Hesperian Health Guides

Pagpapasuso

Sa kabanatang ito:

NWTND Newb Page 18-1.png

Maaaring kailangang tulungan sa pagpapasuso ang baguhang nanay. Tulungan siyang manatiling kalmado at nakakonsentra. Gumamit ng mga kumot at unan para makaupo siya nang maginhawa. Hilingin sa mga kapamilya at bisita na bigyan ang nanay at sanggol ng kaunting pagsasarili. Maging mapanghikayat. Dumadali ang pagpapasuso habang tumatagal at nasasanay.

Mas mabuti para sa sanggol ang gatas mula sa suso kaysa sa anumang tinimplang gatas o pagkain.

Iwasan ang masakit at bitak-bitak na utong sa pamamagitan ng magandang posisyon sa pagpapasuso. Ipaling ang buong katawan ng sanggol tungo sa nanay – para hindi nakabaluktot ang leeg niya. Maghintay hanggang ibuka niya nang maluwang ang bibig, Saka siya ilapit sa suso. Dapat pasok nang malalim sa bibig niya ang utong at ang maitim na bahagi sa palibot nito (areola).

NWTND Newb Page 18-3.png
Pasok nang malalim sa bibig ng sanggol ang areola
Nakatiklop pababa ang ibabang labi
Bukas nang maluwang ang bibig
Hawak nang malapit sa katawan ng nanay ang sanggol
NWTND Newb Page 18-2.png
Tulad nito Huwag ganito. Puwedeng magdulot ng masakit na bitak-bitak na utong ang maling posisyon na tulad nito

Ang unang gatas ay parang likidong ginto

Ang unang gatas, na tinatawag na colostrum, ay kakaunti lang, pero iyon ang tamang dami para sa bagong sanggol. (Ilang kutsarita lang ang kayang lamnin ng kanilang sikmura.) Medyo kulay asul ang colostrum, pero kahit kakaiba ang hitsura, tamang-tamang pagkain ito para sa bagong sanggol. Mayroon itong antibodies – mga sangkap na galing sa katawan ng nanay na magpoprotekta sa sanggol mula sa impeksyon. Huwag itapon ang unang gatas: mas mahalaga ito para sa sanggol kumpara sa anumang gamot. Mahalaga din ang pagpapasuso sa unang 2 araw dahil pinasisimulan nito ang kalaunang gatas na sinisimulang gawin ng nanay sa ikatlong araw matapos manganak. Mas malakas sumuso ang sanggol, mas maraming gatas ang gagawin ng nanay.

Nakakakuha ba ng sapat na gatas ang sanggol?

Huwag maniwala kahit kanino na hindi mo kayang gumawa ng sapat na gatas para sa iyong sanggol, laluna sa unang ilang araw na nagsisimula pa lang gumawa ng gatas ang katawan mo.

Dahil sa tulak ng iba o pagdududa sa sarili, nagbibigay ang mga nanay (o lola o tiya o nars na nagsisikap tumulong) ng tinimplang gatas, o lugaw, o iba pang pagkain sa bago o bata pang sanggol. Aksaya sa pera at nagdudulot ng pagtatae ang mga dagdag na pagkain na ito. Nakakapababa ng timbang at nagpapahina ng sanggol ang pagtatae. Saka nagpapabawas sa gatas na ginagawa ng nanay ang mga dagdag na pagkaing ito. Kaya mas nakukumbinse siya na hindi nga niya mapakain nang sapat ang sanggol kung sa pagpapasuso lang. Kung isa kang health worker, mapipigilan mo ang ganitong siklo ng mga seryosong problema sa kalusugan sa pagpapakita sa mga nanay na naniniwala ka sa kakayanan nilang magpasuso. Tumulong sa pagposisyon sa sanggol, pero bigyan mo rin ng panahon ang nanay na matutunan kung paano gumagana ang pagpapasuso. Magsalita nang malumanay. Maging matiyaga.

Para makagawa ng sapat na gatas

  • Dalasan ang pagpapasuso. Habang mas malakas kang magpasuso, mas maraming gatas ang gagawin mo.
  • Uminon ng sapat na mga likido at damihan ang pagkain. (Pakainin ang sanggol mo sa pamamagitan ng pagpapakain sa sarili.)
  • Dalasan ang pahinga. (Kapag tumutulong ang tatay at pamilya sa mga gawain, mas maaalagaan ng nanay ang kanyang bagong sanggol.)


