Hesperian Health Guides
Mga limot na manggagawa
Maraming babae ang kumikita sa gawain na hindi tinuturing na pormal na trabaho, tulad ng pagtitinda sa palengke, paggawa ng handicraft at paninilbihan na katulong. Kakaunti ang proteksyon ng mga trabahong ito, kaya nasa panganib ang mga babae na mapagsamantalahan at maabuso.
Katulong sa bahay
Hinaharap ng katulong sa bahay ang marami sa parehong problema na nailarawan na sa kabanatang ito. Dahil nagtatrabaho siya sa bahay ng ibang tao, kakaunti ang kanyang mga karapatan at proteksyon. Hinaharap niya ang:
- pagkaubos ng lakas at masamang nutrisyon dahil sa napakahabang oras ng trabaho at mababang sahod. Kahit pinagluluto niya ang amo, madalas ay kakaunti ang pinapakain sa kanya.
- sige-sigeng takot na mawalan ng trabaho at pagdudahan ng amo. Maaaring mawalan siya ng trabaho kung mabuntis siya. Ang mga takot na ito at ang pagkakahiwalay sa pamilya ay maaaring magdulot ng problema sa kalusugan ng pag-iisip.
- sekswal na panggigipit, lalo na kung nakatira siya sa bahay ng amo. Dahil may kapangyarihan ang lalaking amo sa pananatili ng kanyang trabaho, maaaring mapuwersa siyang makipagtalik.
- masakit na buto at problema sa kasukasuan at kalamnan sanhi ng matagal na pagtatrabaho na nakaluhod.
Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017