Hesperian Health Guides
Pinilit o pinuwersa na pagtatalik
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 5: Usaping pangkalusugan ng mga batang babae > Pinilit o pinuwersa na pagtatalik
Mga nilalaman
Napilitang makipagseks sa boyfriend (âdate rapeâ)
Kung may pumilit sa iyo na makipagseks na labag sa iyong kagustuhan, ito ay panggagahasa o rape. |
Sa lahat ng dako ng mundo, nangyayari ang pagpuwersa sa babae na makipagseks kahit hindi niya gusto. Madalas nagagawa ito ng mga boyfriend na mahal daw sila. Sa ibang lugar, tinatawag itong âdate rapeâ. Hindi lang pisikal ang pagpuwersa. Puwede ka ring makadama ng pamimilit sa salita o emosyon. Puwede siyang âmagmakaawaâ o laruin ang damdamin mo para maguilty ka o mahiya kung ayaw mong makipagseks. Mali pa rin ito. Walang dapat mabuyo o mapilitang makipagseks na labag sa kanyang kagustuhan.
Pag-iwas:
- Kung nais niyang makipagseks pero ayaw mo, puwedeng sabihing natutuwa ka na may gusto siya, pero hindi ka pa handa. Kung takot ka na kasama siya nang magisa, magpasama ka sa iba, o hilingin sa ibang tao na kausapin siya.
- Sumigaw ng âHUWAGâ nang malakas kung pinipilit kang makipagseks. Ituluy-tuloy ang pagsabi ng âHUWAGâ kung kailangan. Ipakita rin sa galaw ng katawan mo na ayaw mo. Kung nagsasabi ka ng âHUWAGâ pero bumibigay naman ang katawan mo, iisipin niya na âooâ ang ibig mong sabihin.
- Lumayo kung hahawakan ka sa paraang ayaw mo. Nag-aalerto ang pakiramdam mo na baka may masamang mangyayari. Gumawa ng pag-iingay at humanda sa pagtakbo kung kinakailangan.
- Huwag gumamit ng inuming nakakalasing o droga. Pinapahina nito ang kakayanan mong magpasya at kontrolin ang mangyayari sa iyo.
Dagdag na impormasyon
panggagahasa o rape- Mamasyal na isang grupo o barkada. Sa maraming lugar, grupo kung mag-date ang mga kabataan. Makikilala mo pa rin ang lalaki, pero mas maliit ang panganib na mapilit kang makipagseks dahil may iba kayong kasama.
- Pumunta lang sa mga ligtas na lugar na may ibang taong nakakakita sa inyo.
- Magplano. Pagpasyahan ka mga hawak at hipo. Huwag kang magpadala sa damdamin at magpaanod lang sa mga pangyayari.
Kung may kapamilya ka na magtankang makipagseks sa iyo (incest)
Hindi kailanman tama na may hihipo sa iyo kung ayaw mong magpahipo. Ang mga kapamilya moâtulad ng pinsan, tiyo, kapatid, o tatayâay hindi dapat humipo sa iyong ari o anumang bahagi ng katawan sa paraang sekswal. Kung mangyari ito, kailangan mong humanap ng tulong. Kahit na sabihin ng lalaki na sasaktan ka niya, kailangan mong ipaalam agad ito sa isang nakatatandang tao na may tiwala ka. Minsan pinakamahusay na magsabi sa taong hindi kapamilya tulad ng babaeng guro o lider ng simbahan sa inyong komunidad.
Batang babae at matatandang lalaki
Nagkakagusto sa matatandang lalaki ang ilang kabataang babae. Baka parang nakakakilig ang pagsama sa nakatatandang lalaki, laluna kung may pangalan o importante siya sa inyong komunidad, o kung mapera siya at nakakabili ng mga regalo. Sa ibang lugar, âSugar Daddyâ ang tawag sa lalaking ito. Sa kalaunan, madalas nadadama ng batang babaeng may âSugar Daddyâ na ginamit lang siya para sa seks, o masama ang naging trato sa kanya, laluna kung may asawa o may iba pang babae ang lalaki.
Minsan, mas kayang mambuyo o mamilit makipagseks ang nakatatandang lalaki kaysa mga kasing-edad na lalaki, laluna kung may kapangyarihan siya sa babae.
Pagbenta ng babae kapalit ng pera o iba pang pangangailangan
Minsan binibigay ng mahirap na pamilya ang babaeng anak sa mas matandang lalaki para pambayad sa utang ng pamilya. O ipinagpapalit siya sa pera o anumang pangangailangan ng pamilya.
Meron ding mga babaeng nadadala sa ibang bayan o syudad, sa pag-aakalang magtatrabaho sa pabrika o bilang katulong. Pero pagdating doon, pinupuwersa silang magbenta ng seks.
Dagdag na impormasyon
mga babae sa prostitusyonKung sa palagay mo ay mangyayari ito sa iyo o sa ibang babae sa komunidad mo, subukang humingi ng tulong mula sa ibang nakatatanda. Baka makatulong ang iyong tiya o tiyo, o babaeng guro.
Kung nabuntis ka na hindi sinasadya
Posibleng buntis ka kung nakipagtalik ka at delay o huli ang regla mo, masakit ang iyong suso, madalas kang naiihi o para kang nasusuka. Magpatingin sa isang health worker o komadrona sa pinakamadaling panahon para matiyak kung buntis ka nga.
Makipag-usap sa mas nakatatanda na may tiwala ka. Napakahalaga ng buhay mo para itapon sa pakikipagsapalaran. |
Maraming kabataang babae ang nabubuntis kahit ayaw nila. Nakakakuha ang iba sa kanila ng kailangang suporta mula sa pamilya at kamag-anak. Para sa iba, hindi ito madali.
Kung pakiramdam mo ay nagigipit ka ng pagbubuntis na hindi mo sinadya, at gusto mong tapusin ito, mag-ingat nang mabuti sa iyong pagpapasya. Sa lahat ng dako ng mundo, namamatay ang mga babae sa pagtatangkang tapusin ang pagbubuntis nila sa mga paraang mapanganib. May mga ligtas na paraan sa pagtatapos ng pagbubuntis.