Habang mas malakas kang magpasuso, mas maraming gatas ang gagawin ng katawan mo.

Normal lang na nababawasan ng kaunting timbang ang karamihan ng sanggol sa unang linggo. Pagkatapos, ang pagbawas ng timbang ay nangangahulugan na hindi sapat ang nakakain ng sanggol. Gayundin, hindi gaanong umiihi ang mga sanggol sa unang araw, pero pagkatapos, dapat ay umiihi na siya tuwing ilang oras. Kung kakaunti ang iniihi niya pagkatapos ng dalawang araw, hindi sapat ang nakukuha niyang gatas. Pero paano kung madalas sumuso ang sanggol pero hindi naiihi o lumalaki? Sa ganitong napakadalang na mga kaso, baka kailangan mong palitan ng ibang gatas. Huwag magbigay ng asukal o am (hugas bihas). Huwag magbigay ng nakapaketeng gatas kung hindi mo tiyak na kaya ng bulsa mo na ibigay ang rekomendadong dami (magdudulot ng pagtatae at sakit ang pagpapalabnaw). At huwag gumamit ng mga botelya at tsupon: mahirap ang mga itong linisin kaya nagkakalat ng mga mikrobyong sanhi ng pagtatae.

Kailangang magbigay ng ibang gatas kung mamatay ang nanay o mahiwalay sa sanggol, o sa napakadalang na mga kaso na kulang nga ang nagagawang gatas ng nanay. Puwede mong hilingin sa ibang nanay na pasusuhin ang sanggol. Kailangang mag-HIV test siya para malaman kung ligtas gawin, dahil naipapasa ang HIV sa pagpapasuso. Puwede rin na gumawa ng timpla mula sa gatas ng hayop:
Timplahin:

2 parte ng gatas ng baka o kambing
NWTND Newb Page 20-1.png
1 parte ng tubig
1 malaking kutsara ng asukal

O KAYA
1 parte ng gatas ng tupa
1 parte ng tubig
1 malaking kutsara ng asukal

O KAYA
2 parte ng de-lata na gatas
evaporada (hindi matamis)
3 parte ng tubig
1 kutsara ng asukal

Pakuluin nang sandali ang timplang gatas. Pagkatapos palamigin at ipainom sa sanggol gamit at malinis na tasa o kutsara.

Thrush

NWTND Newb Page 21-1.png
Gumamit ng maliit at malinis na piraso ng tela para maipahid ang gamot sa loob ng bibig ng sanggol.

Maaaring palatandaan ng impeksyon ng yeast ang mga patsi-patsi na kulay puti sa dila o sa loob ng pisngi, at pagkabugnutin. Thrush ang tawag dito. Puwedeng kumalat ang impeksyong ito sa utong ng nanay, at magdulot ng pamumula, pangangati, at pananakit. Subukang banlawan ang utong ng kaunting suka, tapos tubig. O kung wala kang suka, maingat lang na banlawan at patuyuin ang utong tuwing matapos kang magpasuso. Kung hindi nito mapawi ang thrush, pintahan ng kaunting gentian violet ang utong 2 beses bawat araw sa 3 araw. Pintahan din ang loob ng bibig ng sanggol minsan bawat araw. (Magkukulay ube ang mga mapipintahan, pero ligtas ito.)

Kung hindi makatulong ang gentian violet, bigyan ang sanggol ng nystatin.

Kung pabalik-balik ang thrush, maaaring may ibang problema ang sanggol na nagpapahina sa kakayanan niyang labanan ang impeksyon. Halimbawa, ang mga sanggol na may HIV ay maaaring magka-thrush ng ilang beses.

Suso: pananakit, pamamaga, pagbara, o impeksyon

NWTND Newb Page 21-2.png

Minsan nababarahan ng gatas ang duct (mga maliit na tubo sa loob ng suso na dinadaluyun ng gatas). Nagiging maga, mapula, at masakit ang suso. Di kalaunan puwedeng magsimula ang impeksyon.

Mga palatandaan
  • Isang mainit, mapula, matigas na parte ng isang suso.
  • Masakit ang suso at habang nagpapasuso.

Kung may lagnat, naimpeksyon na ang baradong daluyan.


