Hesperian Health Guides

Apoy na panluto at usok

Sa kabanatang ito:

Gumugugol ang karamihan ng mga babae ng maraming oras bawat araw sa paghahanda ng pagkain. Dahil dito, nasa panganib sila sa mga problema sa kalusugan na dulot ng apoy na panluto at usok.

Apoy

Maaaring maging sanhi ng pagsabog, sunog at paso ang gaas at iba pang panggatong na likido at gas. Para sa mas ligtas na paggamit:

  • huwag hayaang dumikit sa balat mo o pumatak kahit saan ang panggatong. Kung mangyayari ito, hugasan agad para maalis.
  • ilayo sa kalan ang anumang bagay na nasusunog. Maiiwasan ang pagkalat ng apoy at paglaki ng pinsala. Ilagay sa ligtas na lugar na malayo sa lutuan ang imbak ng panggatong (at huwag gumamit ng posporo o sigarilyo malapit dito).
  • ilagay ang kalan sa lugar na libreng nakakagalaw ang hangin.
  • palaging mag-ingat sa pagsisindi ng kalan.

Usok

Nasa dagdag na panganib na magkasipon, ubo, pulmonya at impeksyon sa baga ang maliliit na batang madalas naglalaro malapit sa mausok na lutuan.

Kumpara sa kalalakihan, mas mataas ang panganib sa kababaihan dahil mas matagal sila sa mausok na hangin.

Madalas may problema sa kalusugan ang mga babaeng nagluluto gamit ang mausok na panggatong—tulad ng kahoy, uling, tuyong dumi ng hayop, o tira-tira ng pananim. Lalo pang marami ang problema kung sa loob ng bahay ginagamit dahil mabagal lumabas ang usok. At kung may halong kemikal ang panggatong—tulad ng pestisidyo o abono sa mga tira ng pananim—lalong mas nakakasama ang usok.

Ang paglanghap ng usok mula sa pagluluto ay maaaring magdulot ng sige-sigeng (chronic) pag-ubo, sipon, pulmonya, bronchitis, impeksyon sa baga at sakit sa baga. Maaari ding magdulot ng kanser sa baga, bibig at lalamunan ang usok mula sa coal (uling na bato).

Sa mga buntis na babae, maaaring magdulot ng pagkahilo, panghihina, pagkaduwal at pananakit ng ulo ang usok sa pagluluto. At dahil mas mababa ang kakayahan na lumaban sa impeksyon kapag buntis, mas malamang tablan siya ng mga problema sa baga na nasa taas. Dahil sa usok, puwede ring bumagal ang paglaki ng sanggol at maipanganak na mababa ang timbang o masyadong maaga.

Pag-iwas sa problema sa kalusugan mula sa usok
bahay na may bukas na pinto at bintana; sa bintana lumalabas ang usok mula sa panggatong

Para mabawasan ang mausok na hanging nalalanghap:

Magluto sa lugar na libreng nakakagalaw ang hangin. Kung hindi ka makapagluto sa labas, tiyakin na may 2 lagusan ng hangin o higit pa sa pinaglulutuang lugar. Magkakaroon ng bahagyang paghangin sa loob at mapapalabas ang usok.

Magsalit-salit sa pagluluto. Sa ganitong paraan, mas kaunting usok ang malalanghap ng bawat babae.

Maghanap ng paraan para mas mabilis maluto ang pagkain ((na lubos pa rin ang pagkaluto). Sa ganitong paraan, mas kaunting usok ang malalanghap at mas kaunti rin ang magagamit na panggatong. Eto ang ilang paraan para mas mabilis at mas lubos ang pagluto:

WWHND10 Ch26 Page395-1.png
protektahan mula sa hangin ang apoy. Gumawa ng nakakulob na tumpok ng bato, clay o yero para masentro ang init sa kaldero.
hayaang may takip ang kaldero.
putulin sa maliliit na piraso.
ibabad nang magdamag ang mga tuyong pagkain, tulad ng munggo.
itago mula sa ulan at hamog ang kahoy na panggatong.

Palatandaan ang usok na nasasayang ang panggatong dahil mula ito sa panggatong na hindi lubos na nasusunog. Makakatipid din ng pera ang pagtuklas ng pagluluto na kakaunti ang usok.



