Hesperian Health Guides

Pagtatapos ng pagregla (menopause)

Sa kabanatang ito:

Isa sa pangunahing palatandaan ng pagtanda ng babae ay ang pagtatapos ng pagregla. Maaaring biglaan ito, o unti-unting huminto sa loob ng 1–2 taon. Sa karamihan ng kababaihan, nangyayari ito sa pagitan ng edad 45 at 55.

Palatandaan:
  • Nagbabago ang pagregla mo. Puwedeng huminto lang ito, o panandaliang magregla ka nang mas madalas. Puwede ring huminto ka sa pagregla nang ilang buwan at pagkatapos ay magregla uli.
  • Maaaring may mga panahon na bigla kang makadama ng bugso ng sobrang init o pamamawis (“hot flashes”). Puwedeng gisingin ka nito sa gabi.
  • Nababawasan ang pamamasa at lumiliit ang iyong puwerta.
  • Madaling magbago ang damdamin mo.

Nangyayari ang mga ito dahil humihinto na sa paglabas ng itlog ang mga obaryo ng babae, at mas kaunti na ang ginagawang hormone na hormone na estrogen at progesterone ng kanyang katawan. Mawawala rin ang mga palatandaang ito habang nasasanay sa mas kaunting estrogen ang katawan.

Minsan nakasalalay ang pakiramdam ng babae sa menopause sa kung paano siya naapektuhan ng mga pagbabago sa kanyang katawan. Nakasalalay rin ito sa paniniwala at pagtrato ng kanyang komunidad sa matatandang babae. Puwedeng matuwa dahil hindi na magkakaregla. Pero puwede ring malungkot dahil hindi na magkakaanak.

Ano ang gagawin kung nagmemenopause

naglalakad ang may katandaang babae Normal na bahagi ng buhay ang menopause. Bubuti ang pakiramdam ng karamihan ng babae kung susundin ang ilang mungkahi sa susunod na pahina..

Totoong minsan ay masama ang pakiramdam ng babaeng nagme-menopause, pero mapapabuti ito ng karamihan kung magbabago ng mga gawi at kinakain

Noon, nirerekomenda pa ng mga doktor ang paggamit ng gamot na may estrogen at progesterone para maibsan ang pinakamatinding mga sintoma ng menopause. “Hormone Replacement Therapy” (HRT) ang tawag dito. Kaya lang, alam na ngayon na pinapataas ng HRT ang risgo na magkaroon ng kanser sa suso, sakit sa puso, pamumuo ng dugo at stroke. Kaya mas mabuting iwasan ang paggamit ng HRT.

Kung masama ang pakiramdam mo dahil sa menopause, subukan ang sumusunod:

  • Magsuot ng damit na madali mong matanggal kung magsimula kang mamawis.
babaeng nagtatanggal ng damit na panlamig
plato ng mainit na pagkain, tasang sumisingaw sa init, at dalawang sili na may drawing na malaking X sa ibabaw
  • Iwasan ang maanghang na pagkain o inumin. Puwede itong magdulot ng “hot flashes.”
takuri ng mainit na kape at tsaa, at dalawang tasa na may malaking X na nakadrawing sa ibabaw
  • Huwag masyadong magiinom ng kape o tsaa. Mayroon itong caffeine, na puwedeng magpa-nerbiyos sa iyo at pahirapan ka sa pagtulog.
naglalakad ang may katandaang babae
  • Regular na mag-ehersisyo.
botelya ng beer at alak, at baso ng alak na may malaking X na nakadrawing sa ibabaw
  • Kung gumagamit ka ng mga inuming nakalalasing, kauntian mo lang ang pag-inom. Maari nitong palalain ang pagdurugo at hot flashes.
babaeng umaayaw sa inaalok na sigarilyo
  • Tumigil sa paninigarilyo o pagngata ng tabako. Puwede itong magdulot ng di-karaniwang pagdurugo at palalain ang problema sa pagrup.
  • Ipaliwanag sa iyong pamilya na maaaring mabilis na magbagu-bago ang iyong damdamin. Maaaring makatulong kung makipag-usap ka sa ibang babae na dumadaan sa menopause.
  • Magtanong tungkol sa paggamit ng mga tradisyunal na remedyo sa inyong komunidad. Madalas may alam na mga pamamaraan ang mga babaeng nag-menopause na para guminhawa ang pakiramdam.
Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017