Panlunas
a woman massaging her breast in a downward motion while breastfeeding.
Gumamit ng madiin, patulak na galaw
para imasahe palabas ang parteng
may bara
  • Magpahinga. Damihan ang iniinom.
  • Magpasuso ng di bababa sa tuwing 2 oras. Ligtas sa sangol ang pagsuso kahit may impeksyon sa suso mo at ito ang pinakamainam na paraan na mapalabas ang impeksyon.
  • Tiyakin na maganda ang posisyon mo sa pagpapasuso. Dapat nakaharap sa nanay ang buong katawan ng sanggol. Dapat nakabukas nang malaki ang bibig ng sanggol, at dapat malalim na nakapasok ang utong sa bibig.
  • Unahin muna ang namamagang suso, at hayaan ang sanggol na ubusin ang laman nito.
  • Makakatulong ang mainit-init na basang damit o mainit na tubig pampaligo. Painit-initan ang suso ng 15 o 20 minuto, ng di bababa sa 4 na beses bawat araw. O kaya maglagay ng may kalamigang damit o dahon ng repolyo sa suso para maibsan ang pamamaga.

Kung may lagnat, magbigay ng 250 mg erythromycin, 4 na beses bawat araw.

HIV at pagpapasuso

May mga gamot na nagpapanatiling malusog sa mga buntis na babaeng may HIV at pumipigil din sa pagpasa ng virus sa mga sanggol nila. Para maprotektahan ang mga babae at bata, dapat may kakayahang magpa-HIV test ang lahat ng buntis na babae. At kung may HIV siya, dapat mabigyan siya ng mga gamot sa HIV habang buntis at sa buong panahon na nagpapasuso. Tingnan ang HIV at AIDS (ginagawa pa lamang).

Ligtas bang magpasuso kung may HIV ka?

Pinipigilan ng mga gamot sa HIV ang pagkalat ng HIV habang nagpapasuso. Kailangan ng nanay o ng sanggol na uminom ng gamot araw-araw hanggang sa hindi na kailangang sumuso. Napoprotektahan din ang kalusugan ng sanggol sa pagbibigay lang ng gatas mula sa suso sa unang 6 na buwan (o hanggang lumabas ang unang ngipin). Hindi malusog sa sanggol ang lugaw at iba pang inumin.

Ang HIV na gamot para sa nanay at sanggol
ay magpapanatiling malusog sa dalawa.

Kung walang gamot sa HIV, may panganib na maipasa ang HIV sa gatas mula sa suso. Pero ang panganib ng sakit mula sa pagbibigay ng de-paketeng gatas ay mas malaki. Karamihan sa mga nanay na may HIV ay walang malinis na tubig, panggatong, o pera para ligtas na makuha, maihanda, at maibigay ang de-paketeng gatas. Mas malamang kapusin sa nutrisyon at magkasakit ng pagtatae ang mga sanggol nila, at maaaring mamatay. Ibig sabihin pinakaligtas ang gatas mula sa suso – kahit hindi umiinon ng mga gamot para sa HIV ang nanay o sanggol.

Para sa sanggol at nanay saanmang lugar, pinakamahusay ang pagpapasuso

NWTND Newb Page 23-1.png

Pagpapasuso

  • Ito’y higit na mas mura. Hindi mo kailangang bumili ng gatas sa pakete, botelya at tsupon, o ano pang mga bagay.
  • Tumutulong pahintuin ang pagdugo ng nanay pagkatapos manganak.
  • Tumutulong umiwas sa pagbubuntis sa ilang buwan matapos manganak.
  • Nagpoprotekta sa nanay laban sa mga kanser at mahinang buto sa kalaunang bahagi ng buhay.
  • Ito’y palaging presko, mainit-init, at agad na maiinom.
  • Taglay ang lahat ng nutrisyon na kailangan ng bagong sanggol.
  • Tumutulong na protektahan ang mga sanggol laban sa pagtatae, pulmonya, at iba pang mga sakit.
  • Nagbibigay ng matagalang proteksyon laban sa diabetes, mga allergy, at mga kanser sa kalaunang bahagi ng buhay ng sanggol.
  • Nilalagay ang sanggol na ligtas at mainit-init katabi ng nanay.
  • Mas pinaglalapit ang nanay at sanggol.
NWTND Newb Page 23-2.png