Hesperian Health Guides
Paghingi ng tulong mula sa nakatatanda
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 5: Usaping pangkalusugan ng mga batang babae > Paghingi ng tulong mula sa nakatatanda
Puwede kang mahalin ng iyong pamilya na hindi umaayon sa lahat ng sinasabi mo. Maaring galit sila dahil may malasakit sa iyo—hindi dahil ayaw ka nila. Subukan mong makipag-usap sa kanila nang may respeto at tulungan silang mas maintindihan ka.
Pagtulong ng mga nanay sa kanilang anak na babae
Baka lumaki ka sa panahong hindi pinapayagan ang mga babae na makapag-aral, magplano ng pamilya o magdesisyon para sa sariling buhay. Puwedeng mabago ang takbo ng buhay para sa iyong anak na babae. Kung pakikinggan mo siya, magbabahagi ng karanasan mo, at bibigyan ng magagamit na impormasyon, matutulungan mo siyang gumawa ng mabuting desisyon para sa sarili. Matutulungan mo siyang makita ang mga kagandahan sa pagiging babae.