Hesperian Health Guides

Tungkol sa librong ito

Sa kabanatang ito:

Sinulat ang librong ito para matulungang ang kababaihan na mangalaga sa sariling kalusugan, at para matulungan ang mga manggagawang pangkalusugan sa komunidad o ang iba pa na masagot ang pangangailangan sa kalusugan ng kababaihan. Sinikap naming maisama ang mga impormasyon na kapaki-pakinabang sa mga taong walang pormal na pag-aaral ng mga kasanayan sa pangangalagang pangkalusugan, at sa mga taong may kaunting pagsasanay.

Kahit malawak ang sinaklaw ng librong ito na mga problema sa kalusugan ng kababaihan, hindi nito sinasakop ang maraming problema na karaniwang tumatama kapwa sa mga babae at lalaki, tulad ng malaria, parasitiko, problema sa bituka, at iba pang mga sakit. Para sa impormasyon sa ganitong mga tipo ng problema, tingnan ang Where There Is No Doctor o iba pang pangkalahatang librong medikal.

Minsan hindi sasapat ang impormasyon sa librong ito para malutas mo ang problema sa kalusugan. Kung mangyari iyon, humingi ng dagdag na tulong. Depende sa problema, maaaring imungkahi namin na:

Kung kailangan mong humingi ng tulong:

Kung kailangan mong humingi agad ng tulong, lalabas din ang litratong ito.

IHATID!

  • magpatingin sa isang health worker o manggagawang pangkalusugan. Ibig sabihin, makakaya dapat ng isang bihasa na health worker na tulungan kang lutasin ang problema.
  • kumuha ng tulong medikal. Ibig sabihin, kailangan mong pumunta sa isang klinika na may sanay na taong medikal o doktor, o sa laboratoryo na gumagawa ng mga simple o pangunang pagsusuri.
  • pumunta sa ospital. Ibig sabihin, kailangan mong magpatingin sa isang doktor sa ospital na may kagamitan para sa mga emerhensiya, para sa operasyon, o para sa ispesyal na mga pagsusuri.


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017