Gumamit ng kalan na mas kaunti ang usok. Ito ang pinakamahusay na paraan para maiwasan ang mga problema sa kalusugan na dulot ng usok mula sa pagluluto. Maaaring may kalan sa lugar ninyo na kakaunti ang ginagamit na gatong at nilalabas na usok, pero madali rin itong gawin gamit ang mga lokal na materyales. Tingnan ang susunod na pahina para sa direksyon.

Mas kaunti ang panggatong at usok ng kalan kapag mayroon itong:

  • harang (insulasyon) sa pagitan ng apoy at labas ng kalan. Magandang insulasyon ang mga materyal na maraming hangin na nakakulong sa loob—tulad ng abo, pumice (bato mula sa bulkan), patay na coral o aluminyo. Kinukulong nito ang init sa loob, imbes na lumabas sa gilid ng kalan. Dahil dito, nananatiling mainit ang pagsunog ng panggatong at nababawasan ang usok. Iwasan ang paggamit ng luwad (clay), mabigat na bato, buhangin, semento at laryo (brick) bilang insulasyon. Kakaunti ang hanging nakakulong sa loob ng mga materyales na ito.
  • labasan ng usok sa loob ng kalan na tumutulong sa paggalaw ng hangin sa apoy. Mababawasan din ang usok sa lugar ng lutuan kung may mahabang lagusan ng usok papalabas.
  • ‘palda’ (materyal sa paligid ng kaldero) para patalbugin pabalik sa kaldero ang init na lumalabas. Nakakakuha ngayon ang kaldero ng init mula sa lahat ng panig.
  • maliit na ‘kuwarto’ ng apoy sa kalan, kung saan puwedeng sunugin ang isang dulo ng panggatong habang nasa labas ang iba. Habang nasusunog ang nasa loob na dulo, itutulak papaloob ang panggatong.
Paano gumawa ng kalan at panluto na nagbabawas ng usok

Ang rocket na kalan
Isa itong halimbawa ng kalan na madaling gawin. Baka kailangang iangkop ito sa panggatong na ginagamit mo at sa mga materyal na naririyan sa inyong lugar.
Fil WWHND10 Ch26 Page 396-1.png
Kakailanganin mo ng:
  • isang malaking lata (5 galon), tulad ng sa mantika, toyo, pintura (linisin nang maige) o latang pakete ng mga medikal na gamit. Ito ang katawan ng kalan. Puwede ring gumamit ng hollow blocks o laryo, pero mas maige ang malaking lata dahil manipis ito at hindi masyadong humihigop ng init.
WWHND10 Ch26 Page 396-3.png WWHND10 Ch26 Page 396-4.png WWHND10 Ch26 Page 396-2.png
  • isang metal na tubo, 4 na pulgada ang luwang at may 90 degrees na liko (may elbow). Mula sa elbow, dapat mas maikli ang isang dulo kaysa sa kabila. Kailangan din ng isang tubong tuwid na idudugtong sa maikling dulo ng elbow. Gagamitin ang mga tubong ito bilang sunugan at lagusan ng usok ng kalan. (Sa halip na tubo, puwedeng gumamit ng mga 4 o 5 de-lata na tinanggalan ng takip sa magkabilang dulo.)
  • insulasyon tulad ng abo, pumice, patay na coral o aluminum foil.
WWHND10 Ch26 Page 396-5.png WWHND10 Ch26 Page 396-6.png
  • panggupit ng metal at abrilata
  • malapad na metal para sa ‘palda’ sa palibot ng kaldero.
  • parilya o makapal na rehas para patungan ng kaldero sa tuktok ng kalan.
Paano gawin ang kalan:
WWHND10 Ch26 Page 396-7.png
  1. Gamit ang gunting o abrilata, tanggalin ang takip sa isang dulo ng malaking lata. Gumupit ng butas, 4 na pulgada ang luwang sa gitna ng takip, para sa tubong lagusan ng usok. Gumipit ng isa pang butas, 4 na pulgada ang luwang, mga 1 pulgada mula sa ilalim ng lata. Dito dadaan ang tubong sunugan. Dapat lapat sa mga tubo ang gugupiting butas.
  2. WWHND10 Ch26 Page 396-9.png Fil WWHND10 Ch26 Page 396-8.png WWHND10 Ch26 Page 396-10.png
  3. Ilagay ang nakabaluktot na tubo sa loob ng lata. Ipasok sa butas sa baba ang mahabang dulo ng tubo, na may kaunting nakausli sa dulo. Sa nakausling dulo, gumawa ng 2 magkahanay na gupit, 1/2 pulgada ang pagitan. Baluktutin ito papunta sa katawan ng lata—pangsangga ito para hindi pumasok sa lata ang tubo. Ito ang bahagi ng tubo na magiging sunugan ng panggatong. Magdugtong ng diretsong tubo sa maikling dulo ng nakabaluktot na tubo. Ito ang magiging lagusan ng usok. Tantyahin ang haba para umusli ng mga 1 pulgada mula sa takip ng lata. Gupitan ang dulo ng tubo na nakausli para makagawa rin ng pangsangga.

