Hesperian Health Guides
Ang siklo ng karahasan
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 18: Karahasan laban sa kababaihan > Ang siklo ng karahasan
- Karahasan: suntok, sampal, sipa, sakal, paggamit ng sandata o bagay, sekswal na abuso, abuso sa salita at pananakot
- Kalmadong panahon: Maaaring itanggi ng lalaki ang karahasan, mangatuwiran, humingi ng pasensya o patawad, o mangako na hindi na ito mangyayari uli.
- Pamumuo ng tensyon: galit, pagtatalo, paninisi, abuso sa salita
Sinusubukan ng ibang babae na pumutok agad ang karahasan para matapos na ito, at makapunta na nang mas mabilis sa kalmadong panahon
Habang nagpapatuloy ang karahasan, paikli nang paikli ang kalmadong panahon para sa maraming magpartner. Habang nawawasak ang lakas ng loob ng babae, humihigpit ang kontrol ng lalaki sa kanya, hanggang sa malubos ito at hindi na niya kailangan pang mangako na magbabago.