Hesperian Health Guides
Karaniwang sanhi ng problema sa kalusugan ng pag-iisip
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 27: Kalusugan ng pag-iisip > Karaniwang sanhi ng problema sa kalusugan ng pag-iisip
Para magkaroon ng mas mahusay na kalusugan ng pag-iisip, kailangan ng kababaihan ng dagdag na kontrol at kapangyarihan sa kanilang buhay.
Hindi magkakaproblema sa kalusugan ng pag-iisip ang lahat ng babae na umaangkop sa mga suliraning nasa baba. Sa halip, madalas magkaproblema sa pag-iisip kapag mas malakas ang mga pabigat kaysa kakayahang umangkop. Dagdag pa, hindi lahat ng mga problema sa kalusugan ng pag-iisip ay may matutukoy na sanhi. Minsan talagang hindi natin malaman ang dahilan.
Mga nilalaman
Tensyon (stress) sa pang-araw-araw na buhay
Madalas pabigat sa babae ang mga aktibidad at pangyayari sa araw-araw, at nagdudulot ng tensyon sa kanyang katawan at isipan (stress). Puwedeng magmula ang tensyon sa mga pisikal na problema tulad ng sakit o sobrang trabaho. O puwedeng magmula ito sa mga emosyonal na pangyayari tulad ng alitan sa pamilya o paninisi sa babae sa mga problemang hindi niya kontrolado. Kahit mga pangyayaring madalas nagbibigay ng sayaâtulad ng bagong sanggol o trabahoâay maaaring magdulot ng tensyon dahil gumagawa ng mga pagbabago sa buhay ng babae.
Madaling makaligtaan ang tensyon sa pang-arawaraw na buhay dahil palaging nariyan. Pero malaking enerhiya ng babae ang nauubos sa pag-angkop sa ganitong klase ng tensyon.
May mga klase ng tensyon na bihirang mangyari pero nakakapagdulot din ng mga problema sa kalusugan ng pag-iisip:
Nawalan at namatayan
Kung mawalan ng bagay o taong mahalaga ang babaeâisang mahal sa buhay, ang trabaho niya, ang bahay, o isang malapit na pagkakaibiganâmaaaring mapuno siya ng pagdadalamhati. Puwede ring mangyari ito kung magkasakit siya o magkaroon ng kapansanan.
Isang natural na tugon ang pagdadalamhati para matulungan ang taong umangkop sa pagkawala at kamatayan. Pero kung santambak at sabay-sabay itong dumating, o kung marami nang pang-araw-araw na tensyon ang babae, maaaring magsimula siyang magkaproblema sa kalusugan ng pag-iisip. Puwede rin itong mangyari kung hindi makapagdalamhati ang babae sa tradisyonal na paraanâhalimbawa, kung napalikas siya sa bagong komunidad kung saan wala ang mga tradisyon niya.
Pagbabago sa buhay at komunidad ng babae
Sa maraming bahagi ng mundo, napipilitang magbago nang mabilis ang mga komunidadâdahil sa mga pagbabago sa ekonomiya o dahil sa alitang politikal. Marami sa mga pagbabagong ito ang nagpupuwersa sa mga pamilya at komunidad na baguhin ang kabuuang paraan ng pamumuhay nila. Halimbawa:
Kapag nagkawatak-watak ang mga pamilyaât komunidad, o kapag masyadong magbago ang pamumuhay na hindi na gumagana ang nakagisnang paraan ng pag-angkop, maaaring magsimulang magkaproblema sa kalusugan ng pag-iisip ang mga tao.
Trauma
Kapag may nangyaring kakila-kilabot sa babae o sa taong malapit sa kanya, dumanas siya ng trauma. Ilan sa pinakakaraniwang klase ng trauma ang karahasan sa tahanan, panggagahasa, giyera, torture at mga sakunang dulot ng kalikasan.
Nakaumang ang trauma sa pisikal o mental na kaayusan ng isang tao. Dahil dito, nakakadama ang tao ng kawalan ng kaligtasan, seguridad, kapangyarihan at kakayanang magtiwala sa mundo o sa mga taong nakapaligid sa kanya. Madalas kailangan nang mahabang panahon bago makabawi mula sa trauma ang babae, laluna kung itoây dulot ng tao at hindi ng kalikasan. Ang trauma na dinanas noong bata paâna hindi pa kayang maintindihan kung anoâng nangyayari o makapagsalita tungkol ditoâay maaaring makaapekto ng maraming taon na hindi man lang namamalayan ng babae.
Pisikal na problema
Pisikal na problema ang sanhi ng ilang mga problema sa kalusugan ng pag-iisip, tulad ng:
- hormones at iba pang mga pagbabago sa katawan.
- malnutrisyon.
- impeksyon, tulad ng HIV.
- pestisidyo, pamatay ng halaman at industriyal na mga pantunaw.
- sakit sa atay o bato.
- sobrang gamot sa katawan, o ng ibang mga gamot.
- maling paggamit o pag-aabuso ng droga at alkohol.
- stroke, o pag-uulyanin at mga pinsala sa ulo.
Palaging timbangin ang posibilidad ng pisikal na dahilan kapag naggagamot ng mga problema sa kalusugan ng pag-iisip. Tandaan din na ang pisikal na problema ay maaaring palatandaan ng problema sa kalusugan ng pag-iisip.