Hesperian Health Guides
Pagkilos para sa pagbabago
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 9: Mga babaeng may kapansanan > Pagkilos para sa pagbabago
Pinakamahalaga sa lahat ang pagpapasya na kumilos nang sama-sama. Ikalawa lang ang halaga ng partikular na aktibidad na pipiliin ng grupo Magsimula sa kung ano ang nadadama na importante sa lahat, at mula doon kumilos.
Narito ang ilang mungkahi:
- Magsimula ng klase sa literasiya para sa mga babaeng hindi marunong magbasa o magsulat.
- Maghanap ng pondo para magsimula ng proyektong pagkakakitaan para masuportahan ninyo ang sarili. Maaaring mababang-interes na utang o donasyon ang pagmulan ng pondo.
- Puntahan ninyo bilang grupo ang lokal na gobyerno para hingin na:
Para may ideya kayo kung ano ang kaya ng isang grupong samasa - mang kumikilos, eto ang dulo ng liham ng kababaihan ng Ghana:
Ang pagiging miyembro ng Asosasyon ay nagbibigay sa amin ng bagong halaga, ng paraan na makibahagi sa makabuluhang gawain, at ng pagkakataong magorganisa para sa aming karapatan.
Natuto ang karamihan ng kasanayan tulad ng paghahabi, pananahi, paggawa ng kandila, pagkumpuni ng sapatos, paggawa ng basket at pagmakinilya. Ilan pa sa aming aktibidad ang:
- Pagpalahok sa mga babaeng may kapansanan sa mga aktibidad ng komunidad.
- Pagpulong sa mga guro at magulang para pumili ng mga materyal na positibo ang paglalarawan sa may kapansanan.
- Paghanap ng paraan para sa aming kabuhayan, para magkaroon ng mga kagamitan sa trabaho, pantulong na gamit sa may kapansanan, at mga wheelchair para sa mga miyembro.
Nagbubunga ng maraming bagong ideya ang pagkakaibigan at tiwala sa hanay ng mga babaeng may kapansanan. Mula sa amin at para sa amin ang Asosasyon, na nagpapasigla sa aming pagsisikap. Itinataas nito ang pagtingin sa lahat ng babaeng may kapansanan.
Tulad ng mga babae sa Ghana, baka makatulong sa iyo na magkaroon ng malaya at makabuluhang buhay ang samasamang pagkilos. Hindi kailangang matigil sa loob ng bahay kung hindi mo gusto. Abutin mo ang iyong pangarap, ito man ay trabaho, relasyon o pagiging ina!