Hesperian Health Guides
Pagpapasya na gumamit ng gamot
HealthWiki > Kapag Walang Doktor ang Kababaihan > Kabanata 31: Paggamit ng mga gamot sa kalusugan ng kababaihan > Pagpapasya na gumamit ng gamot
Tingnan ang mga kabanatang âPaglutas sa mga Problema sa Kalusuganâ at âAng Sistemang Medikalâ para sa dagdag na impormasyon na makakatulong sa iyong magpasya kung kailangan mo ng gamot.
Iniisip ng ibang tao na kailangan palagi ng gamot para sa magandang pangangalaga ng kalusugan. Pero nilulunasan lang ng gamot ang problema sa kalusuganâhindi nilulutas ang mga kondisyong sanhi nito. At hindi palaging gamot ang pinakamahusay na sagot sa lahat ng problema sa kalusugan. Para sa ilan, pinakamahalaga ang pag-inom nang maraming likido at pagpapahinga. Dapat gamitin lamang ang gamot kung alam mo kung ano ang problema at alam mong tatalab ang gamot sa problemang iyon.
Para makapagpasya kung kailangan mo nga o hindi ang gamot, pag-isipan ang mga ito:
|
Nakakapahamak na paggamit ng gamot
Panlaban sa mga mapanganib na sakit ang gamot, pero may sariling panganib ang mga ito. Kapag mali ang gamit, puwede kang mapinsala o mapatay ng gamot. Eto ang ilang karaniwang halimbawa ng maling paggamit ng gamot sa kalusugan ng kababaihan: