Hesperian Health Guides

Hindi ligtas na kalagayan sa paggawa

Sa kabanatang ito:

Maraming mga pabrika ang may hindi ligtas na kalagayan sa pagtatrabaho, tulad ng:

  • sarado at nakakandadong mga pinto at bintana, kaya imposibleng makalabas ang mga manggagawa kung may emerhensya at hindi libreng makadaloy ang hangin
  • pagkalantad sa mga lason, tulad ng kemikal at radiation, na walang pamprotektang hadlang o kasuotan.
  • hindi ligtas na kagamitan.
  • panganib sa sunog, tulad ng maluwag o sirang kawad ng kuryente, o mga kemikal o singaw na madaling mag-apoy.
  • walang ligtas na tubig; walang kubeta; walang break para makapagpahinga
babaeng nagpapahinga nang sandali mula sa pananahi para uminom ng tubig Kung mainit sa iyong pinagtatrabahuhan, uminom ng maraming likido at kumain ng maalat na pagkain—lalo na kung buntis ka. Mas malamang tamaan ng heatstroke ang babae kaysa sa lalaki.


babaeng may proteksyong guwantes at salamin, nakapusod ang buhok habang nagpapatakbo ng isang makina

Marami sa mga kondisyong ito ang hindi mababago kung hindi magkakaisa ang mga manggagawa at magdedemanda ng pagbabago. Pero eto ang ilang mga bagay na magagawa mong mag-isa para maiwasan ang mga problema:

  • Sa pagsisimula ng bagong gawain, magpaturo kung paano ligtas na gamitin ang lahat ng mga kagamitan at kemikal. Palaging humingi ng payo mula sa mga babaeng may karanasan na sa parehong kagamitan o kemikal.
  • Hangga’t maaari, gumamit ng kasuotang pamproteksyon—tulad ng helmet, maskara, guwantes o pantakip ng tainga para sa malalakas na ingay. Kapag nagtatrabaho sa makinarya, iwasang magsuot ng maluwag na damit. Ipumpon ang mahabang buhok at takpan.


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017