Hesperian Health Guides
Sakit sa pag-iisip (psychosis)
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 27: Kalusugan ng pag-iisip > Sakit sa pag-iisip (psychosis)
- Nakakarinig siya ng mga boses o nakakakita ng mga bagay na di-pangkaraniwan, na hindi naririnig o nakikita ng iba (guniguni o halusinasyon)
- May lubhang kakaibang mga paniniwala na nakakasagabal sa kanyang araw-araw na pamumuhay (kahibangan o delusion)— halimbawa, na gusto siyang pagnakawan ng mga mahal sa buhay. Maaaring may mga palatandaan na kahawig pero ang sanhi ay sakit, pagkalason, gamot, pag-abuso ng droga o pinsala sa utak.
- Hindi na niya inaalagaan ang sarili—halimbawa, hindi na siya nagaayos ng pananamit, naglilinis ng sarili o kumakain.
- Lubhang kakaiba ang kanyang inaasal, tulad ng pagsasalita nang walang katuturan.
Anuman ang panlunas na ilalapat, kailangang tratuhin nang may pagmamalasakit, paggalang, at dignidad ang taong may sakit sa pag-iisip.
Minsan may mga taong walang sakit sa pag-iisip pero ganito ang pagkilos, laluna kung bahagi ito ng paniniwala o tradisyon ng komunidad. Halimbawa, kung sasabihin ng babae na nakatanggap siya ng gabay mula sa panaginip, maaaring humuhugot lang siya mula sa tradisyonal na bukal ng kaalaman at patnubay—at wala siyang sakit sa pag-iisip. Mas malamang palatandaan ng sakit sa pag-iisip ang mga nabanggit sa taas kapag madalas ang pagdating at masyadong malakas na nahihirapan na siyang gumanap ng pang-araw-araw na aktibidad.