Hesperian Health Guides

Kabanata 28: Alkohol at iba pang mga droga

HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 28: Alkohol at iba pang mga droga

Sa kabanatang ito:

grupo ng mga kabataang umiinom ng alak at naninigarilyo

Maraming tao ang hindi nakakaalam na ang alkohol at sigarilyo o tabako ay nakasasamang mga droga.

Maraming klaseng mga droga ang ginagamit sa pang-araw-araw na buhay. Sa ilang mga lugar, may sagradong papel sa tradisyon ang mga droga o lokal na inumin. Sa ibang mga lugar, karaniwang kasama sa pagkain ang mga inuming may alkohol tulad ng alak o beer. Madalas bahagi ng mga kasiyahan o pagtitipon ang mga droga at alkohol. At ang ibang droga ay ginagamit din na medisina.

Ilan sa mga droga na madalas gamitin sa nakasasamang paraan ang:

  • alkohol: mga inumin tulad ng beer, alak, tuba, basi, lambanog.
WWHND10 Ch28 Page 435-2.png
  • cocaine, heroin, opium, methamphetamine.
WWHND10 Ch28 Page 435-3.png
  • ikmo, bunga, dahon ng tabako.
WWHND10 Ch28 Page 435-5.png
WWHND10 Ch28 Page 435-4.png
  • marijuana at hashish
WWHND10 Ch28 Page 435-6.png
  • pildoras na pampabawas ng timbang o para manatiling gising.
WWHND10 Ch28 Page 435-7.png
  • mga gamot, laluna para sa matinding pananakit, o pampatulog o pangrelaks.
  • glue, gasolina, at mga pantunaw o solvents
WWHND10 Ch28 Page 435-8.png


Sa kabanatang ito, tinalakay namin ang mga problema sa kalusugan na maidudulot ng mga drogang ito, ang epekto sa kababaihan, at mga paraan sa paghinto ng paggamit ng mga droga, laluna ng alkohol at sigarilyo o tabako, ang pinakamadalas abusohing droga sa maraming mga komunidad.

Huling binago ang pahinang ito: 05 Ene 2024