Hesperian Health Guides

Suriin nang Madalas ang Sanggol sa Unang 2 Buwan

Sa kabanatang ito:

NWTND Newb Page 11-2.png

Dapat patuloy na subaybayan ng komadrona o iba pang health worker ang nanay at sanggol matapos ang panganganak. Puwedeng pumunta ang mga nanay at sanggol sa klinika para matingnan, pero kung kakayanin dapat sa bahay gawin ang unang check-up para hindi nila kailangang magbiyahe o malantad sa mga taong maysakit na nasa klinika. Eksaminin ang sanggol at nanay sa kinabukasan pagkapanganak, 3 araw pagkatapos manganak, at 1 linggo pagkatapos manganak. Makakatulong din ang isa pang pagbisita sa ika-6 na linggo. Bumisita nang mas madalas kung may anumang palatandaan ng problema. Madalas na pagbisita ang pinakamahusay na paraan para mapansin ang mga problema sa kalusugan bago maging mapanganib.