Hesperian Health Guides
Paano nagbabago ang katawan ng babae
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 4: Pagkilala sa ating katawan > Paano nagbabago ang katawan ng babae
Sa pagtakbo ng buhay, dumadaan ang katawan ng babae sa maraming mahalagang pagbabago—sa pagdadalaga, kapag buntis at nagpapasuso, at sa paghinto ng kakayahang manganak puberty, (menopause).
Dagdag pa, sa panahong kaya niyang manganak, nagbabago ang katawan niya buwan-buwan—bago, habang at pagkatapos ng regla. Nagaganap ang marami sa mga pagbabagong ito sa puwerta, matris, obaryo, fallopian tubes at suso, na tinatawag ding sistemang reproduktibo. Mga ispesyal na kemikal o hormones ang nagdudulot ng marami sa mga pagbabagong ito.