    Tandaan: Ang tubong lagusan ng usok na gawa sa lata ay tatagal lang ng 1–3 buwan, pagkatapos ay kailangan nang palitan. Para tumagal, gumawa ng lagusan na gawa sa magkahalong 3 bahaging buhangin sa 2 bahaging luwad. Ihugis ang halong ito sa paligid ng latang lagusan. Kapag naupos na ang lata, matitira ang lagusan na gawa sa halong ito, na suportado ng insulasyon (tingnan ang susunod na pahina) na nakasiksik sa paligid.
  4. Punuin ng insulasyon, tulad ng abo, ang loob ng kalan sa paligid ng lagusan ng usok.
  5. Fil WWHND10 Ch26 Page 397-1-new.png
    takip ng lata
  6. Ibalik ang takip ng lata. Ipatong sa insulasyon at ipalibot sa tubong lagusan ng usok.
  7. Gumawa ng patungan sa loob ng tubong sunugan. Tanggalin ang magkabilang takip ng de-lata at pisain. Pagkatapos ay gupitin sa hugis T na kakasya sa loob ng tubo. Ang tuktok ng T ay nakausli sa labas at pipigil sa patungan na pumasok. Maglagay ng bato o bloke sa labas na bahagi ng patungan para masuportahan ang mga kahoy habang nasusunog.
  8. Kung kinakailangang magluto sa loob, ilagay ang kalan malapit sa pader na may bukasan. Makakagapang ang usok sa pader at lalabas
    ng bahay
    Fil WWHND10 Ch26 Page 397-2.png
    WWHND10 Ch26 Page 397-3.png
  9. Gamitin ang parilya o rehas para patungan ng kaldero sa taas ng kalan.
  10. Gumawa ng ‘palda’ gamit ang malapad na metal. Dapat palibutan nito ang kaldero, na may ¼ pulgadang agwat sa palda at gilid ng kaldero sa baba. Para sa mas mahusay pang palda, gumawa ng 2 nito na may insulasyong nakapalaman sa pagitan.
Ang panlutong gawa sa karton ng dayami

WWHND12 Ch 26 Page 397-4.png

Ilayo ito sa anumang apoy.

Para higit pang makatipid sa panggatong, gumamit ng kahon ng dayami na panluto (haybox cooker) para panatilihing mainit ang pagkain o magpa-inin matapos pakuluin sa kalan. Mababawasan nito ang panggatong nang higit sa kalahati kapag nagluluto ng beans, karne, kanin o butil. Mababawasan ng ⅓ ang tubig na pansaing ng bigas at butil dahil mas kakaunting tubig ang sisingaw.

Ganito ang paggawa: kumuha ng karton na kahon at sapinan ang loob ng mga 4 na pulgada ng dayami (o straw, pinaglagarian, lumang damit, balahibo, ipa, bulak, lana, styrofoam o corrugated na karton). Mag-iwan ng lugar para sa kaldero at dagdag na insulasyon sa taas ng kaldero. Dapat lapat na lapat ang takip ng kahon.

Kapag ginagamit ang haybox cooker, tandaan:

  • mas matagal ng 1½ – 3 beses ang pagluto dito kaysa sa apoy.
  • dapat pakuluan nang banayad sa kalan nang 15–20 minuto ang beans at karne bago ipasok sa kahon. Maaaring kailangang initin ito muli makalipas ang 2–4 na oras.
  • panatilihing nakasara ang kaldero at pakuluan muli ang karne bago kainin. Pinipigilan nitong maimpeksyon ng bacteria ang pagkain.


Para sa dagdag na impormasyon sa mga kalan at disenyo ng kalan, kasama na ang solar na kalan (galing sa araw ang pang-init), kontakin ang Aprovecho Research Center.



Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017