Hesperian Health Guides
Migrasyon
Tandaan na nangungulila ang lahat sa simula. Natural lamang ito. |
Madalas lumilipat ang mga babae mula kanayunan tungo sa mga lunsod kung saan may mga malaking pabrika na nag-aalok ng trabaho, o kung saan puwedeng pumasok na katulong sa bahay. Desisyon ng ibang babae ang lumipat, pero ang iba’y napipilitan lang dahil walang pagkain o trabaho sa tinitirhan, o dahil mas malaking pera ang inaalok ng mga pabrika. Madalas ang perang kinikita ng kababaihan ay napakahalagang pangsuporta sa pamilyang naiwan.
Kapag nangibang-bayan ang mga babae, maaaring unang pagkakataon nila ito na mapag-isa. Posibleng lubhang nakakatakot ito dahil malayo sila sa mga kapamilya at kaibigan na nagbibigay ng suporta.ne for the first time. This can be very frightening because they are away from the family and friends who gave them support.
Narito ang ilang mga bagay na magagawa mo para mas maging panatag at komportable sa iyong bagong tahanan:
Iwasan ang mapanganib na mga sitwasyon tulad ng paglalakad nang mag-isa sa gabi. |
- Makipagkaibigan sa ibang mga babaeng katrabaho mo. Maaaring sila ang pagmulan ng suporta sa bagong sitwasyon mo.
- Maghanap ng ligtas na lugar na matitirahan. Maraming kompanya ang may sariling pinapagamit na tirahan. Ang ilan ay ligtas, pero marami ang hindi. Minsan masama ang kondisyon ng mga lugar na ito habang sobrang taas ang sinisingil na upa. Maaaring pagsamantalahan din ng kompanya ang mga babae dahil wala silang kontrol sa tirahan.
Minsan paghahanap para sa sarili ang tanging paraan na makakita ng ligtas na tirahan. Narito ang halimbawa ng isang grupo ng kababaihan na nag-organisa para sa ligtas na tirahan:
May mga babaeng gumagawa ng damit sa mga pagawaan sa Dhaka, Bangladesh na nabuwisit na sa kondisyon ng tirahan nila na masama para sa kanilang katauhan at kalusugan. Madalas silang mabiktima ng sekswal na harassment at abuso doon. Sa tulong ng isang babaeng may karanasan sa pamamahala, nagtayo sila ng dalawang paupahang tirahan na puro babae ang staff. Ngayon nagbabayad ang mga manggagawa ng bahagi ng sahod nila sa paupahan, at kapalit ay meron silang pagkain, lutuan, kumot, damit at iba pang serbisyo. Ligtas ang mga manggagawa, malapit sa trabaho, at mas nakakatipid ng kanilang sahod. —Bangladesh