Hesperian Health Guides

Mga paraan ng pagkilos tungo sa mas mabuting nutrisyon

Sa kabanatang ito:

Maraming iba’t ibang paraan para harapin ang problema ng masamang nutrisyon, dahil maraming iba’t ibang bagay ang nagbubunsod nito. Kailangan ninyong timbangin ang mga posibleng aksyon na magagawa, at magpasya kung alin ang pinakamalamang umubra.

Narito ang ilang halimbawa ng mga paraan para mapahusay ang nutrisyon. Makakatulong ang mga ito para makapagtanim ng dagdag na pagkain, o ng mas madaming klaseng pagkain, o para mapaganda ang pagtago at maiwasan ang pagkasira. May resulta agad ang ilan sa mga mungkahing ito. Mas matagalan naman ang paggana ng iba.

Ilang mga paraan para mapabuti ng tao ang kanilang nutrisyon

Halamanan ng pamilya
babaeng nag-aalaga ng mga halaman sa balkonahe ng paupahang gusali
mga taong nagtatrabaho sa halamanan na malapit sa ilang mga bahay
Halamanan ng komunidad mga taong nagtatrabaho sa malaking halamanan sa tabi ng mga gusali ng paupahang apartment
Salit-salitan o rotasyon ng tanim
Pagsalit-salitin ang mga pananim na nagbabalik ng lakas sa lupa—tulad ng beans, munggo, mani o iba pang butong-gulay (legumes).
WWHND10 Ch11 Page 176-4.png WWHND10 Ch11 Page 176-5.png
Mais ngayong taon Beans sa susunod na taon
Sikaping magpalaki ng sari-saring klaseng tanim. Sa ganitong paraan, kung may papalyang tanim, mayroon pa ring makakain.
Irigasyon maliit na kanal na dinadaluyan ng tubig mula sa ilog papunta sa halamanan Terraces
para hindi maanod ang lupa
mga kanal sa gilid ng burol sa pagitan ng mga hilera ng tanim sa baitang-baitang na lupa
Kooperatiba ng Pagkain
Puwedeng komunidad ang bumili ng pagkain na maramihan sa mas mababang halaga

lalaki at babaeng nagpupuno ng maliit na bag mula sa malaking bag ng mga butil

Palaisdaan

babaeng namimingwit ng isda sa sapa
babaeng nagdadagdag ng tirang pagkain sa isang may bakod na lugar pang-compost
Natural na pataba
Compost
imbakan na nakatayo sa mataas na mga posteng may metal na harang
Mas mahusay na taguan ng pagkain
Metal na harang sa mga daga

Pagsubok ng bagong ideya

Huwag mawalan ng loob kung pumalya ang eksperimento. Puwedeng subukan mo uli na may ilang pagbabago. Magkasindami ang matututunan mo sa mga pagpalya at tagumpay

Malamang hindi uubra sa lugar ninyo ang lahat ng mungkahi dito. Baka umubra ang iba kung iaakma sa inyong komunidad at mga kagamitan at kakayahan. Madalas malalaman lang kung gagana ito o hindi sa pamamagitan ng pagsubok—ibig sabihin, pag-eksperimento.

Kapag susubok ng bagong ideya, palaging magsimula nang maliit. Kung maliit at papalya ang eksperimento, o may kailangang baguhin, hindi malaki ang mawawala sa iyo. Kung uubra naman ito, makikita ng ibang tao at sisimulang gamitin o ipatupad nang malakihan.

babaeng nagtatrabaho sa maliit na halamanan na may apat na magkakaibang hilera ng halaman

Narito ang isang halimbawa ng pag-eeksperimento sa bagong ideya:

Natutuhan mo na ang isang klase ng beans, tulad ng soya o balatong, ay pagkaing mahusay sa pagbubuo ng katawan. Pero tutubo ba ito sa inyong lugar? At kapag tumubo nga, kakainin ba ito ng tao?

Magsimula sa pagtatanim sa kapirasong lupa—2 o 3 maliliit na parte na iba’t iba ang kalagayan (halimbawa, magkakaibang klase ng lupa o magkakaibang dami ng patubig). Kung maganda ang tubo ng tanim, subukang lutuin ito sa iba’t ibang paraan, at tingnan kung kakainin ng tao. Kung pasado, magtanim nang mas marami sa nasubukang kondisyon na pinakamahusay ang pagtubo.

Puwede ring subukan ang iba pang mga kondisyon (halimbawa, pagdagdag ng abono o paggamit ng ibang binhi) sa ibang piraso ng lupa. Dito mo makikita kung gaganda ang ani. Para mas matukoy kung ano ang nakakatulong at ano ang hindi, paisa-isa lang ang baguhing kondisyon.


Iba pang mga ideya na puwedeng eksperimentuhan

dalawang puno ng cacao na lumalaki sa lilim ng dalawang puno ng rimas o breadfruit
Sa magkasamang pagtatanim ng rimas (breadfruit) at cacao, kumikita ng pera ang pamilyang ito at may pagkain ding inaani para sa sarili—sa parehong laki ng lupa.
  • Para maparami ang pagkaing maaani mula sa isang piraso ng lupa, subukang iba’t iba ang itanim na magkakasama. Halimbawa, puwedeng pagsamahin ang tanim na mababa o nakadikit sa lupa sa tanim na tumataas. Puwedeng magtanim ng puno na may prutas na mas mataas pa sa dalawang nauna. O kaya’y puwedeng ihalo ang tanim na mabilis tumubo at anihin sa isang mas matagal. Kaya puwedeng maani ang unang tanim bago pa lumaki ang ikalawa. Sa magkasamang pagtatanim ng rimas (breadfruit) at cacao, kumikita ng pera ang pamilyang ito at may pagkain ding inaani para sa sarili—sa parehong laki ng lupa.
  • Kung kailangan mong magtanim ng cash crop (tanim na hindi pagkain na binebenta), subukang sabayan ito ng tanim na pagkain. Halimbawa, magtanim ng puno na may prutas para maliliman ang tanim na kape. O kaya’y magtanim ng kamoteng kahoy kasabay ang tanim na bulak.
  • Sikaping maghanap ng masustansyang mga halaman na mahusay ang pagtubo sa inyong lugar, sa gayo’y mas kaunting tubig at pataba ang kakailanganin mo para umani nang maganda.




Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017