Hesperian Health Guides

Paano gamitin ang HealthWiki

Sa kabanatang ito:

Paghahanap ng Impormasyon

Ang Talaan ng Nilalaman, tulad ng libro, ay naglilista ng mga kabanata sa ayon sa pagkakasunod-sunod ng kanilang paglitaw. May kahon ding naglilista ng mga nilalaman ng kabanata, may tatak na “Sa pahinang ito” at nasa kanang bahagi ng bawat pahina ng wiki. Pindutin o mag-click sa nakalistang paksa para pumunta sa bahaging iyon ng kabanata.

Bg search field.png Button search.png

Maaari ka ring magpasok ng mga termino o salita sa search field (panghanap) na nasa itaas at kanang kanto, para hanapin ang impormasyon na interesado ka.

Para makita ang impormasyon tungkol sa mga gamot na nasa librong ito at paano iyon gamitin, tingnan ang Gamot: Mga berdeng pahina. Makakapunta ka doon mula sa Talaan ng Nilalaman o sa pamamagitan ng pag-click sa pangalan ng gamot na nasa teksto.

Maraming mga kabanata ang nagtatapos sa seksyong tinatawag na Pagkilos para sa pagbabago. Nagbibigay ang mga seksyong ito ng mungkahi kung paano mapabuti ang kalusugan ng kababaihan sa inyong komunidad. Madalas may kabanata ang mga libro ng Hesperian na tinatawag na “Iba pang mga Akda” o “Saan Makakakuha ng Dagdag na Impormasyon” na naglilista ng iba pang mga libro, materyal, at organisasyon na natuklasan naming sadyang nakakatulong sa iba’t ibang partikular na problema. May makikita kang link sa nasabing seksyon sa Talaan ng Nilalaman ng bawat libro. Sa pahina ng mga libro at akda ng Hesperian, gayundin sa mga pahina ng ibang mga wika, may makikita kang dagdag pang mga link sa “Iba pang mga Akda”. Gamitin mo ang mga link na ito! May pandaigdigang ugnayan ng mga tao na nagtatrabaho para sa kalusugan at katarungang panlipunan. Pakisabi na rin sa amin kung may link na hindi na gumagana, o kung may iba pang akda na sa tingin mo ay dapat ding mailista. Makipag-ugnayan sa aming sa: [email protected].

Sa tulong mo, mapapahusay pa ang akdang ito

Kung may naiisip kang anuman para mas matugunan ng Hesperian Wiki ang iyong pangangailangan, o may mungkahing pagbabago sa laman ng mga libro, maaari lamang sulatan kami sa [email protected]. Malugod naming aabangan ang sulat mo!


Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017