pantog o bato.
Sekswal na relasyon matapos magahasa
Puwede kang magkaroon muli ng normal na relasyong sekswal matapos magahasa. Kailangan hintayin mong hindi na masakit ang ari at naghilom na ang mga punit. Para sa maraming babae, nagpapaalala ng panggagahasa ang pagtatalik. Kung mangyayari ito, kausapin ang partner mo sa pangangailangang maghintay.
Minsan inaayawan ng partner ang babae matapos magahasa. Maaaring nakakadama siya ng kahihiyan, o kumikilos na parang galit sa babae. Lalong mahirap ito para sa babae na puno na ng iba’t ibang mabibigat na damdamin.
Pagpangibabaw sa mga nadarama sa panggagahasa
Maaaring mabagabag ka pa rin ng panggagahasa kahit matagal nang naghilom ang iyong katawan. Narito ang ilang pangkaraniwang reaksyon:
Baka matagal bago bumuti ang lagay mo, pero makakatulong sa paghilom ang pakikipag-usap sa taong may tiwala ka, o nakalampas na sa pagkagahasa.
Importante para sa isang babaeng nagahasa na may makausap o gumawa ng bagay para matulungan ang sarili na bumuti ang pakiramdam. Kailangang makahanap ang bawat babae ng sariling daan tungo sa paghilom. Para sa ibang babae, maaaring ito’y pagsasagawa ng isang ritwal. Para sa iba, maaaring pagsisikap na maparusahan ang nanggahasa, o pagkilos para mapigilan ang panggagahasa sa ibang babae. Anuman ang gagawin, maging mapagpasensya sa sarili, at hilingin sa iba na magpasensya rin.