Hesperian Health Guides
Kabanata 10: Pananatiling malusog
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 10: Pananatiling malusog
Dagdag na impormasyon
pagkain para sa mahusay na kalusuganTumutulong ang malulusog na komunidad na manatiling malusog ang kababaihan. Makakapangalaga ng kanilang pamilya ang malulusog na babae. Makakapaglingkod naman nang dagdag sa komunidad ang malulusog na pamilya.
Hindi palaging madali para sa babae na umiwas sa sakit. Kahit marami silang ginagawa para manatiling malusog ang pamilya at komunidad, maraming babae ang hirap maghanap ng oras, lakas at pera para asikasuhin ang sariling pangangailangan sa kalusugan. Dahil madalas tinuturuan ang babae na unahin ang iba, kaunti ang natitira nilang oras para sa sarili matapos asikasuhin ang pamilya. Malimit din na para sa mga bata at lalaki muna ang limitadong panggastos ng pamilya.
Pero sa katagalan, malaking hirap at hapit ang hindi daranasin kung maiiwasan ang mga problemang pangkalusugan bago pa ito magsimula, sa halip na gamutin kapag nariyan na. Hindi kailangan ng malaking panahon o pera ang ilan sa mga ito. Ang iba nama’y mangangailangan ng dagdag na panahon, pagsisikap at pera—kahit sa simula lang. Pero sa pag-iwas sa sakit, nabubuo ang kalusugan at lakas ng babae, pamilya niya at komunidad, kaya gaganda at luluwag ang buhay sa hinaharap.