Hesperian Health Guides
Kabanata 27: Kalusugan ng pag-iisip
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 27: Kalusugan ng pag-iisip
Kasinghalaga ng malusog na pangangatawan ang malusog na pag-iisip.
Tulad ng katawan ng babae na maaaring maging malusog o hindi malusog, ganoon din ang pag-iisip at kalooban niya. Kapag malusog ang pag-iisip at kalooban, may emosyonal na lakas siya para masagot ang mga pisikal na pangangailangan niya at ng kanyang pamilya, matukoy ang sariling mga problema at subukang lutasin ang mga ito, magplano para sa hinaharap, at makapagbuo ng kasiya-siyang relasyon sa iba.
Halos lahat ay hirap gawin ang mga bagay na ito sa ilang mga pagkakataon. Pero kung magpatuloy ang hirap na ito at mapigilan ang babaeng magawa ang kanyang araw-araw na aktibidadâhalimbawa, kung dahil sa sobrang tensyon at nerbiyos, hindi na niya maalagaan ang pamilyaâmaaaring may problema siya sa kalusugan ng pag-iisip. Mas mahirap matukoy ang mga problemang ito kaysa mga problema sa katawan, na madalas ay puwedeng makita o mahawakan. Pero kailangan ng atensyon at lunas ang mga problema sa kalusugan ng pag-iisip, tulad din ng mga problemang pisikal.
Nilalarawan sa kabanatang ito ang pinakakaraniwang mga problema sa kalusugan ng pag-iisip at mga sanhi nito. Nagmumungkahi rin kung paano tulungan ng babae ang sarili o ang ibang may ganitong problema.