Hesperian Health Guides
Ang kuwento ni Laura at Luis
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 18: Karahasan laban sa kababaihan > Ang kuwento ni Laura at Luis
Mas matanda si Luis ng 12 taon kay Laura, at isa nang matagumpay na negosyante nang magkita sila. Nagbebenta siya ng mga produkto sa tindahan kung saan nagtatrabaho rin si Laura para makatulong sa pang-upa ng pamilya. Kalugod-lugod si Luis noonâ ipinapahayag ang klase ng buhay na puwedeng pagsaluhan nila. Bibilhin niya raw para kay Laura ang anumang naisin nito, at magiging âreynaâ ng buhay niya. Madalas ibinibili niya si Laura ng bagong damit na gusto niyang makitang suot nito, at sinasabing lalo siyang gaganda kung papalitan ang dating pananamit. Sa kalaunan, araw-araw nang dumadalaw si Luis, hanggang sa hilingin niyang tumigil na sa trabaho si Laura at magpakasal sa kanya.
Tapos ng kasal, umasa si Laura na tutuparin ni Luis ang mga pangako nito. Sa halip, nagsimula ang mga pagbago. Ayaw niyang palabasin si Laura, dahil âang pangitâ daw nito. Kinuha pa nga niya ang lahat ng magagandang damit na binili at sinunog. Sabi niya, âHindi bagay sa tangaât pangit na babaeng iyan ang magagandang damit na ito.â
Isang araw, umuwi nang tanghali si Luis, pinagtatapon ang mga nakasampay na damit, at pinagbintangan si Laura na nakikipagtalik sa kaibigan niya. Nang magpaliwanang si Laura na kabibisita lang niya sa kanyang nanay, tinawag siyang âsinungaling na putaâ at sinuntok. Binawalan si Laura na bumisita sa sariling pamilyaâaayawan din naman daw siya ng mga iyon. Pag-uwi kinagabihan, may dala si Luis na regalo at inalo-alo si Lauraâmahal na mahal daw siya at aalagaan nang husto.
Nang mabuntis si Laura, akala niyaây bubuti na ang pagtrato ni Luis. Sa halip, mas nakakita yata ng palusot si Luis na saktan siya. Kapag nagagalit, nasusuntok at nasisipa siya sa tiyan. Takot na takot si Laura na baka malaglag ang dinadala, pero wala siyang mapuntahan. Naniwala na siya sa sinasabi ni Luis na aayawan siya ng sariling pamilya. Wala rin siyang pera. Minsan ilang linggong hindi pumuputok si Luis, at kukumbinsihin ni Laura ang sarili na OK na: âMahal naman niya talaga ako. Kung matutuhan ko lang sana na mapigilan ang pagputok niya.â Pinag-ibayo niya ang pagsisikap, pero walang nakakapigil.
Sa takbo ng mga taon, naglalasing si Luis, sinasalya siya sa dingding, at pinupuwersang makipagtalik kahit bugbog ang katawan niya. Isang gabi, nagising si Laura na tinututukan ni Luis ng kutsilyo sa leeg. Kinabukasan, sinabihan siya ni Luis na guni-guni lang iyon, na naloloka na siya. Binabantaan din siya ni Luis na kapag may lumabas na âmga kasinungalingan,â papatayin siya. Walang sinasabihan si Laura, at halos hindi siya lumalabas. Ayaw niyang may makakita sa mga pasa at makaalam sa mga ginagawa sa kanya. Madalas niyang pag-isipan ang pag-alis, pero hindi niya alam kung saan pupunta.
Matapos ang 12 taon, bukod sa takot si Laura sa puwedeng gawin sa kanya, takot din siya na kung wala si Luis, wala siyang tirahan, walang pera, walang ama ang mga anak niya. Nagkalat ng mga masamang kuwento si Luis sa dati niyang pinagtatrabahuhan. Alam din niyang dahil may mga anak siya, walang tatanggap sa kanya na katulong sa bahay. Damang-dama ni Laura na nag-iisa siya.
Patay na ang ama ni Laura at nasa kapatid niyang lalaki ang ina. Walang lugar para sa kanya at mga anak. Napaka-relihiyosa ng kapatid niyang babaeâtungkulin daw niyang manatili sa asawa, kahit pa mapatay siya. âGanyan talaga ang buhay.â Puro trabaho sa bahay si Laura kaya lagi siyang abala. At dahil nagagalit si Luis kung lalabas siya o may bisita, umiwas na siya sa mga kaibigan. Tiyak niyang matagal nang suko sa kanya ang mga iyon. At saka sa tingin ng karamihan, okey lang na âparusahanâ ng mga lalaki ang asawa nila.
Humantong lahat sa isang gabi, 11 taon na ang panganay na babae ni Laura. Umiiyak itong nagsumbong kay Laura na ginalaw siya ni Luis sa ari. Natulala si Laura. Akala niya, hindi madadamay ang mga anak sa asal ni Luis. Alam niyang walang mangyayari kung makikipagtuos siya kay Luis, pero HINDI siya papayag na maulit ito.
Nang makunan si Laura sa huling pagbubuntis, nagtanong ang health worker tungkol sa mga pasa. Nagdahilan si Laura. Tumango lang ito, nagbigay ng card na may address sa kabilang bayan, at sinabi kay Laura, âKung kailangan mong umalis, puwedeng doon kayo pumunta ng mga anak mo. Tiyakin mo lang na handa ka na.â Handa na ngayon si Laura.
Bakit sinasaktan ni Luis si Laura? Eto ang ilang maling ideya:
Puwedeng gawin ng lalaki ang anuman sa kanyang asawa. |
Kasi naglalasing siya. |
Ang totoo: Walang lalaking may karapatang bugbugin ang asawa. Walang kilos ang babae na matatanggap na katuwiran para mabugbog siya. Kahit sa tingin ng lalakiâo ng babaeâay tama lang ito | Ang totoo: Hindi sanhi ng karahasan ang inuming nakalalasing, pero madalas ay nagpapalala ito. Pangkaraniwan din ang karahasan sa mga lugar na hindi uso ang paglalasing. |
Sa sobrang pagmamahal kasi kaya siya nambubugbog. |
Kanila na iyon. Wala tayong karapatang makialam sa pribadong buhay magasawa. |
Ang totoo: Hindi tanda ng pagmamahal ang pambubugbog. Respeto at pagkalinga ang pagmamahal | Ang totoo: Hindi lang usaping pampamilya ang karahasan. Maraming babae ang nasasaktan o napapatay. Problema ito ng lipunan at komunidad |
Mga mahirap at hindi edukadong lalaki lang ang nambubugbog.
|
Pinakamahusay para sa mga anak na huwag humiwalay ang babae. Puwede pa ring maging mahusay na ama ang lalaki
|
Ang totoo: Hindi lang problema ng kahirapan at kawalan ng kaalaman ang karahasan. Puwedeng mangyari ito kahit saang tahanan: mayaman o mahirap, edukado o mas kaunti ang edukasyon, sa lungsod o sa nayon. | Ang totoo: Hindi palaging mas mabuti sa pamilya na makisama ang babae sa marahas na lalaki. Natututo ang mga anak ng napakasama at maling paraan ng pag-aksyon sa nadadama, at ng pagtrato sa kababaihan. Hindi mabuti para sa mga anak ang ama kung ginugulpi ang nanay nilaâo sila mismo. |