Hesperian Health Guides
Kabanata 5: Usaping pangkalusugan ng mga batang babae
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 5: Usaping pangkalusugan ng mga batang babae
Sa pagitan ng edad 10 at 15, nagsisimulang lumaki at magbago ang katawan ng batang babae tungo sa katawan ng dalaga o nakatatanda. Puwede itong maging panahon ng tuwa at hirap. Nakakalito sa nagdadalaga kung bata pa siya o nasa tamang edad na—nasa bandang gitna ang katawan niya at may ginagawang mga bagay na hindi siya sanay. Dagdag na pabigat kung hindi ito pinag-uusapan, at baka hindi alam ng babae kung ano ang mangyayari. Nilalarawan sa kabanatang ito ang mga pagbabago, nagtuturo kung paano manatiling malusog ang bata babae habang lumalaki, at nagbibigay ng impormasyon para tulungan siyang gumawa ng tamang desisyon para sa malusog na buhay.