Hesperian Health Guides
Kabanata 4: Pagkilala sa ating katawan
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 4: Pagkilala sa ating katawan
Tungkol sa mga parte ng katawan na bumubuo sa sistemang sekswal at reproduktibo
ng babae o lalaki ang kabanatang ito. Makakatulong ang impormasyong ito para magamit mo ang susunod na bahagi ng libro.
buto ng balakang |
Masasalat mo ang buto ng iyong balakang sa ilalim ng baywang. Bahagi ito ng pelvis. Ang pelvic area o dakong balakang ay ang lahat ng nasa pagitan ng magkabilang buto ng balakang. Narito ang mga parteng reproduktibo ng babae. |
Sa maraming bagay, di-naiiba ang katawan ng babae sa katawan ng lalaki. Halimbawa, parehong may puso, bato, baga, at iba pang mga parte na magkatulad ang mga babae at lalaki. Pero may isang bagay na talagang magkaiba sila—sa mga parteng sekswal o reproduktibo. Ito ang mga parte na kailangan ng lalaki at babae sa paggawa ng sanggol. Maraming problema ng babae sa kalusugan na ito ang apektado.
Hindi dapat mahiya sa anumang bahagi ng iyong katawan.
Mahirap ngang pag-usapan ang tungkol sa mga bahaging sekswal ng katawan, laluna kung mahiyain ka, o hindi mo alam ang tawag sa iba’t ibang bahagi. Sa maraming lugar, tinuturing na ‘pribado’ ang mga parteng reproduktibo ng katawan.
Pero kung uunawain ang paggana ng katawan, mas mapapangalagaan natin ito. Makikilala natin ang mga problema at sanhi nito, at makakagawa tayo ng mas mahusay na desisyon kung ano ang gagawin. Mas marami tayong alam, mas kaya nating timbangin kung makakatulong o makakasama ang payo ng iba.
Dahil may sariling tawag sa bahagi ng katawan sa iba’t ibang lugar, pangalang medikal o siyentipiko ang madalas ginagamit sa librong ito. Sa paraang ito, maiintindihan ng kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang mga salitang ginamit.