Hesperian Health Guides
Pamumuhay kasama ang taong may problema sa paglalasing o pag-aabuso ng droga
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 28: Alkohol at iba pang mga droga > Pamumuhay kasama ang taong may problema sa paglalasing o pag-aabuso ng droga
Sa kabanatang ito:

Delikadong magka-HIV at hepatitis ang mga babaeng may partner na nag-iiniksyon ng droga.
- huwag sisihin ang sarili. Hindi palaging posible na matulungan ang isang taong walang kontrol sa paggamit ng droga o alkohol.
- sikapin na huwag umasa sa opinyon sa iyo ng taong iyon para gumanda ang pakiramdam mo sa sarili.
- sikaping makakita ng grupong damayan para sa iyo at sa pamilya mo. Minsan ito lang ang paraan para makaangkop sa problema.
Paano tulungan ang taong may problema sa pag-inom o pagdodroga:
- Tulungan siyang umamin na may problema siya. Maaaring ito lang ang kailangan para bawasan o ihinto niya, maliban kung sugapa na siya.
- Kausapin tungkol sa paghinto kapag hindi siya lasing o naka-droga.
- Sikapin na huwag siyang sisihin.
- Tulungan siyang iwasan ang mga sitwasyon na matutulak siyang uminom o magdroga. Nangangahulugan ito ng paglayo sa mga taong may parehong problema, kahit kaibigan pa niya.
- Tulungan siyang maghanap ng ibang paraan para umangkop sa mga problema sa buhay at magkaroon ng mas magandang kalusugan ng pag-iisip.
- Tulungan siyang gumawa ng plano sa paghinto at sundin ang planong iyon.

Natuklasan kong napapatipon ko ang mga tao... Ang ibang tao sa paligid ko ang tumulak sa akin na umabanse. Hindi ko iniisip na ako’y isang lider, pero hayun ako, natitipon ang mga tao at napapasalita tungkol dito.
Sinasalaysay ni Bonnie, mula sa USA, ang pakikibaka niya sa pag-inom ng kanyang asawa. Ngayo’y nagtatrabaho siya sa Al Anon.
Ang Al Anon ay isang organisasyon na katulad ng AA, na nagbibigay ng suporta at tulong sa mga kapamilya ng mga sugapa sa alkohol.
Dagdag na impormasyon
Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017