Hesperian Health Guides
Mga trabahong kamay
Maraming tipo ng handicrafts ang ginagawa sa bahay kung saan mag-isa lang na nagtatrabaho ang babae. Kaya mas malamang na hindi malaman ng babae ang mga karaniwang problema sa kalusugan mula sa pagtatrabaho at kung paano iiwasan ang mga ito.
Karaniwang problema sa kalusugan mula sa mga trabahong kamay | ||||
---|---|---|---|---|
Trabaho o kasanayan | –––––––> | Problema | –––––––> | Ano ang gagawin |
Paggawa ng palayok | Sakit sa baga tulad ng nakukuha ng mga minero (fibrosis, silicosis) | Buksan ang mga bintana’t pinto para mas mahusay dumaloy ang hangin. Kung may kuryente, gumamit ng bentilador para hipan palabas ang hangin. Magsuot ng maskarang pamproteksyon para masala ang alikabok. | ||
Pagpintura ng palayok | Pagkalason sa tingga | Tingnan ang ‘Pagkalason mula sa tingga’. | ||
Pananahi, pagburda, paggantsilyo, paggawa ng lace, paghabi | Sobrang pagod ng mata (eye strain); pananakit ng ulo, ibabang bahagi ng likod, leeg, at kasukasuan | Kung kaya, gawing mas maliwanag pa sa lugar ng trabaho at magpahinga nang madalas. Tingnan ang ‘Pag-upo o Pagtayo nang Napakatagal’ at ‘Paulit-ulit na Parehong Kilos’. | ||
Trabahong may lana at bulak (cotton) | Hika at problema sa baga mula sa alikabok at himulmol | Dagdagan ang pagdaloy ng hangin (tingnan sa taas) at magsuot ng maskara na sasala sa mga himulmol. | ||
Paggamit ng pintura at tina | Tingnan ang ‘Mga Trabahong may Kemikal’ | Tingnan ang impormasyon tungkol sa pag-iwas sa ‘Mga Trabahong may Kemikal’. | ||
Paggawa ng sabon | Iritasyon at sunog sa balat | Gumamit ng guwantes na pamproteksyon at iwasan ang pagdikit sa sosa (lye). |
Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017